AS.26 ♥

50 1 1
                                    

Daniel's POV

Wala na ata ako sa tamang pag-iisip. Ang bading tignan pero ako pa ata ang mas kinilig kanina kesa kay Kath. Hindi ko alam kung ano ba tong nararamdaman ko. Kasi sa buong buhay ko, ngayon ko lang to naramdaman at ni minsan hindi ko naimagine na magmamahal ako ng ganto. Yung pakiramdam na kaya mong ibigay ang lahat ng oras mo sakanya. Kung pwede nga lang 24/7 ko siyang kasama kahit na nakaupo lang siya sa tabi ko masaya na ko eh. Tama na nga ang malalim na pagiisip mga bregs, lalo lang akong naiinlove kay chandria eh. At dahil sinabi kong may photoshoot ako ngayon, nandito ako sa bahay namin kasama ang aking mga poreber bregs na sila seth, jc, kats, lester.

"Hoy! Puro kath na ang iniintindi mo ha, baka nakakalimutan mo may ka love team ka pa. At may career ka pa at mag-aaral ka pa, ke bata bata mo puro pagibig yang inaatupag mo!" Biro ni seth.

"Sorry na dad. Alam mo naman na mahal na mahal kita dad eh. Last na hiling ko na to sa mga teachers. Pag gagawa ako ng surprise di na sa school, promise. HAHAHA" Sagot ko naman kay seth na parang natakot sa sinabi niya.

Tumayo si Seth at nagsalita. "Pero pare seryoso, sulitin mo na yang mga free time mo kasama si Kath. You're getting popular. Hindi katulad dati na kapag lumalabas ka eh may mga lumalapit sayo pero konti lang. Ngayon pag lumabas ka dinudumog ka na nila. Dumadami ang offers sayo. Mas magiging busy ka. Sadly, baka hindi mo na kayaning mag-aral habang nagaartista, pare. Lumalaki ang fanbase mo, kwento mo sakin, nakalmot ka pa nung fan mo na magpapapicture sana sayo. Baka hindi lang yan ang abutin mo pag pinuntahan ka ng mga fans mo dun, What I'm telling is, hindi na sobrang safe kung sa public places ka magiistay. Okay lang kung makokontrol mo ung fans mo, alam mo namang mahal na mahal ka nila at willing silang makipagsabunutan at tulakan para lang makalapit sayo kaya di na safe. Swerte mo lang sa school na napasukan mo at ang mga fans mo ay pasulpot sulpot lang. Hahahaha. I mean, para kasing sa school niyo, pag katabi mo si Kath wala ng lumalapit. Hahahaha."

Napabuntong hininga ako at nagsalita.  "Alam mo pare, sobrang palabiro mo pero pag nagseryoso ka bakit sobrang totoo? Oo nga, napapansin ko din na lumalaki na ung fanbase ko. Tapos dati pag lumalabas ako konti lang ung lumalapit ngayon hindi na, sainyo na ko minsan nagpapabili kasi dinudumog na ko kapag lumalabas. Pero hindi yun yong inaalala ko eh,  mahal na mahal ko ang fans ko alam nila yan kaya naiintindihan ko naman kung minsan di nila maiwasan na makalmot ako o kung ano pa man yon, ang inaalala ko si Kath. Di ba sinabi ko na liligawan ko siya sa harap ng buong school, willing naman akong panindigan yun pero bigla kong naisip si Kath, ayokong makabasa siya ng mga bash, hate tweets, at masasakit na salita galing sa mga fans. Sana pala nagisip muna ko bago ko ginawa ung pagsabi nun. Maaring sakin okay sakin pero sakanya hindi. Nagkamali na naman ako mga bregs. Anong gagawin ko?"

"Edi panindigan mo. Ipagtatanggol mo naman si Kath diba? After all, sa love team niyo ni Julia palagi mo namang dinedeny na may relasyon kayo or something eh. Kaso ang palagi nilang sinasabi na ganyan naman daw palagi, tinatago niyo lang daw or what, naghoholding hands daw pero hindi daw sila mga ganon, intindihin nalang natin sila. Ang gusto kasi nila, Julia is for Daniel and Daniel is for Julia." Advice ng poging poging si Lester.

"Yun nga ang problema eh! Eh si J nga kasi is for Kath and Kath is for J. Hahahaha! Hindi kasi nila pinapansin ung tweets ng mga school mate mo about sainyo ni Kath. Ang palagi nilang sinasabi kayo lang daw ni Julia ang para sa isa't isa! Nakailang deny ka na ba? Pero di nila pinansin? Hay DJ ang hirap maging gwapo hahaha." Pang sang ayon ng machong si Kats. 

"Inexplain ko naman kay Julia yun. Nagsorry na din ako sa management. Gusto kasi nila magpa 'kilig' effect daw kami kasi nagciclick kami sa mga tao. Pero kilala niyo naman ako mga bregs, ayoko ng nagpapanggap o nagsisinungaling kaya sabi ko, "Pasensya na po, pero diba kung magciclick po kami, magciclick po talaga? Pwede po bang magdeny ako sa mga interviews? Di ko po kasi kayang magsinungaling na meron kaming something ni Julia kahit wala naman po talaga. Pasensya na po. Julia, I'm really really sorry. Pero wag kang mag-alala susuportahan kita at sympre gagampanan ko naman ang pagiging loveteam natin at pagiging magkaibigan natin. Pero ayokong magsinungaling. Not in a romantic way" Naintindihan naman ni Julia yon, sabi nga niya na tama daw ako at dapat daw ang gawin lang namin eh ung gawain ng normal loveteams, wag na daw magpanggap. Honestly, Julia is a really nice and pretty girl. Pero nakikita ko lang siya as friends hindi ko siya makita in a romantic way." 

Adik Sa'yo (Kathniel Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon