Chapter Five

299 24 2
                                    

Chapter Five

Isang malakas na suntok ang ginawa ko sa punching bag bago ako tumigil. Pinunasan ko ang pawis sa aking noo gamit ang likod ng aking palad. Nandito ako ngayon sa training room dito sa headquarters. Pinatawag ni Sir Lucian si Frost at dahil wala akong binabantayan naisipan kong pumunta rito.

Maayos na rin ang likod ko at hindi na masakit. Pumunta ako sa bench kung nasaan ang mga gamit ko. Kinuha ko ang aking bote at ininom iyon. Puro mga bagong miyembro ang nandito ngayon. Bago ka kasi isabak sa isang misyon ay dadaan ka muna sa isang matinding training.

"Babe" halos masamid ako sa doon sa sumigaw. What the hell! Bumalik na yata yung isa sa perwisyo sa buhay ko.

Yayakapin sana niya ako mula sa likod pero agad ko siyang siniko at lumayo sa kanya. Tumawa lang ito sa ginawa ko. Inirapan ko siya.

"Wala man lang ba akong welcome back hug?" tanong nito. Tinaas ko ang kamao ko. Mukhang naintindihan naman niya ang gustong iparating dahil agad niyang tinaas ang dalawang kamay nito bilang pagsuko.

"Anong ginagawa mo rito? Akala ko ba pinatapon ka na sa Italy?" tanong ko. Bakit ba kasi bumalik pa ito dito?

"Tapos na misyon namin doon, babe" inirapan ko siya sa ginawang pagtawag niya sa akin ng babe.

Siya si Marcus. Isa din siyang reaper na katulad ko at pinagpipilitan niyang balang araw ay pakakasalan ko siya. Isa rin siya sa mga magaling na reaper pero huwag mo lang pagsasalitain dahil mad-disappoint ka lang sa kayabangan.

"Si Ezra?" tanong ko sa kanya. Bumusangot ito at nagkibit-balikat.

"Malay ko sa baliw na iyon kung saan na naman nagsuot" napangisi ako sa inis niyang reaksyon. Mukhang hindi rin siya nakaligtas sa kabaliwan ni Ezra.

Noong napatingin ito sa likod ko at nagbago ang ekpresyon niya. Agad itong yumuko. Tumaas naman ang kilay ko.

"Sir Frost" sambit nito. Napatigil din ang ilang trainee na nandito sa loob. Lumingon ako sa likod at nakita ko si Frost nakatayo habang nakabulsa ang dalawang kamay sa kanyang pantalon.

"Come with me" malamig na utos nito saka ako tinalikuran. Tumaas ang kilay ko bago ko dinampot ang aking mga gamit saka sumunod sa kanya at iniwan si Marcus doon.

Pumasok kami sa isang opisina dito sa headquarters. Pumunta siya sa mesa at may kinuha. Hinagis niya sa akin ang isang itim na paper bag na agad ko namang sinalo.

Binuksan ko ito at kumunot ang noo ko noong makita ang isang pulang dress at itim na stilletos. Aanhin ko 'to?

"Ano 'to?" tanong ko sa kanya.

"Magbihis ka na. Pagkatapos ay sasabihin ko ang gagawin mo" seryosong utos nito. Wala akong nagawa kung hindi sundin ang inuutos niya.

Masama ang tingin ko sa kalsadang tinatahak namin. Suot ko na ang dress at sapatos na binigay niya sa akin kanina.

"Bakit ba kasi ako?" naiinis na tanong ko sa kanya. Huminga ito ng malalim. Ilang beses ko ng tinanong sa kanya iyan at ilang beses niya na rin akong sinagot. Pero hindi ako titigil hanggang hindi siya nakokonsensiya sa ipapagawa niya sa akin.

"Damn. Ang kulit mo" inis na sabi nito.

Papunta kami ngayon sa isang bar dahil nandoon ang target niya. Gusto niya akong gamitin para mahuli niya ang kanyang target. Okay, trabaho ko talaga iyon pero ang dami-daming pwede niyang gamitin. Bakit ako?

Tumigil kami sa isang sikat na bar dito sa Makati. Iritadong bumaba ako sa kanyang kotse. Talagang ipapain niya ako.

Mas nauna siyang pumasok sa akin. Hindi kami pwedeng magkasama dahil baka raw pumalpak ang plano niya. Well, ang plano lang naman niya ay landiin ko ang target niya at ayain siya sa hotel. Hindi niya pwedeng patayin sa bar dahil maraming tao. Pagdating sa hotel ay siya na raw ang bahala. Wala naman akong magawa dahil pagbaligtarin ko man ang mundo siya ang boss ko.

Protecting The Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon