AS.23 ♥

203 6 5
                                    

Yehey medyo bumibilis na ko ng update hahahahaha sinisipag ata ako ngayon, malapit na kasi exams namin, pero after nun maguud din ako!! Pero hindi ako nangangako. Hahahahaha

Here's the update guyth!

Btw, this chapter is dedicated to her, continue reading girl! Salamat sa support ☺

Enjoy reading!

Lovelots,

-Melalalaiii ♥

_____________________

Kath's POV.

Actually hanggang ngayon hindi pa rin nagsisink sakin lahat ng nangyayari eh.

Yung kasweetan ni DJ.

Yung mata niyang kitang kita ung saya niya ngayon.

Yung yakap niya.

At yung kiss niya.

>///////<

Pag naalala ko yun, kinikilig ako seriously.

Hindi ko alam kung bakit ganto yung nararamdaman ko, dapat magagalit ako diba? Kasi hindi pa kami pero nakakadalawa na siya kiss sakin? Pero ewan ko ba, imbes na maging ganun ung pakiramdam ko, kinikilig pa ko. Sympre, sino ba namang hindi di ba? Eh kahit ata sinong halikan ni DJ diyan sa tabi tabi ay kikiligin dahil napakapoging nilalang naman talaga niya. 

Ang daming nangyari ngayong araw, after nung kiss sympre medyo awkward pa pero as time pass by, okay na ulit at komportable na kami sa isa't isa. Nagulat nga ako ng bigla akong hilahin ni DJ papuntang labas ng restaurant. 

-Flashback-

Pagkahila niya sakin sa labas ng restaurant bigla siyang nagsalita. Brrr. Ang lamig naman.

"Kath...." 

"Hmm?" Ang lamig talaga. Ano ba yan. Huhuhu 

"Wait, bago yung sasabihin ko, nalalamigan ka na ba Kath?" 

-____________________-

Halata naman siguro sa kilos ko diba? Kanina ko pa hawak hawak ung mga braso ko kasi ang lamig lamig. Brrrr.

Pero bigla nalang akong nakaramdam ng naglagay ng jacket sa likod ko, tapos nagulat din ako nung bigla niya kong niyakap. Nakaupo kasi kami dito sa damuhan ng likod ng restaurant. Parang binack hug niya ko and I find it sweet.

"Sabi nila, pag nilamig daw ung isang tao. Ang pinakamabisang pampatagal ng lamig ay body heat. Kaya eto niyayakap kita, baka kasi mangisay ka diyan eh, alam mo namang mahal kita."

O_________________________O

Speechless.

Biruin mo, isang Daniel John Ford Estrada Padilla sasabihing mahal niya ako? Aba hindi magandang biro yun, baka maniwala ako. Hahahahaha

"Akala mo ba nagbibiro ako? Hindi Kath, seryoso ako. At eto ang dahilan kung bakit kita hinila papunta dito, gusto kong malaman mo ang nararamdaman ko. Alam kong hindi biro to, kasi maraming tao ang aagainst sa pagmamahal natin, pero mahal kita Kath at wala akong pakialam sa sasabihin ng iba dahil ang importante lang naman sakin, eh yung sasabihin mo. Mahal talaga kita kath, sana maniwala ka, kasi yun yung katotohanan."

I seriously don't know what to react.. 

Anong gagawin ko? Ano ba yan huhuhu ayoko ng gantong feeling pero at the same time nagugustuhan ko din eh. Ewan, malabo. Basta alam ko, Fangirl ako ni DJ at gusto ko siya pero hindi ko alam kung love na ba tong nararamdaman ko. Naisantabi ko na nga yung operation ko dati eh? Natatandaan niyo pa yun? Yung, 'Operation daniel' na yan. Diyan nagsimula lahat eh, hindi ko naman alam na si tadhana na pala ang gagawa para sakin.

Adik Sa'yo (Kathniel Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon