Chapter Three

355 30 0
                                    

Chapter Three

Halos makatulog ako sa kakahintay kay Frost at sa babae niya na lumabas sa kwartong kinuha nila dito sa hotel. Kanina ko pa sila sinusundan at pagod na pagod na ako. Buti na lang at tumigil sila rito sa hotel at nakapagpahinga ako. Kaya lang alas dyes na ng gabi at hindi pa sila lumalabas.

Hindi ko naman pwedeng iwan si Frost dahil ang misyon ko ay ang bantayan siya habang wala siya sa kanilang masyon. At mukha yatang sinasadya pa nito na tagalan ang milagrong ginagawa nila ng babae niya. Kung hindi lang dahil hindi pwedeng malaman noong babae na nakasunod ako sa kanila baka kanina ko pa kinaladkad si Frost pauwi ng bahay nila. Saka nababaliw na ba siya? Alam na niyang nanganganib ang buhay niya tapos nagagawa niya pang magpagala-gala.

Humalikipkip ako at sinandal ang ulo ko sa pader sa likod ko saka pinikit ang mata ko. Gusto ko ng matulog at magpahinga. Bakit ba sa dinami-dami ng reaper ng mafia, ako pa ang inilagay sa misyong ito.

Napahinto ako sa pag-iisip noong maramdamang may nakatitig sa akin. Agad akong nagmulat ng mata at tinignan ang buong lobby upang makita kung kaninong presensiya ang nararamdaman ko. Naging alerto ako habang tinitignan ang lahat ng galaw ng tao sa paligid.

"Ice" agad akong napatingin sa tumawag sa akin. Si Frost. Magulo ang buhok nito at medyo lukot na ang damit. Mukhang katatapos niya lang gumawa ng milagro.

"Yung babae mo?" tanong ko dahil hindi na niya kasama yung babae niya. He shrugged. Tapos tumalikod sa akin at deretsong naglakad palabas ng hotel.

Agad ko siyang hinabol noong maalalang meron nga pa lang nagmamatyag sa akin kanina. Baka isa ang mga ito sa gustong pumatay sa kanya.

"Uuwi ka na ba?" tanong ko sa kanya. Lumingon ito sa akin habang hinihintay ang sasakyan niya.

"Hindi ako uuwi ngayon" sabi nito na halos ikalaglag ng panga ko. What?

"Ano? Pagbabantayin mo ako ng buong magdamag?" inis na tanong ko. Dumating na ang sasakyan niya.

"Bahala ka, misyon mo yan" sabi nito. Gusto ko siyang batuhin ng sapatos ko.

"Akala mo ba madali lang bantayan ka? Ilang oras ko kayong sinusundan ng babae mo tapos magpapabantay ka pa buong magdamag" hindi ko na napigilan ang inis ko. Marami pa akong requirements na gagawin para makahabol ako sa lesson namin.

"May reklamo ka? Sasabihin ko kay Mommy" I gritted my teeth and shut up my mouth. Ngumisi ito pero agad ding sumeryoso ang mukha niya.

"Sakay" sabi nito. I rolled my eyes.

"May sasakyan ako. Kukunin ko---"

"Kung ayaw mong sumabog ang bungo natin pareho, sumakay ka na lang" malamig na sabi nito habang nakatingin sa madilim na garden ng hotel.

Halos magtindigan ang balahibo ko noong tumingin ako doon. Kahit madilim alam kong may tao doon. At ang taong yun at siya ding nagmamatyag sa akin kanina.

Agad akong pumasok sa kaniyang puting sports car. Pagkapasok ay agad niyang pinaharurot ang sasakyan.

"Umuwi ka na. Lalo na ngayon at may nakasunod sa'yo" sabi ko sa kanya.

"Nandito ka naman para protektahan ako diba? Kaya hindi muna ako uuwi" bumalik ang ngisi sa mga labi niya.

"Oo, misyon ko ang protektahan ka pero mas maproprotektahan ka sa mansyon niyo" naiinis kong paliwanag sa kanya.

"Sabi nila magaling ka. Kaya patunayan mo" minamaliit ba ako ng lalaking ito? Humalikipkip ako at pabagsak na sinandal ang katawan sa backrest ng upuan.

"Fine" mas lalong lumawak ang ngisi niya.

Huminto kami sa isang bar. Napairap ako. Talagang nagagawa pa niyang mag-bar habang may nakasunod sa aming gustong pumatay sa kanya. Dapat yata sa kanya tinatali sa upuan at huwag palabasin sa mansyon. Palibahasang hindi siya ang mamatay kapag may nangyaring masama sa kanya.

Protecting The Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon