Daniel's POV.
"This is the worst concert ever, Daniel. I am very disappointed sa ginawa mo. Hindi ka ba nag-iisip? Pinahiya mo ang lahi ng Padilla! Pinagamit na nga lang sayo yang apelyido na yan nilagyan mo pa ng bahid ng kahihiyan. Wala kang kwenta! Umalis ka sa harapan ko." Bungad sa 'kin ni Dad pagkapasok ko ng backstage. As what I've expected, tapos na rin ang pagpapanggap niya bilang mabuting ama. Ah, damn it! Sabi na nga ba, palabas lang ang lahat. Dahil sikat na ko, kunwari mahal niya ko. Kunwari nagmamahal-mahalan kami.
Fck this life. Bwisit na mundo 'to, pag sikat ka, mahal ka. Pag laos ka, para kang tae na aapak-apakan lang nila. Bakit ba ganto sa mundo ng showbiz? Umiikot ang lahat sa pagpapanggap, pagsisinungalingpara lang mahalin ng sambayanan. Di ko lang talaga magets ung point ng pagsisinungaling para mahalin. Maapply ba yon sa real life? Well, reality sucks. Kaya malamang sa malamang.. nangyayari 'to. One thing I realized, you can't please everybody. May ibang tao na mahal ka lang kasi may benefit silang nakukuha galing sayo. Parang sa sitwasyon ko ngayon, hindi na ko mahal ng daddy ko kasi wala na siya makukuhang benefit galing sa 'kin.
"Daniel, halos lahat ng sponsors mo para sa next mall show mo sana eh nagback-out na, even ung upcoming teleserye mo with Julia eh napending. Ung photoshoots mo for this week lahat na cancelled dahil sa nangyari. Even your albums, ung mga dapat idedeliver ulit sa stores eh hinold dahil baka hindi bumenta. All of your endorsers, nagback out na din. Maybe this is the end of your careeer, DJ. I'm so sorry." Sabi ni Manager sa 'kin pagkapasok na pagkapasok ko palang ng dressing room.
"TAMA NA, OKAY? Tanggap ko na naman na mawawala na ung career ko eh. Bago sabihin yon, hinanda ko na ung sarili ko sa mangyayari. Kaya nga eto ako papasok ng dressing room at liligpitin lahat ng gamit ko. Pasensya na manager. Sobrang stress lang ako. Sobrang nadisappoint ako sa pinakita ni Dad. It's just that na parang mahal niya lang ako dahil sikat ako. Dun ako pinakanasaktan. Hindi ko naman kailangan niyan lahat eh. Pero ung pagmamahal at atensyon ni Daddy ung kailangan ko. Na akala ko binigay niya pero yun pala ginamit niya lang ako. Isa pang nakakadisappoint manager, feeling ko ginamit lang ako ng lahat ng tao dito ngayon. Biruin mo, ung mga dating akala mo best buddies ko sa showbiz eh hindi na ko pinapansin dahil sa issue na yon. Damn it manager! Tinuring ko silang parang pangalawa ko ng pamilya pero ganto pala yon? Pag di ka na sikat, di ka na nila mahal. Ganto pala dito? Ang galing naman ng pagmamahal na sinasabi nila." Hindi ko na napigilan. Naiyak na ko. Bading ba kung iiyak ako ngayon? Hindi ko na kaya eh. Masyado ng masakit para itago.
"Bata ka pa talaga Daniel no? Wag mo namang ilahat kasi nandito pa ko. Wala ka pa kasing alam sa showbiz, hindi mo pa talaga alam kung paano umiikot ang mundo dito. Kasi nasanay ka sa mundong ginagalawan mo nung bata ka pa. Hindi lahat ng tao sa paligid mo Daniel, totoo sayo. Yan ang tatandaan mo. Hindi lahat. May mangilan-ngilan diyan na ginagamit ka lang. At meron din namang iba na totoo sayo. Kaya dapat maging matalino ka. Alamin mo kung sino talaga ung nagmamahal sayo sa hindi. Ngayon alam mo na kung pano umikot ang mundo dito. Sana matutunan mo na kung magkakaroon ka pa ng second chance to prove yourself to everybody. At sa susunod, ngitian mo lang sila. At masasabi mo na lang sa sarili mo na, "Eto na yun. Yung inaasam-asam kong tagumpay." Halika nga dito, ihuhug ko ung baby Daniel ko." Sabi niya pagkatapos niyakap niya ko ng pagkahigpit-higpit.
"Aray ko manager, nasasaktan ako." Sabi ko pagkatapos bumitiw na siya sa yakap niya sa 'kin.
"Be strong, okay? Ipakita mo sa 'kin ung Daniel na nakilala ko. Ung Daniel na hindi sumusuko at nagpapatalo sa problema. Gusto kong makita 'yon. Sige na umuwi ka na, panigurado nabalitaan na yan ng mommy mo." Naalala ko bigla sila mommy. Pano ko na ngayon bubuhayin ung pamilya ko ngayong wala na kong source of income? May naipon naman ako pera. Sapat na siguro yon para magstart kami ng isang maliit na business. Kailangan kong magbagong buhay. Mukhang kailangan ko na 'ring magtapos ng pag-aaral.
BINABASA MO ANG
Adik Sa'yo (Kathniel Fanfic)
FanfictionWhat if all the dreams will turn into reality? A story of people who for others are not meant to be together but in their hearts they will be together, forever.