AS. 27 ♥

48 1 0
                                    

Kath's POV.

        Hindi. Hindi pa rin ako makapaniwala na napansin niya ko. Pero hindi pa din ako makapaniwala na mapapansin niya ko kung kelang umiiyak ako. Naman oh! Wrong timing ung pagpunta niya e, nagsisituluan pa mga uhog ko non sa ilong. Pero, grabe sobrang priceless. Ang saya sa feeling. Yung nanotice ka ng matagal mo ng iniidolo. Yung nayakap  ka ng matagal mo ng inaasam na makita. Yung sasabihan ka niyang, huwag ka ng umiyak. O M G! Being a fangirl is not easy, but believe me..it's worth it. Worth it lahat ng pagod, sakit ng paa, malat na boses, ubos na pera kasi napapasaya ka nila eh. SIla mismo napapasaya ka nila. 

"Adik sa'yo, Awit sa akin..." Yang mga linya na yan ang nagpabalik sa ' kin sa realidad. Kumakanta na naman siya, alam kong hindi kagandahan ang boses niya tulad ng ibang batikan na singers, pero may kakaiba sa kanya at sa boses niya na nagpapahumaling sa lahat ng mga babae lalo na sa mga nasa araneta ngayon. At sympre, kasamana ako dun. 

"Nilang sawa na sa 'king mga kwentong marathon..." Ang sarap pakinggan ng boses niya. Para bang napakaganda mo pag ikaw ang kinantahan niya ng kantang 'to. Pero... unfortunately, hindi ako. Hindi sa kahit sinumang nasa araneta ngayon ang kinakantahan niya, kundi ang babaeng nasa tabi niya at alam mong sa mga tingin niya palang ay gusto niya ito at para sakanya itong babae na 'to ang PINAKAMAGANDA. Si Julia, si Julia Barreto ang pinakamaganda sa mga mata niya. Lahat ata ng saya ko eh napalitan ng sakit. Ang sakit pala talagang malaman na ang iniidolo mo ay malabong maging sayo. 

"Sa umaga't sa gabi sa bawat minutong lumilipas... hinahanap-hanap kita.." Kitang-kita ko kung pano nagspark ung mga matang 'yon. Ung mga tingin niya na pinangarap ko.

Ung mga tingin na alam mong inlove siya sa taong yon. Pero ganon nga ata talaga ang pag-ibig, kung sino ang minamahal mo...yun pa ung hindi ka mahal at kung sino ung hindi mo mahal, yun pa ung nagmamahal sayo. Bakit ba napaka-unfair ng mundo? Lalo na sa 'kin, ang unfair unfair niya sa 'kin. At ako naman eto, si martyr. Sinasaktan ang sarili. Eh gustong-gusto ko kasi siyang makita kahit na.. may kasama siyang iba. At inaamin ko sa sarili ko na, minamahal ko ang idol ko kahit na alam kong hindi niya alam ang pangalan ko, ang address ko, kung sino ako. Wala eh, I fall in love with a person who is impossible to be with.

Ramdam ko na naman ang pagpatak ng luha ko, alam kong hindi lang ako ang naiiyak ngayon. Pero sympre maraming julniel fans dito kaya napupuno ng kilig 'tong araneta. 

Punong-puno ng mga tili at sigaw dahil para sakanila, perfect for each other ang pangalang Daniel Padilla at Julia Barreto. Hindi ba pwedeng mas perfect kapag Daniel Padilla at Kathryn Bernardo? Hay, ang hirap maging fangirl. Sobrang hirap. Sobrang saya ang idudulot sayo nito pero pwede ka 'ring palungkutin ng pagiging fangirl mo. Pero di ako nagsisi, kasi marinig ko pa lang ang pangalan ni Daniel Padilla, napapangiti na 'ko. Ngumiti pa lang siya, ngumingiti na din ang puso ko. 

THIRD PERSON'S POV.

Natapos ang kantang Hinahanap-hanap kita ng magkadikit ang mukha ni Daniel at Julia at pareho silang nakangiti. Mararamdaman mo ung spark. Mararamdaman mo ung love sa mga ngiti nila. Maraming kinikilig at may mangilan-ngilan 'ding nalulungkot.

Adik Sa'yo (Kathniel Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon