Chapter Fifteen
Halos mapatakip ako ng tenga dahil sa ingay sa buong gym. Idagdag mo pa ang matinis na sigaw ni Ezra sa aking tabi. Nandito kami ngayon sa gym para manood ng game ni Frost. Puno ang gym ng kanya-kanyang supporters ng bawat team at players. Ang sabi ni Ezra si Frost daw ang Captain ng basketball team.
"Please welcome, the Crimson Warriors" tuluyan ko ng tinakpan ang tenga ko dahil sa ingay. Hindi yata magandang ideya ang manood sa game na ito. Mababasag yata ang eardrums ko ng wala sa oras.
"Yuri, tignan mo si Frost" sabi ni Ezra saka tinuro si Frost na naglalakad sa pinakalikod ng kanyang team. Nakasuot ito ng kulay pulang jersey na may nakasulat na Lockhart at numerong 1. Lumitaw ang kanyang kaputian at katangkaran sa kanyang suot.
"Tapos?" Tanong ko kay Ezra. Binatukan niya ako.
"Ang hot niya sa kanyang jersey" tumaas ang kilay ko.
"Tapos?" Inirapan na niya ako.
"Tignan mo yung biceps saka triceps niya" sabay turo sa parteng iyon ni Frost.
"Saka 'yung mga veins niya" halos patili na niyang sabi.
"Kailan kaya ako makakahanap ng ganyang boyfriend?" Tanong nito sa sarili niya.
"Ligawan mo si Frost" sagot ko sa kanya at nangalumbaba. Binatukan niya muli ako. Nakakarami na ang babaeng ito.
"Gaga, sayo na si Frost. Huwag mong pinamimigay" I rolled my eyes at hindi na lang siya sinagot.
Anong oras kaya matatapos ang larong 'to. Wala naman akong naiintindihan sa basketball. Ang ingay-ingay pa.
Marami pang sinabi iyong referee bago nagsimula ang laban. Agad nakuha ng team ni Frost ang bola. Hindi naman magkamayaw sa pagsigaw ang katabi ko.
"Ezra" sabay kaming napatingin ni Ezra noong may tumawag sa kanya. Kumunot ang noo ko noong makitang si Snake iyon. Isa siya sa inutusan ni Lady Snow na magbantay ngayon dito sa Crimson.
"May problema ba?" Seryosong tanong ni Ezra sa kanya. Tumango ito. Agad kong pinakiramdaman ang baril sa bewang ko. Hindi talaga sila titigil hangga't hindi napapabagsak ang Mafia.
"Sumama ka sa akin" agad tumayo si Ezra at sumama kay Snake. Inalerto ko na rin ang aking sarili kung sakaling magkagulo. Lalo na at nandito si Frost.
Muling naghiyawan ang mga tao kaya nabalik ang atensyon ko sa mga naglalaro. Naka-shoot ata si Frost. Nagtama ang paningin namin saka siya ngumisi sa akin. Tinaasan ko lang siya ng kilay.
"Ang gwapo mo talaga, Frost!" Sigaw ng nasa likod ko.
"Anakan mo na ako please!" Sigaw ng isa pa. Marami pang sumigaw at dahil sa iritasyon ko ay tumayo muna ako para magpunta ng banyo.
Walang tao pagkapasok ko doon. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin bago naghilamos ng mukha. Habang naghihilamos ay pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin. Lalabas na sana ako noong nakarinig ako ng kaluskos. Nag-igting ang panga ko.
Binunot ko ang baril ko bago lumingon sa likod ko. Walang tao. Naglakad ako papunta sa mga cubicle at binuksan ito pero wala pa ring tao. Nakarinig muli ako ng kalukos pero ngayon ay sa labas na ng banyo. Hindi maganda ito. Mukhang may nakalusot sa pagbabantay nina Ezra.
Itinago ko saglit ang baril ko bago lumabas. Tahimik at walang tao ang buong pasilyo. Tanging ang sigawan lang mula sa court ang iyong naririnig.
Naglakad ako palabas ng Gym. Inalerto ko ang buo kong sarili sa pwedeng mangyari. Kahit anong oras ay pwede nila akong sugurin. Lalo na at walang masyadong tao ngayon dito sa labas dahil nasa basketball ang atensyon ng lahat.
BINABASA MO ANG
Protecting The Mafia Boss
ActionI am a reaper and my mission is to protect the mafia boss.