Chapter Four

285 26 1
                                    

Chapter Four

Umakyat ako sa taas ng puno at humanap ng komportableng pwesto upang matulog. Dahil sa pag-iwan sa akin ng bwiset na si Frost sa parking lot ng bar kahapon, alas dos na akong nakauwi sa bahay. Damn, kinailangan ko pang balikan ang kotse ko doon sa hotel. Pero dahil sa kalagitnaan ng sem ako pumasok dito sa Crimson, kinailangan kong humabol sa mga requirements. Wala pa akong tulog hanggang ngayon. Buti na lang at may dalawang oras ang aming vacant kaya makakatulog ako.

Pinikit ko ang mata ko at sinandal ang likod ko sa katawan ng puno. Well kaya kong matulog kahit saan ko gustuhin pero ang puno lang ang nakikita kong pwesto na walang mang-iistorbo sa akin. Saka presko rin dito at payapa. Kaya matandang tulugan.

Siguro naman pwede akong mag-break sa misyon ko kahit na ilang oras lang. Saka kasalanan naman niya kung bakit ako natutulog ngayon imbes na binabantayan siya. Kahit man lang sana hinatid niya ako sa hotel na pinag-iwanan ko sa kotse ko. Pero hindi eh, iniwan niya lang talaga ako matapos kong magpakapagod na sundan siya buong araw.

"Talagang nagawa mo pang matulog kaysa bantayan ako" agad akong napamulat ng mata noong may nagsalita. What the hell!

Tumingin ako sa ilalim ng puno at nakita kong nakatayo ang lalaking ayaw kong makita sa mga oras na ito. Nakapamulsa ito habang nakatingalang nakatingin sa akin.

"Hindi ka naman siguro mamamatay kapag natulog ako saglit diba" galit na sabi ko sa kanya.

Ayaw ko sa lahat ay ang wala na akong tulog tapos binibwiset pa ako. Hindi ko kayang habaan ang pasensiya ko kapag puyat ako.

"Kung sabihin ko kaya kay Mommy na hindi mo ako binabantayan" sabi nito. Inirapan ko siya.

"Edi magsumbong ka. I don't care" pabalang na sagot ko sa kanya. Sa tingin niya natatakot ako sa kanya? Ang tatay niya lang ang kinakatakutang tao ko.

"Busy nga pala si Mommy. Kay Daddy na lang" natahimik ako sa sinabi niya. Damn, patay ako kapag nagsumbong nga siya kay Sir Lucian. Pero nawala lahat ng pagpapanic ko noong nakita kong siyang tuwang-tuwa sa istura ko.

"Fúck you" sa sobrang inis ko ay nakalimutan kong nasa taas nga pala ako ng puno. Nawalan ako ng balanse. Sinubukan kong humanap ng makakapitan pero bago pa ako makakapit sa sanga ay nahulog na ako.

"Ouch" malakas na inda ko noong lumagapak ako sa lupa. At ang walanghiya? Nakatingin lang sa akin at di man lang ako naisipang saluhin. Damn, ang sakit. Feeling ko nabalian ako ng buto.

"Tanga" sambit ni Frost. Sinamaan ko siya ng tingin.  Sinubukan kong tumayo pero agad din akong bumagsak.

"Damn" napapikit ako dahil sa sakit ng likod ko. Sa lahat ng oras na pwede kong pairalin ang katangahan, ngayon pa talaga. Ang gusto ko lang ay matulog tapos mauuwi pa sa ganito.

Napamulat ako noong umangat ako sa ere. Binuhat ako ni Frost. Tumaas ang kilay ko. Nahipan ng hangin?

"Bakit ka ba nasa puno? Matsing ka ba?" inirapan ko siya. Gago talaga kahit kailan.

"Kasalanan mo kung bakit ako nandoon" inis na sigaw ko sa kanya. Kumunot naman ang noo nito.

"Kasalanan ko pa ngayon na matsing ka?" hinampas ko siya sa dibdib nito pero hindi man lang ito natinag.

"Kung umuwi ka ng maaga kahapon. At hindi ka nakipagdate sa palakang babaeng 'yon. At kung sana hindi mo ako iniwan kahapon. Hindi sana ako umakyat sa punon iyon para matulog dahil puyat ako" panunumbat ko sa kanya. Ngumisi ito sa akin.

"Kawawa ka naman" I frowned. Hindi na ako sumagot sa pang-aasar niya dahil pagsasayang lang ng laway ang pakikipag-usap sa kanya. Sa totoo lang siya ba talaga ang susunod na Mafia Boss?

Protecting The Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon