It's been a year since that incident happen and the only thing I could say is naging malaking bahagi na siya ng buhay ko.
"Soonyoung Hyung! Tawag ka na ni Cheol hyung, pupunta na daw tayo ng sementeryo, dadalawain natin siya,"
Sabi Ni Chan. Marahan akong tumango kay Chan.
Agad akong kay Chan papunta sakanila ni Cheol.
"Ready ka na bang dalawin ulit siya soonyoung?" Tanong sakin ni Cheol hyung.
"Siyempre naman hyung. Namimiss ko na rin kasi siya,"
"Tungkol pala sa iba. Di sila makakasama, busy kasi sila kaya tayo nalang muna nina Chan,"
Tumango nalang ako sakanya.
Nakarating na kami sa puntod niya, agad akong lumapit at kinuha ang ibang mga nakakalat sa ibabaw ng puntod niya, medyo matagal tagal na rin kasi nung huli kong dalaw dito.
"Maiwan ka muna namin dito Hoshi ha. Maglilibot libot muna kami dito,"
Tumango ako sakanila.
"Namiss kita, miss na miss na kita. Kung sana ako nalang ang nawala diba? Tanga ko kasi, ang gago ko, di man lang kita napagtanggol. Mahal na mahal kita alam mo ba yon? Aish! Di kita malimutan, hanggang ngayon mahal parin kita, di ako maka move on sayo eh," sabi ko sa puntod niya. Kung makikita niyo lang ako ngayon, aakalain mong baliw ako dito. Pati naiiyak na ako.
"Sorry pala kung minsan lang kita madalaw, medyo busy narin kasi ako ngayon kasi diba, college na. Pero sisikapin ko parin na dadalaw dito,"
"Gusto ko sanang dito nalang magpagabi kaso baka multuhin ako, nasa sementeryo pa naman ako. Gusto ko rin sanang magtagal kaso nga diba, busy ako. May project pa akong gagawin na di ko nagawa kaya as for now bye muna, dadalaw nalang ako sa susunod. Sige. Bye. I love you,"
Umalis na ako don at hinanap kaagad sina Cheol hyung at Chan, nakita ko naman silang nakatambay sa starbucks, nakita ko rin kasama nila si Jeonghan hyung,
Edi wao, Lamporeber parin.
Agad akong nakisali sa hapi pamili nila at niyaya na umuwi na, sumang ayon naman sila.
Nagmukmok ako sa kwarto ko ng makarating kami sa dorm. Yes, iisang dorm parin kami hanggang ngayon, ang kaibahan lang ay si Chan at Cheol hyung ay kasama ko na sa dorm.
"Umiyak ka na naman ba Soonyoung?"
"Ay hindi. Wala to,"
"Okay. Sabi mo eh. Ito pala pagkain mo, nagdala kasi si Mingyu ng pagkain, tinirahan kita baka kasi gutom ka na,"
"Oo na hyung. Ge. Lumabas ka na,"
"Oo na. Ito na,"
Humiga na ako sa higaan at pinikit ang mata ko, iniisip ko siya ngayon, yung mga masasayang araw na kasama ko pa siya, di ko malilimutan yun.
"Soonyoung!"
"Soonyoung!"
"Hoshi!"
"Ano ba?"
Napamulat ako ng mata ng marinig ko ang pangalan ko, istorbo eh.
"Tinatawag kasi kita!"
"Bakit?"
"May pupuntahan tayo!"
"San?"
"Basta,"
Gumalaw ang mga mata ko ng nakita ko siya.
Nakita ko na naman siya. Sa panaginip parin.
Ramdam ko ang luha galing sa mga mata niya, agad kong hinawakan ang mukha niya, parang totoo.
Unti unti kong inilapit ang mukha ko sa mukha niya. Kahit sa panaginip lang, gusto ko maramdaman ang pagamamahal niya, sapat na para sakin yun.
Sobrang liit nalang ng pagitan ng mukha ko sakanya, ramdam ko na ang noo niya sa noo ko.
Kahit panaginip lang to, susulitin ko na.
Unti unti kong inilapit ang labi ko sa labi niya at sa isang iglap.
"SOOONYYOOUNGGG!!!!"
BINABASA MO ANG
Friendzone || Soonhoon
Nouvelles"Ayoko sanang ipagmamayabang pero friends lang kami ni woozi, nakakatangina lang. . ." Cover by: @jieqiogns Date started: 8/28/16 Date Published: 10/13/16 Date ended:01/17/17
