067

286 12 0
                                    

Woozi

"Ke bago bago, LQ agad," sabi ni Kwan.

"Gusto mo sapak?" Tanong ko.

"Hindi." Sabi niya.

"Bakit ba kasi kayo nag away?" Tanong niya.

"Wag mo nang alamin," sabi ko

"Sige na, sabihin mo na. Baka maka tulong ako," sabi niya sabay ngiti. Nakakita ako ng real live ulol na baboy.

"May naalala pala ako," sabi ko.

"Ano bes??" Tanong niya.

"Tangina mo, ba't mo binigay kay hoshi yung diary ko. Nakakahiya yun para sakin," galit na sabi ko sakanya. Agad naman siyang tumakbo paalis ng kwarto ko, hinabol ko naman siya.

"HOYY!! TIGILAN MO NA AKO PLES!!!" Sigaw ni kwan.

Binato ko siya ng unan bago umupo sa sala. Yes, nakarating kami sa sala sa kakahabol ko sakanya.

"Ano ba kasing nangyari sa inyo?" Tanong niya. This time sinagot ko na siya

"Eh kasi, yung saleslady dun sa mall na binilhan namin, lapit ng lapit sakanya. Sarap i-untog sa paanan ko diba?" Sabi ko sakanya.

"Ganun? Grabe, yun lang galit ka kaagad? Babaw mo bes," sabi niya.

"Tangina, umalis ka dito, wala ka man lang na-itulong," sabi ko at hinampas siya ng unan.

"Joke lang yun," sabi niya.

"Basahin mo," utos ko sakanya at inabot ang phone ko.

"Ano babasahin ko?" Tanong niya.

"Yung hangin, subukan mo. Yung Phone malamang, kaya ko nga inabot," sabi ko naman.

Nagsimula na siyang bumasa.

"HAHAHAHAHAHA!!" Tawa niya. Nasapian ba to?

"Oh anyare sayo?" Tanong ko

"Grabe hoon, taray mo. Pa FS ako idol," sabi niya. Binatukan ko naman siya.

"Seryoso kasi," sabi ko. Nag seryoso naman ang mukha niya pero kung titingnan mo nakakatawa pa din.

"Sino ba kasi to hoon?" Tanong niya.

"Aba malay ko. Kaya nga unregistered diba?" Sabi ko.

"Oo nga noh," sabi niya.

"Bigay ko na sayo yang sim ko. Belated christmas gift ko sayo," sabi ko.

"Ge. Ako na magtetext sa babaeng to hihi," sabi niya. Ambakla.

Kinuha na niya ang sim at binigay sakin ang phone ko.

Umalis na ko sa dorm at pumunta kela soonyoung.

"San po si hoshi?" Tanong ko sa kuya niya.

"Nasa kwarto niya hoon, puntahan mo nalang," sabi niya, tumango nalang ako at nagbow bilang sign of respect.

"Salamat po," sabi ko. Aalis na sana ako,

"San pala ang kuya mong si YoonGi?" Tanong niya sakin.

"Nasa bahay siguro ni Namjoon Hyung," sabi ko.

"Aba, di man lang ako sinabihan. Sige hoon ha, ikaw na bahala dito. Puntahan mo nalang si soon," sabi niya. Tumango nalang ulit ako bilang sagot.

"Bye hoon," sabi niya.

"Bye," sabi ko pabalik.

Pumunta nako sa taas para puntahan si hoshi, alam ko naman kung asan yun, palagi kasi akong nandito noon.

Kumatok muna ako bago pumasok, malay natin nagbibihis pala.

Nakita ko naman si hoshi nasa harapan ng computer niya.

"Ano yan hosh?" Tanong ko sakanya.

"Ahh nanunuod ako ng sayaw para sa club," sabi niya. Kala niyo siguro iba.

"Alam mo, magpahinga ka muna, sure akong kanina ka pa diyan nakatutok sa computer mo," sabi ko sakanya.

"Sige," sabi niya at pumunta na sa higaan niya.

"San pala si Jimin Hyung?" Tanong niya sakin.

"Ahh umalis, pupuntahan siguro sina kuya sa bahay ni Namjoon Hyung," sabi ko.

"Ahh," sabi niya at ngumiti. Ano na naman ang nasa isip nitong lalakeng to?

"Solo pala kita ngayon," sabi niya. Tiningnan ko siya ng masama. Manyak.

"Bababa muna ako," sabi ko at tumalikod pero bago pa ako maka-alis, hinila na kaagad ako ni hoshi papuntang kama,

Puta wag byuntae. Walang mangyayari okay.

"Samahan mo nalang ako dito, please," sabi niya at nag aegyo. Mukha siyang paniki, mas malala pa to sa aegyo ni kwan.

"Ano pa bang magagawa ko?" Sabi ko.

Humiga na kami. Wag byuntae okie, walang top at bottom.

At Di ko namalayan na naka tulog na pala ako.

Friendzone || SoonhoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon