Chapter Ten

262 19 1
                                    

May ginawa akong one shot. Baka gusto niyo pong basahin. If this was a movie po ang title.

Chapter Ten

"Yuri, Yuri, Yuri" lumingon ako sa buong paligid upang hanapin ang tumatawag ngunit wala akong ibang makita kung hindi ang walang katapusang kadiliman.

"Yuri, Yuri, Yuri" tinakpan ko ang aking tenga ngunit tumawa lang ng malakas ang tumatawag sa akin.

"Yuri, Yuri, Yuri" paulit-ulit na tawag nito sa aking pangalan.

"Sino ka? Magpakita ka!" sigaw ko sa kanya at naglakad. Tumawa lang ito ng malademonyo.

"Hindi mo ba ako nakikilala?" tanong nito. Umigting ang panga ko habang pilit na hinahanap ang nagsasalita.

"Kawawa ka naman Yuri" kinuh ko ang baril sa bewang ko.

"Pero mamatay ka rin" lumingon ako sa likod ko at itinutok ang aking baril. Ganoon na lamang ang gulat ko noong makita si Frost na may hawak ring baril at nakatutok sa akin. Tumatawa ito habang ang itim niyang mata ay nakatingin sa akin.

Wala sa sariling napabangon ako ngunit kasabay noon ay ang pagsigaw ko dahil sa sakit.

"Anak ng, bakit ka ba bumabangon bigla?" sigaw ni Ezra sa akin. Natataranta itong lumapit sa akin.

Ramdam ko pa rin ang kirot ng aking mga sugat dahil sa biglaang paggalaw ko. Ginising ng sakit ang natutulog kong diwa.

Tinignan ko ang buong paligid at mukhang nasa isang hospital ako. Nakabenda rin ang aking balikat at binti. Tinignan ko si Ezra na ngayon ay nakasimangot habang nakatingin sa akin.

"Hanap ka din, ano? Alam ko sa mga nao-ospital na katulad mo dahan-dahan dapat ang pagbukas ng mata tapos magtatanong kung nasaan sila. Pero ikaw?" sabay turo sa akin.

"Wala ng dahan-dahan agad bangon" sabi nito. Inirapan ko lang siya.

"Kailan ako lalabas ng ospital?" tanong ko sa kanya saka tinignan ang nakabukas na TV na nasa pambatang channel.

"Aba malay ko. Mukha ba akong doktor?" pabalang na sagot nito. Kung hindi lang siguro ako nakahiga dito baka sinapak ko na ang babaeng ito.

"Umayos ka ng sagot, Titania Ezra" malamig na sabi ko.

"Tatawagin ko ang Doktor sandali" sabi nito at lumabas. I rolled my eyes.

Huminga ako ng malalim at inalala ang panaginip ko. Anong ibig sabihin noon? At bakit si Frost. Speaking of Frost, siya ang may kasalanan kung bakit ako nandito ngayon.

Simula yata noong tinanggap ko ang misyon na protektahan ang walanghiyang si Frost ay nagkandaletse-letse na ang buhay ko. Muntik na akong mabalian ng likod dahil sa kanya. Muntik na akong marape. Ngayon naman muntik na akong namatay dahil sa katigasan ng kanyang ulo.

Bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaking doctor. Bata pa lamang ito at nakikita ko ang pagkislap ng mata ni Ezra habang nakatingin dito. May kasama rin itong isang nurse

"Gising ka na pala, Miss Davis. Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong nito habang chinicheck ako noong nurse.

"Kailan ako makakalabas?" tanong ko sa kanya. Napangiti naman ito sa sinabi ko.

"Kung wala ka ng magiging komplikasyon ay makakauwi kana sa makalawa" sabi nito. I rolled my eyes. Ang tagal pa. Ano namang gagawin ko rito sa hospital sa dalawang araw? Tutunganga? Kasalanan talaga ito ni Frost.

Marami pang sinabi ang doktor pero hindi ko na siya masyadong pinakinggan. Ayoko sa hospital. Ayoko sa sistema ng ospital na kung may pera ka gagamutin ka nila at kung wala bahala kang mamatay.

Protecting The Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon