Chapter Nine
Damn.
Wala akong magawa kung hindi magmura habang tumatakbo kami ni Frost papunta sa kotse ko. Sinasabi ko na nga ba at mangyayari ito. Kung nakinig lang sana siya sa akin edi hindi kami tumatakbo ngayon.
"Fúck" inis na mura nito kaya napatingin ako sa tinitignan niya. I gritted my teeth. Mayroong dalawang lalaking nag-aabang sa tapat ng kotse namin.
Halos mapasubsob ako noong malakas akong hinila ni Frost palayo sa kotse ko. Walang kaalam-alam ang mga tao sa nangyayari.
Tumakbo kami ng tumakbo hanggang makalayo kami sa plaza at mapunta sa daan na walang tao. Nagulat ako noong huminto si Frost sa pagtakbo kaya napahinto din ako.
"Bakit ka huminto?" galit na tanong ko. Tumingin ako sa likod at nakita ang mga humahabol sa amin na papalapit na. Tumingin ulit ako kay Frost at mas lalong uminit ang ulo ko noong nakangisi ito at mukhang walang balak na tumakbo ulit.
"Frost" sigaw ko sa kanya. Tinaasan niya ako ng kilay.
"Walang kwenta kung tatakbo tayo. Mapapagod lang tayo at nahuhuli nila. Kailangan natin silang labanan" sabi nito sabay labas niya sa kanyang baril. Napasuklay ako ng aking buhok gamit ang aking kamay dahil sa inis ko sa kanya. Tama siya pero nakakainis pa rin.
"Kasalanan mo lahat ng ito" inis na sabi ko sa kanya bago kinuha ang baril sa bewang ko at kinasa iyon.
Itinitutok ko iyon sa mga humahabol sa amin. Naglabas na rin ang mga ito ng baril
Walang tao dito kaya malaya kaming magpatayan dito.Sunod-sunod na tumumba ang mga lalaki na nasa harapan noong paputukan sila ni Frost. Dahil sa ginawa niya ay nagsimula na ring magpaputok ang mga kalaban namin. Nagpaputok ako upang sanggain lahat ng mga balang pinapaputok nila habang patakbong umaatras.
"Frost, masyado silang marami para sa ating dalawa" iritado kong sabi habang patuloy na nakikipagpalitan ng bala.
Napatalon ako pakaliwa noong may naghagis ng mga patalim. Damn. Tanging baril lang ang dala naming sandata at kapag naubusan kami ng bala ay siguradong patay kami.
Tumalon ako kung saan tumarok ang mga kutsilyo kanina at kinuha ang mga ito. Hindi kami pwedeng mamatay. Hindi pwedeng mamatay si Frost. Noong mahawakan ko ang mga ito ay agad ko iyong pinalipad pabalik sa kanila. Tatlo ang tinamaan habang ang iba ay nakaiwas.
Napatingin ako kay Frost na nasa kabilang gilid ng daan. Nasa kaliwang tenga niya ang cellphone na sa tingin ay tumatawag siya ng back-up habang ang kanang kamay niya ay may hawak na baril habang patuloy siyang nakikipagputukan.
Napadapa ako para iwasan ang sunod-sunod na patalim na lumipad sa akin. Shit. Mukhang desperado talagang makuha si Frost. Pero kailangan muna nila akong mapatay bago nila makuha si Frost. At hindi ako makakapayag doon.
Gumulong ako pakaliwa para maiwasan muli iyong patalim pero nahagip nito ang damit ko. Buti na lang at damit lang ang nahagip at hindi ang aking balat. Sapat lamang ang layo namin upang makita ko kung sino ang naghahagis ng patalim. Ngumisi ako noong makita ko siya. Itinutok ko ang aking baril sa kanyang ulo. Sakto noong kukuha ulit siya ng patalim na ihahagis sa akin ay agad akong pinaputok ang baril ko. Agad itong humandusay sa sahig.
Tumayo ako at kinuha ang mga patalim na hinagis niya sa akin. Halos lahat ng kalaban ay abala sa pagpapaputok kay Frost kaya hindi nila namalayan ang mga patalim na papalapit sa kanila.
I gritted my teeth noong makitang may dumating na namang mga lalaki. Shit. Mukhang hindi sila nauubos.
This is an ambush!
BINABASA MO ANG
Protecting The Mafia Boss
ActionI am a reaper and my mission is to protect the mafia boss.