CHAPTER 36

1.5K 43 0
                                    

CLAIRE'S POV

Tumawag sakin si Michael pero binaliwala ko lang ang sinabi niya.

"Bilisan niyo na. Antagal niyong pumili ng armas."- inis kong turan sa kanilang dalawa.

Nasa secret closet kami ni ate. Dito nakatago ang mga armas niya.

"Ito sakin. Ang ganda nito.."-sabi ni Angelika. Napili niya ang Chain Whip na bagong bili lang ni ate sa ibang bansa.

"Ito na rin sakin.."- napili naman ni Theo ang armalite.

"Sigurodo ka? Ang laki at ang bigat niyan. Kaya mo bang buhatin?"- paninigurado ko sa kanya.

"Yup. I can."

"Bahala ka nga.." -Nagsout kami ng bullet proof. Kumuha ako ng mga nomba at mga daggers. Kumuha narin ako ng baril pati rin silang dalawa.

"Tara na.."- sabi ni Angelika.

"Sigurado ka bang nando'n sila sa kanila, Theo? Sabi ni dad wala daw sila do'n eh?"- tanong ko.

"Nando'n sila. Bumalik sila ro'n, sigurado ako."

"Sige, tara na."

"Lets get it on! Wohoo!" - sabi ni Angelika. Hinampas niya ang whip at tumama ito sa vase..

*CRASHHH..!!*

"opss! Sorry.. Hehe ^.^V"

"Tara na nga baka mabasag mo pa lahat ng vase dito."- natatawang saad ko.

"Pasensya na.."

Lumabas na kami ng bahay at napahinto kami at nagulat nang tumambad sa'min ang maraming itim na sasakyan na nasa harap namin. Nakatutok na rin ang mga baril nila samin.

Napapalibutan talaga nila ang boung bahay.

Nakita ko naman si Elizabeth na bumaba sa kotse. Lumakad siya papunta sa harapan ko.

"Kapag gumalaw kayo ng kahit kunti paniguradong sabog ang mga bungo niyo. Kaya sumama na lang kayo samin."- aniya.

"Never! You b*tch!"

PAK!

Sinampal ko siya ng malakas. Napahawak naman siya sa pisngi niya.

"How dare you!"- Sasampalin na sana niya ako pero nahawakan ko ang kamay niya sabay tingin sa kanya ng masama.

"Sige subukan mong sampalin ako. Sisiguraduhin kong manghihiram ka ng mukha sa aso!"- matigas kong sambit sa kanya.

Inialis ko ang kamay niya. Halatang galit na galit na siya.

"1."- pagbibilang ko.

"2."- patuloy ko.

"Anong sinasabi mo!"- galit niyang turan.

" 3."- sabi namin tatlo at agad na namin silang nilusob. Umupo ako at kinuha ang mga dagger na sa paa ko at agad na pinatama sa mga kalaban. Kasabay nun ay pinaputukan na rin nila kami.

Kinakalaban ko na rin si Eli. Salitan kami ng atake.

Atake dito.. Atake doon..

"Yahhh.! Kailangan mong sumama samin sa ayaw at sa gusto mo!"- aniya.

Patuloy niya parin akong pinagsisipa. Napaatras ako sa tuwing inaatake niya ako. Nasasalag ko naman ang mga atake niya kaya ayos lang.

*BOGSHH!*

Sinutok ko siya sa mukha at sa sikmura. Dumaing siya ng malakas. Kumuha ako fagger sa hita at isinaksak sa hita niya.

"ARGHHH! You Bitch!"- Singhal niya sa'kin.

Blackphantom {WATTYS 2017}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon