Chapter Eight

291 21 0
                                    

Advance Happy Valentines. This chapter was inspired of these songs:

Chasing Cars by Snow Patrol

Wildest Dreams by Taylor Swift

Chapter Eight

Nakangiting kumakaway ang mga bata sa amin habang pinapanood ang aming sasakyan palabas ng gate. Minsan pinapangarap kong bata na lang ako. Malayo sa masalimuot na kinalalagyan ko ngayon. Malayo sa dilim at paghihiganti. Malayo sa sakit at pagdurusa.

Minsan naiisip kong magpakalayo-layo na lang at kalimutan ang mundong ito. Pero sa buhay na meron ako, imposible na yatang mangyari iyon. Dahil kahit anong gawin ko hindi ko na matatakasan ito. Dahil kahit anong gawin ko wala akong magagawa kung hindi harapin ang buhay na ito.

Kumunot ang noo ko noong napagtantong hindi ito ang daan na dinaanan namin kanina papunta sa orphanage. Si Frost kasi ang nagd-drive ng sasakyan. Wala namang mga tents at food stalls kanina. Saka wala rin kaming nadaanang plaza.

"What the hell are we doing here?" tanong ko sa kanya noong ipinarada niya ang sasakyan ko sa gilid ng kalye.

"Sinusunod ang suggestion ni Sister" inirapan ko siya.

"Nababaliw ka na ba?" inis na tanong ko sa kanya.

"Frost gabi na. At alam mong habang lumalalim ang gabi ay mas lalong nagiging delikado para sa'yo. Siguradong alam mo na naghihintay lang silang tamang oras para patayin ka. At kapag pumunta tayo sa plaza na iyan binigyan mo sila ng oportunidad para patayin ka" litanya ko sa kanya.

As much as possible pinagbabawalan na pumunta si Frost sa mga matataong lugar. Mahirap kasing hanapin at kilalanin ang nga kalaban dahil pwede silang magdisguise as civilians. Lalo pa't hindi talaga namin alam kung sino ang kalaban.

At kapag nagkagulo dito ay siguradong maraming madadamay na sibilyan. Isa din iyon sa iniiwasan ng Mafia dahil mahirap gumawa ng cover up. Saka delikado rin ngayon dahil ako lang ang kasama ni Frost at walang ibang tauhan ng Mafia ang nakastand by dito.

"Bakit?" tanong nito. Kumunot ang noo ko sa tanong niya.

"Hahayaan mo ba akong mamatay?" seryosong tanong nito na nagpataas ng balahibo ko. I don't know pero parang may iba akong nararamdaman sa sinabi niya.

"Malamang hindi. Trabaho ko ang panatalihing buhay ka---" hindi ko natapos ang sasabihin ko.

"Hindi naman pala. Kaya huwag ka ng magsermon diyan" sabi nito saka lumabas sa kotse. Napatampal na lang ako sa aking noo dahil sa sinabi niya. Agad kong kinuha ang baril sa backseat at tinago sa bewang ko bago lumabas.

Dinatnan ko siyang nakapamulsa habang nakatingin sa plaza kung saan maraming tao ang nagsasayawan sa saliw ng mga bagong kanta. Gumala naman ang paningin sa buong lugar. Instinct ko na yata na agad magmatyag sa buong lugar.

"Nagugutom ako" biglang sabi ni Frost at naglalakad papunta sa mga food stalls na nadoon.

"Frost hindi tayo pwedeng magtagal" sabi ko noong naabutan ko siya. Ngumisi siya sa akin at inakbayan ako.

"Walang mangyayaring masama. Kaya relax daig mo pa si Mommy" sabi nito at kinindatan pa ako. Inirapan ko siya at inalis ang pagkakaakbay niya sa akin.

Tumaas ang kilay ko noong huminto kami sa isang ihawan. Binunot nito ang kanyang pitaka at bumunot ng isang libo at pinagtuturo ang mga barbeque, isaw, kwek-kwek at iba pang street foods na nandoon.

"Kakainin mo lahat 'yan" hindi makapaniwalang tanong ko dahil sa dami ng in-order nito. Saka kumakain siya niyan? Well nakakain na ako niyan dahil sa impluwensiya ni Ezra at alam kong masarap. Mahirap lang talagang paniwalaan sa isang mayaman na bumili ng ganyan tapos idagdag mo pang siya si Laurent Frost Lockhart.

Protecting The Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon