Epilogue (3)

333 16 0
                                    

"HOY SEUNGKWAN YUNG PAGKAIN, PARA YUN KAY GIANNA DI YUN SAYO!"

"PROBLEMA NIYO BA? KITANG GUTOM AKO EH,"

"EH SANA BUMILI KA NALANG!!"

"ANO KAYO? DITO NALANG AKO LIBRE PA!"

"LINISIN NIYO NGA ANG KALAT NIYO! NAKAKAHIYA KAYO!"

"KAMI PA TALAGA NAHIYA HYUNG!"

"LINISIN NIYO YAN KUNDI KUKURUTIN KO KAYO!"

"WEYT LANG HYUNG, MALAPIT NA MATAPOS ANG PINAPANOOD NAMIN!"

Kanya kanyang sigaw ng mag kabarkada, kasalukuyan kasi sila sa kwarto ni Gianna. Bilang sign of pasasalamat nila dahil nga sinagip nito ang buhay ni Jihoon.


"Jihoon, pwede ka bang maka-usap?"

Tanong ni Soonyoung sa kasintahan.

"Oo naman,"

"Sa labas tayo!"

"Sige,"

Hinila na ni Soonyoung ang kasintahan papunta sa labas, dinala lang pala sa starbucks.

"Sabi mo kakausapin mo ako,"

"Ay hehe. Jwk lang yun, kakain lang sana ako kaso wala akong kasama kaya sinama nalang kita,"

"Letse. Langya kang mata ka,"

"Langya ka ring pandak ka, gutom ako okie?"

"Pasalamat ka talaga na mahal kita kundi maiihaw na kita,"

"Maiihaw? Tapos kakain mo ako? Sige nga,"

"Aish! Wala akong mapapala dito kay babalik na ako don,"

"Uyy. Joke lang naman, dito ka lang please,"

Napabuntong hininga nalang si Jihoon dahil alam naman niya na mapilit si Soonyoung. Sus, pabebe pa, ayaw niya lang umalis eh.

"Jihoon hehe,"

"Mukha kang rapist puta,"

"Grabe ka naman. May sasabihin lang kasi ako sayo eh,"

"Ano?!"

"Eh, kasi ano.. Hmm ano. Pano ba to?"

"Sabihin mo na kasi, hilain ko dila mo eh,"

"Aalis kasi ako,"

"Aalis ka lang pala, tara na,"

"Aalis ako ng kureya. Pupunta akong Japan hehe,"

"Joke ba to?"

"Hindi hehe,"

"Bakit ka naman aalis?"

"Eh kasi si Mama kasi kailangan ako don, may sakit kasi siya pero walang mag-aalaga sakanya kaya pupunta ako don para alagaan siya,"

"Eh ba't ikaw pa? Pwede naman siguro na si Jimin Hyung nalang,"

"Hindi eh. Nakalimutan mo na ba na half brother ko lang si Jimin hyung,"

"Ay oo nga pala,"

"Pero kung ayaw mo, di nalang ako pupunta. Maghihire nalang ako ng private nurse,"

"Ano ka ba? Okay lang naman sakin. Siyempre nanay mo siya kaya mas priority mo siya. Maghihintay naman ako sayo eh,"

"Talaga Jihoon? Salamat, Salamat talaga,"

"Siyempre naman para sayo,"

"Basta lagi mong tatandaan Jihoon ha? Na mahal na mahal kita kahit ano pang mangyari, di magbabago yon,"

"Ako rin Soonyoung, Mahal rin kita sobra,"

At doon na nangyari ang di inaasahan, may nagjugjugan na--- este doon na naangkin ni Soonyoung ang labi ni Jihoon.

Nakakahiya sila, nasa Starbucks kayo uy, ang lalande puta.

2 years passed

Mahigit dalawang taon na ang nakalipas pero walang Soonyoung ang nasa tabi ni Jihoon. Walang Soonyoung ang nandiyan para sa mga problema niya.

Ang nakapagtataka lang ay tatlong buwan nang di nagpaparamdam si Soonyoung, eh parang kada oras nga noon ay tumatawag yun, pero ngayon ni text di magawa.

Sa mga buwan na yun, nawawalan ng pag asa si Jihoon na maaaring mabalik ang dating relasyon nina Soonyoung. Naiintindihan niya si Soonyoung kasi para naman sa nanay nito kung bakit ito pumunta sa Japan pero kinukutuban siya na maaaring nakahanap na ng iba si Soonyoung, na narealize nito na straight pala siya, na hindi lalake ang hanap niya, na hindi niya kailangan ang isang Lee Jihoon sa buhay niya,

Pero may konting pag asa si Jihoon, may konti siyang paniniwala na di mangyayari yon kasi mahal niya si Soonyoung at alam niyang mahal rin siya nito.

One Message received

Agad na napatayo si Jihoon sa kanyang inuupuan ng makita niya ang mga katagang yan sa Cellphone niya, agad agad nitong inopen ang cellphone para tingnan,

Akala ko siya na

Yan ang nasa isip ngayon ni Jihoon. Pero dahil nga letse ang tadhana kaya ang binigay sakanya, text ng Globe. Naloloka ako dito.

"Oh Jihoon! Naka busangot ka diyan?"

Tanong ni Gianna kay Jihoon. Oo po, magkaibigan na po sila, simula nung insidente.

"Ah wala,"

"Tungkol na naman yan kay Soonyoung noh?"

Bahagyang ngumiti si Jihoon. Kaya napatawa naman ng mahina si Gianna.

"Wag mo muna siyang intindihin okay. Mahal ka non, wag mo sanang pagdudahan,"

"Di naman sa pagdududa pero eh, tatlong buwan. Tatlong buwan siyang di nagparamdam sakin, kaya di ko maiwasang magtaka,"

"Sabagay. Pero di ganyan si Soonyoung okay? Think Positive, malay mo may nag aabang palang surprise para sayo diba?"

"Haha! Tama ka, think positive,"

"Ganyan dapat."

"Salamat Gianna ha, pinagaan mo talaga ang loob ko,"

"Sus, wala yun. Ako nga rin dapat eh magpasalamat kasi tinanggap mo ako bilang kaibigan kahit na sobra sobrang paghihirap ang dinulot ko sa inyo noon."

"Kalimutan mo na nga yun, nakaraan na yun. Napatawad na rin naman kita,"

"Oo nga. Pero Jihoon may pupuntahan kasi ako eh, medyo nagmamadali ako,"

"Ah sige, bye. Ingat ka,"

Sabi Ni Jihoon, kumaway muna ito bago umalis si Gianna.

"Hays! Kailan ka kaya babalik Soonyoung? Babalik ka pa ba? Miss na miss na kita,"

Friendzone || SoonhoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon