CLAIRE'S POV
"Dalian mo ate! Kanina pa yon naghihintay sa labas.!"- Nagmadali na akong bumaba mula sa kwarto ko.
"Malapit na!"- sigaw niya mula sa kwarto niya. Lumabas na ako ng bahay at hinarap siya.
"Kanina pa ako dito bakit ang tagal niyong magkapatid."- bored niyang sabi.
Si Alexander ang naghihintay samin. Tumawag ako sa kanya kagabi dahil gusto naming bisitahin ang ama namin ni ate.
Ang problema, nakalimutan kong sabihin kay ate na gusto kong dalawin ang aming ama.
Matagal akong nagising pati na rin si ate kaya ang nangyari nag madali na kaming maligo at magbihis dahil maaga pala dumating 'tong lalaking to.
"Pasensya na ha? -_-" bored kong sabi.
Lumabas na rin si ate at lumapit na samin. Sumakay na kami sa kotse niya at nakarating na rin sa bahay ni Mr. Smith.
Ang ganda at ang laki ng bahay na'to. Nakakamangha.
"So were here at Smith palace."- sabi ni Alexander.
Wow? Palace?
Pumasok na kami sa bahay at pumunta sa opisina ni Mr. Smith. Hindi niya alam na pupunta kami rito. Gusto ko kasi siyang e'surprise. Buti na lang nakadala ako ng mga fruits, binili ko kahapon.
Bumili rin ako ng party popper. Isa lang. Wala lang trip ko lang bakit? May a'angal? -__-
Sumilip muna kami sa pinto ng opisina niya baka wala siya dito. Pero andito siya kaya binuksan ni ate ang pinto at pinaputok ko ang party popper.
"HELLO PO!"- masayang sabi ko.
Sobrang nagulat siya sa ginawa ko at pati na rin ang makita kaming dalawa ni ate.
"My daughters!"- aniya na parang naluluha.
"Ah.. d-dad?"- pagdadalawang sabi ni ate.
"Yes, please call me dad."- anito. "Thank you dahil pumunta kayo rito. Tanggap niyo na ba talaga ako bilang tunay niyong ama?"- patuloy niya.
"Opo, dad."- sabi namin dalawa ni ate.
"Thank you so much!"- nagyakapan na kaming tatlo at agad ring nag hiwalay.
"Here's our little gift for you dad."- binigay na namin sa kanya ang mga prutas.
"Salamat talaga, nag abala pa kayo."- kinuha na niya ang mga ito at inilagay sa lamesa niya.
"Ah dad, may gusto akong sabihin sayo.."- sabi ko.
"Ano yon my little daughter?"- talagang may little? Nakakapikon ha? Haha. Joke lang..
"Ah, sabi kasi nitonhg pamangkin mo na may malubha kayong sakit kaya tutulungan ko kayong magamot." - katabi ko lang kasi si Alexander.
"Ha? Ako may malubhang sakit?"- aniya na may pagtataka.
"Opo.."
"Hahaha.. Naku, wala akong sakit anak. Baka yong aso kong si Blackjack, siya ang may malubhang sakit hindi ako."
ANOOOO??
"Sa katunayan nga namatay na yong aso ko no'ng nakaraang araw." Patuloy niya.
Hindi ako makapaniwala.
So, niloko ako ng mokong na yon! Ggrrrr...!
Tiningnan ko ng masama si Alexander. Ang mokong binilatan ako.
"Hahaha... Mukhang nauto ka ng pamangkin ko iha kaya siguro nabisita niyo 'ko dahil sa kasinungalin na sinabi niya. Pero, nagpapasalamat na rin ako sa kanya dahil ginawa niya yon."-sabi ni dad.
"Hali kayo, may ipapakita ako sa inyo.."- lumakad na siya kaya sinundan naman namin at ipinakita niya samin ang loob ng isa sa mga silid ng bahay.
"Woah!"- manghang sambit ko.
"Ang shooting place!"- nagliwanag naman ang mukha ni ate pagkakita niya rito.
"Pinagawa ko ito matapos kong malaman na mahilig ang anak kong si Cassandra sa baril kaya ito, para sayo. Cassandra."
"Ha? Talaga po? Para sakin 'to? Di nga?"- paninigurado naman ni ate.
" Oo para sayo.."
"WIIEEH! THANK YOU!"- Niyakap naman niya ng mahigpit si dad.
"Oh dito ka muna. Sunod kong ipapakita ang para kay Claire. Try those new guns na binili ni Alexander."
"Sure."- anito.
May para rin sakin? Ano naman kaya? Lumakad kami papunta sa kabilang kwarto..
Pagkakita ko pa lang nagtaka na ako.
"Ito ang pinagawa kong silid para sa ina niyo anak at ibinibigay ko na sayo."- aniya.
May nakita akong malaking portrait sa harap. It's my mom and si dad. Masaya silang nakangiti sa portrait na 'to.
Naka long gown si mommy at naka tuxedo si dad.
"Ang portrait na yan ay ginawa no'ng nagkita kami ulit ng ina mo. Buksan mo ang mga closet."- tumango lang ako sa sinabi niya.
May limang closet ang nadito then open it.
"WOW! DRESSES! I LOVE IT!"- Bulalas kong sabi.
Andaming magagandang damit ang nandito. Paniguradong iba-iba ang susuutin ko araw-araw.
"That's really for you, buti nagustuhan mo."
"Gustong-gusto ko po.. Ang gaganda nito.."
"Your a resemblance of your mom, Claire. You both love dresses."
Ohhh.. Nagmana talaga ako kay mommy..
"Yry it my daughter."- aya niya.
Kaya hindi ako nagpatumpik tumpik pa at isinuot ang isang damit na kulay violet.
Pagkatapos kong soutin ito ay umiikot ako para makita ang kagandahan ng damit.
Its really beautiful.
"You and your sister are beautiful."
"salamat po, dad.." -He smile and smile too.
"Ah.. dad, matanong ko lang."- tamong ko sakanya. "Ano yon? Sabihin mo.."
"Bakit ayaw niyo pong pumunta dito sa pilipinas?"
"Ah kasi, dahil sa pangako na sinabi ko sa ina mo. Pinangako ko sa kanya na hindi daw ako pupunta rito para malayo ako sa kapahamakan. Kaya ginawa ko ang pangako sa kanya at do'n sa England tumira. Bumalik lang ako dito para kunin kayo ng kapatid mo kasi gusto kong makasama ko kayo."
Ganon pala yon. Ngayon alam ko na talaga.
"Halika, balikan natin ang kapatid mo at ipapasyal ko kayo sa mga magagandang lugar dito."
"Sige po."
Bumalik na kami kay ate at namasyal na. Andami naming napuntahan. Magagandang bagay at lugar ang nakita namin.
Kumain rin kami sa resto na pag mamay ari ni dad. Sobrang sarap ng mga pagkain nila.
Umabot kami ng gabi kakapasyal. Naging masaya ang bonding namin. Umuwi na kami sa bahay at agad na akong humiga sa kama at nakatulog agad.
This day is a wonderful day.
-_-Zzzzzz
***
Pasensya kung mejo lame to ha?
Malapit na ang ending.. ^^
BINABASA MO ANG
Blackphantom {WATTYS 2017}
AksiyonThis is a story of Killing People... PAALALA: Ang storyang ito ay rated SPG! May Sexual, Karahasan at Droga na hindi angkop sa mga batang magbabasa. *** -MAIN CHARACTERS- •Claire Martinez - Blackphantom •Michael Santiago -Assasin •Theo Lopez -Spy •A...