Chapter Fourteen
Kunot noong naglalakad ako paalis ng parking lot ng Crimson High. Anong meron? Bakit ang daming tao? May event ba? Halos wala na akong mahanap na parking space kanina dahil sa daming ng sasakyang nakaparada, which is unusual. Malaki ang parking lot ng Crimson at hindi ito napupuno ng mga students.
Sabagay, ilang araw rin akong hindi pumapasok dahil sa kakabantay kay Frost. Halos napasa kasi ang ibang kailangang asikasuhin ni Sir Lucian kay Frost dahil inaayos niya ang pinasabog na ospital. At kahit hindi ako kasama sa mga utos nito ay sabit na rin ako. Kaya wala akong masyadong alam sa mga nangyayari rito sa Crimson High.
Mas lalong kumunot ang noo ko noong makarating ako sa may quadrangle ng paaralan at mapansing pinagtitinginan ako ng mga tao. Iyong iba ay napapailing pa habang iba ay natatawa.
"Yuri" napalingon ako sa tumawag sa akin. Napataas ako ng kilay noong makita kung sino. Ano namang ginagawa ng babaeng ito rito? Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa saka napailing.
"Seriously?" Hindi makapaniwalang tanong ni Ezra sa akin.
"What?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Bakit naka-school uniform ka?" Tanong nito. I rolled my eyes.
"Mag-aaral ako" walang ganang sagot ko sa kanya habang siya ay napangiwi naman.
"Wala kayong pasok, duh. Sports Fest niyo kaya" sabi nito. Nagkibit balikat na lamang ako. Hindi ko naman alam.
"Ikaw, anong ginagawa mo rito?" Tanong ko sa kanya. Hindi naman kasi siya nag-aaral dito.
"Ano pa nga ba?" Napakasimangot niyang sagot.
"Nagpadagdag si Lady Snow ng mga nagbabantay dito sa Crimson High para masigurong walang mangyayaring kaguluhan habang ginaganap ang sports fest" pagk-kwento nito. Kailangan ngang mas higpitan ang seguridad ngayon dito. Lalo na at binuksan ang Crimson High para sa lahat. Siguradong sasamantalahin ng mga kalaban ang pagkakataon kaya maiging magdoble ingat. Bumaling muli ako kay Ezra.
"Bakit hindi ka nagbabantay kung ganoon?" Tanong ko sa kanya. Napanguso ito sa aking tanong.
"Mamaya na ako magbabantay kapag may babantayan na ako. Kaya hangga't hindi pa nagkakagulo manood muna ako sa sports fest niyo" napailing na lamang ako sa kanyang sagot.
"Pero bago 'yon, magpalit ka muna ng damit. Pinagtitinginan ka nila o" I rolled my eyes bago naglakad pabalik sa kotse ko. Total naman ay walang pasok tutulong na lamang ako sa pagbabantay. Habang pabalik kami sa kotse ay panay ang sermon niya kung bakit hindi ko alam na may event sa school namin. Minsan talaga gusto kong i-tape ang bunganga ng babaeng ito. Kapag kasi binuksan niya hindi na titigil.
Sa kotse na lamang ako nagbihis. Mabuti na lang at lagi akong may dalang ekstrang damit sa kotse ko. Pagbaba ko sa kotse ay dinatnan ko si Ezra na busy sa pagkalikot sa kanyang cellphone.
"Nasaan pala yung binabantayan mo?" Tanong nito habang nakatingin pa rin sa cellphone.
"Malay ko" sagot ko at inilibot ang tingin sa buong parking lot. Konti na lamang ang tao rito sa parking lot at halos nasa gymnasium na sila dahil nag-uumpisa na yata ang mga palaro.
"What?" Bahagya pa akong nagulat noong sumigaw si Ezra. Inirapan ko siya pero napailing siya.
"Gaga, kaya nga nagdagdag ng seguridad dito sa Crimson dahil baka may masamang mangyari tapos iyong binabantayan mong siyang pakay ng kalaban natin ay hindi mo alam kung nasaan?" Bigla akong kinabahan sa sinabit niya. Shit. Nasaan kaya ang lalaking iyon?
"Hoy, saan ka pupunta?" Sigaw ni ezra sa akin noong bigla akong tumakbo.
"Hahanapin ko si Frost" sabi ko at nagsimulang tumakbo para hanapin siya.
BINABASA MO ANG
Protecting The Mafia Boss
ActionI am a reaper and my mission is to protect the mafia boss.