AS.24 ♥

123 3 0
                                    

Sorry guys, sobrang busy lang talaga. Joke. Hahahaha.  Busy lang. Summer naman ngayon kaya babawi na ko sainyo. Yung update ko last, birthday pa ni DJ yon. Magbibirthday na ulit si DJ kaya nagpaghahalataan na ko. Haha. Ayun, sinong pupunta sainyo sa concert ni DJ this coming April 30? :)

So guys, here's the update!!

____________________________________________________

Kath's POV.

Kakatapos lang ng birthday ni DJ at nakakatuwang isipin ng sucessful ang plano ko. Hahaha. So wala na palang problema, okay na lahat. Maayos kong nagawa. Sa sobrang ayos halos mapunit na ata tong labi ko kakangiti dito mag-isa. Alam kong mukha akong tanga ditong nakaharap sa salamin, gulo gulo pa ang buhok at amoy na amoy ko pa ang mabaho kong hininga pero omg lang talaga!! Ang saya pala talaga. Ang saya saya. 

"Haaaaaaaaaaaaaaayyyyyyyy." Sabi ko at papungay pungay pa ung mata ng humiga ulit sa kama. Ang sarap i-replay ng i-replay sa utak ko ung nangyari kagabi. 

"Hoy, ano na naman yan bebe kath ha? Aba't napupunit na yang labi mo kakangiti eh, at nakatulala ka pa diyan, may pasok pa tayo baka nakakalimutan mo? Tumayo ka na nga diyan! Nako. Kahit di ko alam ang buong nangyari, sa ngiti mo pa lang, parang alam ko na."  Bwisit talaga kahit kailan tong si ate. Kitang ang ganda ganda ng iniisip ko tapos bigla akong itutulak sa loob ng banyo. Makaligo na nga.

"Oo na ate. Walangya ka talaga. Ang ganda ganda pa ng iniisip ko eh. Makaligo na nga. Psh." 

"Whatever, kath. Maligo ka na. Baka malate pa tayo. Bilis." Napailing na lang ako at naligo na.

Loko loko din talaga tong si ate eh. Medyo maaga pa nga nung dumating kami dito sa harap ng school. Ewan ko ba. Masyadong nagmamadali. Parang may hinahabol. Tinanong ko kung bakit sobra siyang nagmamadali at alam niyo ang sagot sakin? 

"Ate bakit ba masyado kang nagmamadali diyan?" Inis kong tanong. Natataranta kasi ako eh. Alam niya kung gaano ko kaayaw na minamadali ako. 

"Eh kasi.. a-ano, trip ko lang. Masama bakit? Joke. A-ano, may sasabihin kasi sakin si Diego eh, importante. Oo tama, may sasabihin siya. Wag ka ng maraming tanong. Bilisan mo nalang, okay?" 

That was weird. Pero hinayaan ko nalang. Baka importante ung sasabihin ni Kuya Diego sakanya kaya ipinagwalang bahala ko nalang.

"Sige na bebe kath, mauna na ko ha? Ang tagal mo eh. Baka hinihintay na ko ni Diego. Ikaw na bahala diyan ha? Babye."  Aba uki talaga tong ate ko ha? Una, pinagmadali ako. Tapos ngayon iiwan ako magisa dito dahil may inayos lang ako? Nako, pag nalaman kong di importante yang sasabihin ni Kuya Diego susuntukin ko yon. 

Pagpasok ko ng school, nagulat ako sa sumalubong sakin. Ang ingay. Halo-halong tilian. Pero... nakakakilig ng sobra. 

"This song is dedicated to a girl who made my birthday so memorable and special, this is for you... Kathryn Chandria Manuel Bernardo."

Parang tumigil ung mundo ko nung narinig ko ung pagbigkas ng pangalan ko sa mga labi niya mapupula na nakangiti. Tumingin ako sa paligid ko.

May mga estudyanteng nagbubulungan at nakangiti. 

May mga nakasimangot.

May mga walang pakialam.

May mga kinikilig.

Pero sa ngayon, wala akong pakialam sakanila. Kinikilig ako. Hindi ko alam ung dapat kong maramdaman. Kaya naman pala... kung makamadali si ate sakin.

Isang Daniel Padilla, nasa gitna ng quadrangle, kasama ang parking five. Ang barkada niya. Sympre kilala ko yun, para san pa at naging fangirl niya ko diba? Tumutugtog sila ng kanta niya. At alam niyo ung kanta? "Nasa iyo na ang lahat" Shet lang guys. Di ko makeri eh. Di ko masink-in. PINASmile niya ko masyado. Napupunit na naman ung labi ko. Hahaha. 

Adik Sa'yo (Kathniel Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon