Chapter Thirteen

239 16 4
                                    

Happy 1k reads. Thank you sa suporta. I hope patuloy niyo pang suportahan ang aking story.

Chapter Thirteen

"Ehem" pagtikhik ni Lady Snow upang maagaw ang atensyon naming lahat. Nahihiyang tumingin ako sa kanya. Nahagip ng aking mata ang dismayadong pag-iling ni Sir Lucian sa kanyang anak dahil sa nangyari. This is awkward.

"Anong gagawin namin?" Tanong ni Frost habang patuloy na binabasa ang laman ng envelope. Hindi na ako nakiesyoso pa dahil baka naulit na naman ang nangyari kanina.

"Alamin mo kung paano niya nananakaw ang mga armas sa warehouse at kung sino ang tumutulong sa kanya. Ako sana ang haharap sa kanya pero kailangan ko munang asikasuhin ang ospital" nag-igting ang panga ni Sir Lucian ìsa huli niyang pangungusap. Kung sinuman ang nagpasabog sa ospital, kung ako sa kanya ay huwag na siyang magpakita ng buhay.

"Magpapanggap kang bibili ng armas habang si Yuri ay magpapanggap bilang isang stripper" bahagya akong nagulat sa sinabi ni Sir Lucian. Stripper?

"What? Bakit Stripper?" Napatingin kaming lahat kay Frost noong nagsalita ito. Kung makareklamo akala mo siya ang magpapanggap na stripper.

"Bakit anak? May reklamo ka?" Nakangising tanong ni Lady Snow habang nakataas pa ang kaliwang kilay. Umiling na lamang si Frost at pinagpatuloy ang pagbabasa sa laman ng envelope.

Ilang paalala at instruction pa ang ibinigay ni Sir Lucian bago niya kami pinaalis upang makapaghanda.

Napangiwi ako noong makita ang sarili ko sa salamin. Nakasuot ako ng pulang lingerie at pakiramdam ko ay nakalitaw na ang buong kaluluwa ko. Hindi ito ang unang pagkakataon na magpapanggap ako bilang isang stripper. Pero sa ilang beses na iyon ay hindi pa rin ako komportable.

Nandito na kami ngayon sa bar kung nasaan ang target. Si Frost ay nasa silid na na pagdarausan ng transaction. Habang ako ay nasa isang kwarto kasama ang dalawang babaeng hindi ko kilala. Biglang bumukas ang pinto kaya sabay-sabay kaming napatingin doon. Isang lalaking sa tingin ko ay empleyado ng bar ang pumasok sa loob.

"Kayong tatlo" sabi nito sabay turo sa amin.

"Sumunod kayo sa akin" sabi nito saka kami tinalikuran at naglakad palayo. Tumayo na rin kami ng dalawang kasama ko para sundan ang babae. Kahit maliit ng aking palda sinigurado kong hindi mapapansin ang baril na itinago ko sa aking hita.

Huminto ang lalaki sa isang VIP room kubg nasaan sina Frost. Kumatok muna ito ng tatlong beses bago binuksan ang pinto.

"Sir, nandito na po ang mga babae" sabi noong lalaki saka niluwagan ang pagkakabukas ng pinto upang makita kami ng mga nasa loob.

Agad na umukit ang malaswang ngiti ng matandang tsino hambang tinitignan kami isa-isa. Habang si Frost ay nakangisi habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa. Isa pa 'tong manyak.

"Sige, papasukin mo sila" utos noong matanda. Pumasok kami sa loob at dumaretso sa isang maliit na stage. Ang isa sa mga kasama ko ay agad kumapit sa pole na nandoon at gumawa ng iba't-ibang routines. Habang ang isa ay nagsimula na ring sumayaw. Wala akong magagawa kung hindi sumayaw na lang din.

"So, Mr. Tan" dumako ang tingin ko kay Frost noong magsalita ito. Napatigil ang pagsulyap ng matanda sa amin at hinarap si Frost.

"Anong masasabi mo sa aking proposal?" Tanong ni Frost saka sumimsim sa kanyang basong may lamang alak.

"Maganda ang proposal mo pero..." pabitin na sagot ng matanda. Ngumisi ito kay Frost at sa ngisi pa lamang iyon ay alam ko ng hindi na magiging maganda ang takbo ng gabing ito.

"Tapusin na natin ang pagpapanggap na ito Laurent Frost Lockhart" sabi nito sabay tutok ng kanyang baril kay Frost.

Mabilis kong kinuha ang baril sa aking hita at itinutok iyon sa matanda. Pero kasabay ng pagtutok ko sa kanya ng baril ay naramdaman ko ang malamig na bakal sa magkabilang sentido ko. Mukhang hindi lang ako ang nautusang magpanggap bilang stripper.

Protecting The Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon