CHAPTER 28

1.8K 55 0
                                    

CLAIRE'S POV

"KYAAAAHHHH..!!!! ANG DAYA MO CLAIRE!"- -napatakip ako sa tainga dahil sa malakas na boses ni Angelika.

"Ang daya-daya mo!"- she pouted at umupo sa kama.

Andito kami sa kwarto ko.
Bumisita kasi siya dahil may gusto daw siyang importanteng sasabihin sakin pero naging iba ang usapan namin.

Tungkol sa nangyari kahapon.

"Will you pls dont shout? My ears hurts."-sabi ko. Umupo ako sa harap niya.

"Eh kasi naman eh.. Engage na kayo ni Michael. Dapat ako yon eh.. Huhuhu..T.T" -naiiyak niyang saad.

"Oh sige kayo na lang ni Michael. Palit tayo."

"Talaga? As in? Payag ka?"

"Hindi.."

"Ehhh??"

"Biro lang yon noh.. Hehe.. Alam mo. Naging mabilis ang nangyari samin. Ang bata-bata pa namin at engage na kami 'tapos ni hindi man lang kami dumaan sa ligawan."

"Hayss.. Alam mo Claire. Pasalamat ka na lang at nag propose sayo si Michael, kahit na mga bata pa kayo.  Yong iba nga dyan, sanggol pa lang, eh engage na sa iba at hindi lang yon. Hindi pa nila ito kilala at hindi nila ito mahal. Eh ikaw? You love Michael?"

"Hmm.. Oo. Kahapon ko lang na realize."

"Wooh.. Kahapon lang? Galing ah? So ano? Anong plano niyo?"

"Hindi naman daw kami nagmamadaling makasal. Maybe when we are 18 and up bago magpakasal."

"Ang swerte mo talaga Claire. Nakakainggit ka. Buti ka pa nahanap mo na si Mr. Right."

"Mr.Right? Hindi naman ako naniniwala dyan eh. How do you know that hes really the, Mr. Right thingy? Girls expects na ang kanilang mga bf's ay para na talaga sa kanila. Pero mali pala dahil mas naniniwala sila sa Mr. Right na yan. Wala namang tamang lalaki.."

"Ahh... May pinaghuhugutan ka? Hahahaha. So ano ang pinaniniwalaan mo?"

"I believe in soulmates. Soulmates are destined to be forever. There's is no Mr. Right."

"Eh parang pareha lang naman yon?"

"No, It depends on your faith. Kung ano ang mas paniniwalaan mo. Ang mahanap ang tamang tao na mamahalin mo? O ang mahanap ang nakalaan para talaga sayo? Gets mo ba ang ibig sabihin ko?"

"Oo, mejo.."

"Mabuti. So ano ang importanteng sasabihin mo?"

"Tungkol naman sa sasabihin ko. May narinig akong bali-balita na may Organisasyon daw dito na magpapalaganap ng delikadong droga, na pwedeng ikamatay ng tao. Ewan ko lang kung totoo?"

"Ha? Ngayon ko lang narinig yan? Baka Marijuana lang yon?"

"Dont know. Nalaman na rin ito ng assasins at spies kaya ngayon inaalam pa nila kung totoo ba o hindi. Malaking problema daw kung totoo yong balita."

"Kaya pansin mo naman siguro na hindi ka binisita ni Michael dito at hindi ka inaasar ng Theo'ng yon."- patuloy niya.

"Pansin ko nga."- kumuha ako sa drawer ng snacks at kumain.

"Gusto mo?" -aya ko sa kanya.

"Thanks." -kumuha siya ng kunti at kumain.

"Tanghali na, anong masayang gawin? Aha! Teka, pahiram ng laptop mo ha."- lumapit siya sa mini table ko at kinuha ang laptop.

"Sige lang. Hindi ko naman gagamitin yan. Drawing muna ako dito."- kinuha ko ang sketchpad at nag draw ng anime character habang kumakain.

Pampalipas oras lang. I love to draw kasi.

Kinakalikot na niya ang laptop ko. Ano kaya ang tinitingnan niya? Hinayaan ko na lang muna siya at patuloy na gumuhit.

Mayat-maya.

"Punta tayo sa Mr. Mcnail's Store! Mag O'open daw yon ngayon. Maraming silang tindang bagong armas at hindi lang yon para itong mall sa sobrang laki. May ibat-ibang tinda sila. Dress, music equipments, foods at kung anu-ano pa! Magandang puntahan to Claire.! At may special treatment sila sa unang 20 person's na papasok sa Store."

Mukhang sa internet niya nalaman yon. Tinignan ko siya. Mr. Mcnail Store? Mukhang bago nga yon.

"Sige, payag ako."

"Alright! Lets go shopping!"- excited talaga siya.

Umalis na kami sa bahay at pumunta do'n sa store. Ang gara at ang ganda ng store nila.

Unique ang design.

Maraming ibat-ibang klase ng baril ang naka display sa harap. Pagpasok namin.

"WOW!"- bulalas namin dalawa.

Umikot pa ako para matignan ang kabuuan ng paligid. Sobrang ganda.

"Ang ganda dito Claire."-hinihila niya ang laylayan ng damit ko.

"Super."

Tumingin tingin na kami sa paligid. Mukhang kunti pa ang mga taong dumating.

May lumapit saming lalaki. He's tall and a good looking guy.

"Excuse me madam's, I'm Ken Mcnail. Kayo ay nakapasok sa special treatment na mabibigyan namin."- aniya.

"Talaga po? Ang galing! Anong klaseng speacial treatment po yon? At kayo ba ang nagmamay ari nitong tindahan?"- tanong ni Angelika.

"Nope, this is not mine. I'm just a mngr. of this store. Follow me pls.." - Tumalikod siya at lumakad. Sumunod naman kami sa kanya. Pumasok siya sa isang silid. Pumasok na rin kami.

Ang laki ng loob ng dilid!

"Please sit down madam."- sabi ng mngr. Inalalayan niya kaming umupo sa harap ng mahabang lamesa.

Mukhang nandito rin yong ibang nakatanggap ng special treatment sa tindahan na 'to. May matanda, binata at dalaga. Kaming dalawa lang yata ni Angelika ang bata.

"Where the 19th & the 20th person."- sabi ni Angelika. Nasa tabi ko lang siya, sa kanang bahagi. I just nodd at her.

Lalaki naman ang nasa kaliwa ko. Pumunta sa harap yong lalaking nag assest samin. Si Ken.

Tapos.

He clap his hands two times. Lumabas yong mga babaeng may dala-dalang cart ng mga pagkain..

Nakakatakam ang mga foods. Nilapag nila ang maraming pagkain sa mahabang lamesa.

"Enjoy your lunch."

"Ang dami. Mabubusog talaga ako nito."- natutuwang sabi ni Angelika. Kumain na yong iba, ako hindi pa.

Nararamdam kong may hindi tama?

"Oh Claire? Ba't hindi ka pa kumakain? Kain na.. Sige ka bka maubusan ka."

"Ha? Oo, Ito na kakain na.."

Sa totoo lang mejo busog pa ako dahil kumain ako kanina lang ng snack. Kaya prutas na lang muna ang kinain ko ngayon.

Si Angelika ay kumakain ng spaghetti. Yong iba, lechon manok, carbonara, leche flan. May lechon baboy rin at mango float.

Ang sarap ng kain nila oh.

Ako lang yata ang kumakain ng prutas. Pero ok lang, masarap naman.

Pagkatapos naming kumain, uminom na ako ng tubig. Juice naman kay Angelika. Tatayo na sana kami pero biglang natumba ang mga tao.

Lumagpak yong iba sa mga natirang pagkain sa lamesa. Yong iba naman sa sahig.

Blag!

Natumba rin si Angelika sa sahig.

At lahat sila nawalan ng malay.

Anong nangyayari???

***
Vote....

Blackphantom {WATTYS 2017}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon