Chapter Sixteen

444 20 8
                                    

Chapter Sixteen

Hindi ko alam kung anong oras na pero ayoko pang bumangon. Sa nakaraang mga araw ay pakiramdam ko ngayon lang ulit ako nakatulog ng maayos. Marami kasing inaasikaso sa Mafia at naging busy kami kaya kaonti lang ang tulog ko.

Niyakap ko ang unan sa aking tabi. Inamoy-amoy ko ito at napansing kaamoy ni Frost. Bakit naman kaamoy ng unan ko si Frost? Isang kamay ang pumalupot sa aking bewang at hinila ako papalapit sa kanya.

Mabilis akong nagmulat ng mata. Halos mapamura ko noong makita kung sino ang niyakap ko at yumayakap sa akin. Isang malakas na sipa ang ginawa ko sa kanya kaya bumagsak siya sa kama.

"What the hell!" Pareho naming sigaw. Bumagsak siya sa kama at bigla na lang sumakit ang ulo ko dahil sa ginawa ko. Ang bilis naman yata ng karma ko.

"Sh.t" mabilis itong napatayo at lumapit sa akin. Akala ko sasapakin niya ako dahil sa pagsipa ko sa kanya pero marahan niyang hinawakan ang noo ko.

"Bakit ka ba kasi naninipa?" Tanong nito saka inalis ang pagkakahawak sa ulo ko. Pumunta ito sa mesa sa kwarto at may kinuhang first aid kit.

"Huwag mong masyadong pwersahin ang sarili mo kung ayaw mong dumugo iyang ulo mo" pangaral nito habang lumalapit sa akin.

Napahawak naman ako sa ulo ko at doon ko napansing may benda ako. Saka ko lang din naalala na muntik na pala akong patayin ni Snake kagabi kung hindi lang dumating si Winter. Malilintikan sa akin ang grupong iyon kapag nagkita kaming muli... kung buhay pa sila.

"Nasa headquarters pa ba ang grupo nina Snake? Buhay pa ba sila?" Tanong ko sa kanya habang inaalis niya ang benda ko upang mapalitan ng bago. Inirapan niya ako.

"Pagalingin mo muna 'yang sugat mo bago kita hahayaang makita sila" sagot nito.

Marahan nitong dinampian ng bulak ang sugat ko sa ulo. Minsan talaga kapag sinusumpong ng kabaitan ang lalaking ito ang sarap niyang pakasalan. Uminit ang pisngi ko sa naisip ko. Seriously Yuri? Sinabi mo 'yun.

Nagtama ang paningin namin kaya nag-iwas ako ng tingin. Baka malaman pa nito kung ano ang pinag-iiisip ko.

"Ano palang ginagawa mo rito?" Tanong ko noong maalala.

"At bakit kita katabing matulog? Anong ginawa mo sa akin?" Nang-aakusa kong tanong sa kanya. Tinignan niya ako saka siya ngumisi. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Bakit anong gusto mong gawin ko sa'yo?" Naaaliw niyang tanong. Inirapan ko siya.

"Kapag ikaw, nalaman kong may ginawa ka sa akin mapapatay kita" mapagbanta kong sabi sa kanya.

"Huwag kang mag-alala, pananagutan naman kita" sabi nito habang nilalagyan ng benda ang aking ulo. Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya.

"Frost" sigaw ko sa kanya saka siya sinuntok sa braso. May nangyari sa amin.

"What?" Natatawang tanong nito kaya mas lalo akong pinamulahan ng mukha. Hinampas ko siya ulit. Tapos naman din niyang mailagay ang benda ko.

Hinawakan niya ang kamay ko upang mapigilan ako sa paghampas sa kanya.

"Wala pa akong ginagawa sa'yo pero kapag hindi ka tumigil diyan ay baka may mangyari na" natatawa pa ring sabi nito kaya piningot ko na siya.

"Aray" daing nito. Mas lalo kong diniinan ang pagpingot sa kanya.

"Isa, Yuri" pagbabanta niya pero hindi ako nagpatinag sa kanya.

"Dalawa" bilang niya ulit.

"Tatlo" pagpapatuloy ko pa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 15, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Protecting The Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon