CHAPTER 43

1.5K 50 0
                                    

CLAIRE'S POV

"Hello po mommy, I'm here. Nagdala po ako ng mga taong makakatulong po sa inyo.."- Sabi ni Eli sa babaeng nakahiga sa kama.

Maraming siyang apparatus na nakalagay sa katawan. May oxygen din siya. Maganda siyang babae pero nakakaawa din siyang pagmasdan.

Andito kami sa bahay nila at pumayag na akong tulungan si Eli.

"So, pano natin gagawin ang paggamot sa kanya?"- sabi ko.

Kasama ko pa rin si Michael sa pagpunta rito.

"Kukunin ko muna ang bote na may dugo mo at susubukan kong ilagay sa kanya kung gagana ba.."- aniya.

"Ok."

May kinuha siyang tube at mukhang ang dugo ko nga yon. Kumuha siya ng injection at tinurok ito sa tube at itinurok na rin sa mama niya.

We wait for how many minutes pero walang nangyari.

"Mom, bakit hindi tumalab sayo? Huhuhu.."- naluluhang sambit ni Eli.

"Baka she need more blood? What do you think?"- suhestiyon ni Michael.

"Papayag ka ba Claire na kunan kita ng dugo? Kahit isang bote lang? Please?"- paki-usap naman ni Eli sa'kin kaya pumayag na ako agad.

Umupo ako at kumuha ng bagong injection si Eli at tinurok ito sakin at kinuhaan na ako ng dugo.

My blood is really dark red. Mas pula pa sa natural na dugo. Pagkatapos niya akong kunan ay itinurok na niya ito sa mommy niya.

Yong beat sa monitor ay bumilis.

"Its working!"- sambit ni Eli.

Yong mga ugat ng mommy niya ay nakikita namin, para talaga itong muling nabuhay.

Pumula na rin ang labi niya na kaninay sobrang putla.

And then..

"AAHHHHH..!"- Biglang bumangon at sumigaw ang mom niya kaya nagulat kami.

"MOMMY..!!"- sobrang tuwa naman si Eli pagkakita niya sa ina niya na magaling na.

Her eyes is also like us. She's now stronger.

"Elizabeth!"- masayang sabi ng mom niya at sila'y nag yakapan ng mahigpit. They're also crying while hugging.

I'm kinda jealous about of what they are doing.

Hindi ko naranasan na magkaroon ng ina sa boung buhay ko. Hindi ko alam kung pano mag alaga at mag mahal ang isang ina.

Sometimes I cry in my bedroom when I have a serious problem, there's no 'mom' that can guide me and comfort me.

If I only, I have a mom, makakayanan ko lahat kasi diba mom knows best? Dahil alam nila kung pano papatahanin ang kanilang anak.

Alam nila kung pano bigyan ng magandang advice ang kanilang anak and they know whats good and bad to there child.

And I adore every mom who's like that.

"Claire."- Hinawakan ako sa kamay ni Michael because he knows what I'm feeling rght now.

"Huwag kang mag-alala mahal ko. Magiging ina ka rin sa magiging anak ko balang araw."- bulong niyang sabi.

Ano rawwww??

Magiging ina ako balang araw? Handa ba ako sa panahon na yon pag nagkataon?

Hindi ko siya sinagot at pinagmasdan ko pa rin ang mag-ina.

"Mommy, ano ang nararamadam mo ngayon? Finally! Gumaling ka na."

"Parang mas lumakas na ako anak. Kakaiba ang nararamdam ko eh. Nga pala, where's your dad?"- natigilan naman si Eli sa sinabi ng mom niya.

At bigla akong natakot.

Cause I'm the one who kill her dad.

What if kamuhian ako ng ina niya? anong gagawin ko?

"Ah mom.. Dad is.. dead."- aniya. Nagulat naman ang ginang sa kanyang narinig.

"Ano? Patay na siya? Papano?"- naguhuluhang tanong nito sa kanya.

"Ah kasi, pinatay siya ng mga kalaban natin."- napatitig naman ako sa kanya. Bakit hindi niya sinabing ako ang pumatay sa dad niya?

"Kalaban? Huh! Hindi na ako magtataka kung napatay nga siya ng mga yon. Ang sama niyang asawa sa'kin at pati na rin sa pagiging ama niya sa'yo."

ANO DAW?

"Mom?"- hindi makapaniwala si Eli sa sinabi ng kanyang ina. Maski ako.

"Bakit anak? Hindi ka ba nagpapasalamat na namatay na ang ama mo? Lagi ka niyang pinapagalitan, sunasaktan. Puro siya trabaho at alak, laging nangbabae at lagi akong sinasaktan, araw at gabi. Kaya ako nagkaroon ng sakit dahil sa hayop na yon!"

Oh my... Napapatulala nalang talaga kami sa mga nalaman namin. Gano'ng ama at asawa pala si Mr. De Guzman?

"Mommy, kahit na naging masama siya satin, siya pa rin ang gumawa ng paraan para makahanap ng solusyon para gumaling ka." -pagpapaliwanag nito sa kanya.

"'Sus anak, kung alam mo lang. Paniguradong nakonsensya lang yong ama mo matapos niya akong saktan ng maraming beses.."

"Pero hayaan na natin siya. Napatawad ko rin siya sa mga kawalang hiyang ginawa niya satin. Ikaw ba anak, do you forgive your father?"

" Umm. I think, mom. I already forgive him"- anito. Napangiti naman sa kanya ang ginang.

"Gusto ko ng pumunta sa banyo at maligo. Sabay na tayo anak. ^_^"- sabi ng mom niya.

"Hah? Sabay tayo maliligo mom?"

"Oo, bakit ayaw mo?"

"Eh nakakahiya eh..>///<"

"Hahaha.. Ano ka ba anak.. Huwag kang mahiya sakin."

"Hindi po yon, ang ibig sabihin ko po. Sa kanila, narinig nila ang sinabi niyo eh.."- tinuro naman niya kaming dalawa ni Michael na kanina pa kami tahimik dito at ngayon lang ulit nila napansin.

"Oh..! May mga kaibigan ka pa lang kasama. Hello sa inyo, pasensya na ha kung narinig niyo yong 'bath thingy' na sinabi ko.^_^"- Ang bait pala ng mom niya.

"Ok lang po.."- Sabi ko.

"Gusto niyo kumain? Ipagluluto ko kayo."

"Ah huwag na po. Uuwi na rin po kami eh."

"Ganon ba? Oh sige sa susunod na lang ha? Balik ulit kayo dito."

"Sige po."- we both said.

~~~~

Nasa living room na kami ni Michael kasama si Eli. Yong mom niya naliligo na. Hindi siya sumabay.

"Ah Claire, Michael, salamat sa inyong dalawa ha? Tinulungan niyo ko."- sabi ni Eli 'tapos hinawakan niya ako sa kamay.

"Ano, Eli, I'm sorry kung napatay ko ang dad mo. Pasensya na talaga."- ani ko.

"Your forgiven. Oo nga't nagalit ako sayo no'n at gustong kong ipaghiganti ang ama ko pero naiisip ko rin yong sinabi ni mom kanina. We should forgive every person kahit na galit ka pa sa kanya o hindi."

"If that's so, thank you. At Eli, kung ok lang sayo, bibisitahin namin ang mom mo sometimes?"

"Sure. Thank you."

Hinatid na kami palabas ng bahay nila at umuwi na rin.

Sa araw na 'to, kahit papano nakapag pasaya ako ng mag-ina.

***

This Chapter is really for our moms na laging nandyan para satin. Dapat maging thankful tayo dahil mayro'n pa tayong mga ina.

I love you mom..<3

Blackphantom {WATTYS 2017}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon