Prologue
Halos paliparin ko na sa bilis ang sasakyan ko. Kanina pa kami naghahabulan at naiinip na ako. Lumiko ako at humiwalay sa mga kasama ko. Dapat ay matapos na ang habulan na ito. Alas dos na ng umaga at inaantok na ako.
Marahas kong iprineno ang sasakyan ko noong nasa tamang pwesto na ako. Mukhang magpapalit na naman ako ng gulong. Kinuha ko ang dalawang baril sa backseat at lumabas na. Ang malamig na hangin ang sumalubong sa akin. Agad akong sumampa sa hood ng aking kotse upang abangan ang hinahabol namin.
Ilang minuto pa ang lumipas at natanaw ko na ang pulang sports car. Agad kong ikinasa ang mga baril na hawak ko. Mabilis ang patakbo nito at mukhang wala siyang balak huminto kahit na nakaharang na ako. I smirked.
Binaril ko ang dalawang gulong sa harapan. Dahil sa bilis ng pagpapatakbo at sa ginawa ko tumilapon ang kotse sa ere. Noong bumagsak ito ay nagpaikot-ikot pa ito sa lupa bago tuluyang huminto.
Lumabas ang isang duguang lalaki na may ngisi pa rin sa labi sa kabila ng mga sugat na natamo nito. Kapag masamang demonyo talaga mahirap mamatay. Ang mga kasamahan ko na humahabol din sa kanya ay nagsibabaan sa kanilang mga kotse at pinalibutan siya.
Tinignan niya kaming lahat saka siya tumawa. Bumaba na ako sa hood ng aking kotse at naglakad papalapit sa kanya. Huminto siya sa pagtawa noong nakita ang paglapit ko sa kanya. Tumaas ang gilid ng kanyang labi.
"Ice, Ice, Ice" pagbanggit nito sa pangalan ko. Noong nakalapit ako sa kanya ay tinadyakan ko siya sa tiyan. Napahiga ito sa kalsada dahil sa lakas ng tadyak ko.
"Kahit mahuli niyo ako hindi ako magsasalita. Kahit patayin niyo ako hinding-hindi ko sasabihin sa inyo" muli ko siyang tinadyakan dahil sa kadaldalan niya. Napaubo ito ng dugo.
"Trinaydor mo ang Mafia at pinagtangkaan mong patayin ang tagapagmana. Sa tingin mo ay palalagpasin ng Mafia ang ginawa mo?" malamig na tanong ko sa kanya. Pero tumawa lang siya. Ano bang nakakatuwa sa sitwasyong ito? Alas dos na ng umaga at wala pa akong tulog dahil sa kakahabol sa kanya.
"Dapat lang na mamatay na ang tagapagmana. Dapat lang na tuluyan ng mawasak ang Lockhart Mafia. Hindi na dapat sila maghari" nanggigigil na sabi nito.
Kakalabanin niya ang Lockhart Mafia? Nababaliw na ba siya? Hindi dapat ginigising ang mga natutulog na demonyo. Dahil sa oras na nagising sila ay siguradong magiging madugo ang mundong ito.
"Alam mo ba kung ano ang sinasabi mo?" malumanay na tanong ko. Tumawa ito sa tanong ko.
"Sa tingin mo ba ay may halaga tayo sa Mafia? Lahat tayo ay laruan lang para sa kanila. Kahit na ikaw pa ang pinakamagaling kapag wala ka ng pakinabang itatapon ka na lang nila" nakangisi nitong sabi sa aming lahat.
"At iyon ang mangyayari sa'yo. Itatapon ka na ng Mafia dahil sa ginawa mo" nakangising sabi ko.
Sayang, isa pa naman siya sa magaling na assassin na nakilala ko.
"Sa tingin mo hindi ka rin nila itatapon? Hintayin mo lang na mawala ang pakinabang mo sa kanila, Ice" nag-ngising aso lang ako sa sinabi niya.
"Then, see you in hell" sabi ko saka siya sinapa muli sa tiyan. Namalipit ito sa sakit ng ginawa.
Lumapit ang isa sa mga kasamahan ko na ngayon ay may hawak ng injection kung saan may lamang pampatulog. Hindi kami pwedeng magbyahe ng may kasamang gising na leon.
Bago pa man naiturok ng kasama ko ang injection ay bigla na lang bumula ang bibig ng target namin. What the fuck?
Naalarma kaming lahat sa nangyari. Lumapit ako sa traydor at tinignan kung buhay pa ito pero wala na akong marmdamang pulso. I gritted ny teeth at tumingin sa bangkay na nasa harapan ko bago tumingin sa buong paligid. Damn, ang utos sa amin ay kuhanin siya ng buhay.
BINABASA MO ANG
Protecting The Mafia Boss
ActionI am a reaper and my mission is to protect the mafia boss.