Chapter Two

403 35 2
                                    

Chapter Two

Pagkatapos ng pasok ko sa Crimson High ay agad akong pinaderetso sa headquarters. Nandoon na daw ang Mafia Boss at hinihintay na ako.

Sanay na akong magkaroon ng mga misyon. Alam kong sa oras na tanggapin ko iyo ay dalawa lang ang kahahantungan ko... Dead or Alive. Pero ngayon siguradong hindi basta-bastang misyon ang ibibigay sa akin. At kung anumang misyon iyon ay sana ay swertihin akong mabuhay. Kapag pumasok ka sa Mafia dapat ay handa ka na ring mamatay.

Huminga ako ng malilim noong makarating ako sa parking lot ng headquarters. Maraming sasakyan ang nakaparada doon. Nagkalat din ang mga tauhan ng mafia. Mas mahigpit ang siguredad ngayon dahil nandito ang boss. Lalo na ngayon at may nagtratraydor sa mafia.

Hindi ko talaga maintindihan ang mga isip ng traydor. Pumapasok sila sa isang gyera at ang tanging dala nila ay isang baril na walang bala. Alam na nila kung gaano kadelikado ang Lockhart Mafia pero pinipilit pa rin nila itong kalabanin. Pinapaaga yata nila ang trabaho ang kamatayan. 

Bumaba ba ako sa aking sasakyan at pumasok sa loob. Abala ang lahat sa kani-kanilang ginagawa at halos doble ang bilis ng kilos nila. May lumapit na isang matipunong lalaki sa akin. Sa pagkakatanda ko siya ang head bodyguard ni Sir Lucian, ang mafia boss.

"Kanina ka pa nila hinihintay, binibini" halos manginig ako sa lamig ng kanyang boses. Isa siya sa mga tinitingalang tauhan sa mafia dahil isa siya sa pinakadelikado at pinakamagaling na tauhan sa Mafia.

"Sumunod ka sa akin" sabi nito saka ako tinalikuran. Sumunod ako sa kanya at pumasok sa elevator. Pinindot niya ang pinakamataas na palapag ng headquarters kung saan nandoon ang opisina ng Mafia Boss.

Lagi kong nakikita si Sir Lucian pero ngayon pa lang ang unang pagkakataon na makakausap ko siya. Ilang beses ko na rin kaming nagkita ni kamatayan. At masasabi kong maging si kamatayan ay walang binatbat sa kanya. Siya na yata ang pinakadelikadong taong nakilala ko sa buong buhay ko.

Tumunog ang elevator noong nasa tamang palapag na kami. Mabilis na lumabas si Sir Vladimir kaya mabilis ko din siyang sinundan. Huminto ito sa tapat ng isang pinto kung saan nakahilera ang sampung gwardiya. Lahat sila ay armado ng matataas na kalibre ng baril. At sa tindig pa lang nila ay siguro akong hindi basta-basta ang lakas na taglay nila. Binuksan ng lalaking pinakamalapit sa pinto ang pinto at pumasok kami.

Unang tapak ko pa lang ay ramdam ko na ang mabigat at malamig na aura sa loob. Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga. Kung kanina ay kinakabahan na ako ay mas lalong dumoble iyon.

Ngunit noong makita ko ang lalaking prenteng nakaupo sa isang mahabang mesa ay agad na nagtagis ang bagang ko. At ang takot na nararamdaman ko kanina ay napalitan ng galit. Instinct ko na yata ang bumunot ng baril sa oras na makita ko siya.

Agad kong kinuha ang baril sa hita ko saka iyon kinasa at itinutok sa kanya. Anong ginagawa nita dito? Bakit kasama niya si Sir Lucian at si Lady Snow? Bago ko pa maiproseso ang lahat naramdanan ko ang malamig na bakal sa sentido ko.

"Hindi mo dapat tinututok ang mapanganib na baril na iyan sa maling tao, binibini" napalunok ako sa sinabi ni Sir Vladimir sa likuran ko. Mas diniinan niya ang baril sa ulo ko. Sa lahat ng oras na paiiralin ko ang kagagahan ko ay ngayon pa talaga. Tumingin ako sa lalaking tinutukan ko ng baril at ngayon ay nakangisi habang nakatingin sa akin. Mukhang tuwang-tuwa ito na makita akong nakatayo sa harapan niya habang may nakatutok na baril sa ulo ko. Damn you bastard.

"Ibaba mo ang baril mo, Ice. Maging ikaw Vladimir" utos ni Sir Lucian na hindi man lang tumitingin sa amin. Nagtindigan ang mga balahibo ko noong magsalita siya. Nanginginig ang mga kamay ko noong binaba ko ang hawak kong baril. Nawala din ang baril na nakatutok sa ulo ko.

Protecting The Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon