Chapter One

473 37 0
                                    

Chapter One

Maaga akong nagising dahil ngayon ang unang araw ko sa Crimson High. Hindi ko alam kung bakit pa kailangan akong ilipat ng paaralan. Siguro ay parte ito ng magiging misyon ko.

Ang Crimson High ay isa sa mga paaralan na hawak ng Lockhart Mafia. At si Lady Snow ang may hawak nito. Ang asawa ng mafia boss at ang itinuturing queen ng Mafia.

Hanggang ngayon ay wala akong ideya kung anong misyon ang ibibigay sa akin ng Mafia Boss. Mamayang hapon ay makikipagkita ako sa kanya upang malaman ang misyon ko. At kung anuman ito, siguradong hindi iyon isang magandang balita.

Sinuot ko ang blazer ko at sinuklay ang mahaba kong buhok saka kinuha ang aking bag sa backseat bago bumaba sa aking sasakyan. Isang prestihiyosong paaralan ang Crimson High at kaya nitong pantayan ang standard ng mga International School. Kaya maraming mayayaman at mga anak ng maiimpluwensiyang tao ang nag-aaral dito. Isa ang paaralan na ito sa mga legal business ng Lockhart Mafia.

Ang ilang estudyante na nasa parking lot ay napatingin sa akin pagkababa ko ng sasakyan. Hindi ko sila pinansin at daretsong naglakad papunta sa Office of the Principal. Iyon kasi ang utos sa akin ni Sir Red. Puntahan ko raw si Lady Snow pagkarating ko sa Crimson High.

Pagdating ko sa tapat ng pinto kung nasaan ang opisina ni Lady Snow ay kumatok muna ako ng tatlong beses bago pumasok. Nadatnan ko si Lady na may binabasang dokumento. Nasa 40's na si Lady Snow pero maganda pa rin ito at hindi mababakasan ng katandaan. Ngumiti ito sa akin noong nakita ako. Agad naman akong yumuko upang magbigay galang sa kanya.
"Umupo ka, Yuri" utos nito kaya agad ko namang sinundan.

"Pasensiya ka na at kinailangan ka naming ilipat dito sa Crimson High mula sa dati mong paaralan. Parte kasi ito ng misyong mo na sasabihin ng asawa ko mamaya" nakangiting sabi nito at ibinagay sa akin ang isang folder na may logo ng aming paaralan.

"Nandiyan na ang iyong ID, handbook at schedule" binuksan ko ang folder at nandoon nga lahat ng sinabi niya.

"Nasabihan na lahat ng magiging teacher mo tungkol sa pagdating mo. Sinabihan ko na sila na bigyan ka ng mga notes para sa mga lessons na hindi mo naabutan" nakangiting sabi nito.

"Yun lang at sana ay magustuhan mo ang unang araw mo ngayon sa Crimson High" tipid akong ngumiti at nagpasalamat bago umalis.

Tinignan ko ang class schedule ko at ang unang subject ko ay English. Tinignan ko ang relo ko at late na ako ng tatlong minuto. Maiintindihan naman nila siguro.

Binilisan ko ang paghahanap sa magiging classroom ko. Buti na lang at agad ko iyong nahanap. Kumatok ako ng tatlong beses. Bumukas iyon at tumambad sa akin ang isang may katandaang babaeng guro. Ngumiti ito sa akin at pinapasok ako. Natigilan ang ilan sa ginagawa nila noong makita ang pagpasok ko.

Halos mapataas ang mga kilay ng mga babaeng magiging kaklase ko habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa. Habang ang mga lalaki ay nakatingin lang sa akin. I rolled my eyes.

"Introduce yourself" utos ng guro.

"Yuri Ice Davis" maikling pagpapakilala ko. Nakita ko ang pag-ikot ng mga mata ng kaklase ko at ang pagngisi ng mga kaklase kong lalaki.

Pinaghanap ako ng pwesto ng aming guro kaya kinuha ko ang bakanteng upuan sa likod na malapit sa bintana. Noong nakaupo na ako ay agad niyang pinagpatuloy ang pagtuturo.

Mabilis natapos ang klase ko sa umaga. Noong lunch break ay mag-isa lang akong kumain. Hindi naman ako palakaibigang tao. Magulo na ang buhay ko bakit ko pa dadagdagan ang sakit ng ulo ko?

Pagkatapos kong kumain ay naisipang kong libutin ang buong Crimson. Pagkatapos kasi ng lunch break ay meron pang akong isang oras na vacant. Saka sabi ni Lady Snow ang paglipat ko sa paaralang ito ay parte ng misyon ko. Hindi ko magagawa ng maayos ang misyon ko kung hindi ko kabisado ang lugar. Pumalpak na ako sa huling misyon ko at ayokong maulit iyon. Isa pa ang Mafia boss ang magbibigay sa akin ng misyon. Baka kapag pumalpak ako dito ay buhay ko ang kapalit. Hindi pa ako pwedeng mamatay.

Malawak ang Crimson High. Dahil isa itong prestihiyong paaralan ay maganda ang pagkakadisenyo nito. European Style ang mga building at maganda din ang landscape ng buong paaralan. Medyo malamig din dito dahil napapalibutan ang buong Crimson High ng mga puno.

Dare-daretso lang akong naglalakad habang pinagmamasdan ang buong paligid pero napahinto ako noong may nakitang pamilyar na lalaki. I gritted my teeth noong napagtatanto kong sino iyon. Madilim kagabi pero hindi ko makakalimutan ang pagmumukha ng lalaking iyon.

Mabilis ko siyang sinundan. Mukhang papunta ito sa Cafeteria ng paaralan. Mabilis ang lakad ko at hindi pinansin ang mga nabubunggo ko. Damn, sisiguraduhin kong babaliin ko ang lahat ng buto ng katawan niya dahil sa ginawa niya sa akin.

Lumiko ito sa isang pasilyo. Mabilis akong tumakbo doon kahit na mataas ang takong ng sapatos na suot ko. I don't know who is he pero masasabi kong isa siya sa mga taong kailangang mawala sa landas ko. Nakakapagtaka rin na alam niya ang tungkol sa mafia. Bagamat hawak ng mafia ang paaralang ito ay siniguro ni Lady Snow na hindi ito pakikialaman ng mafia.

"Fuck" malutong na mura ko pagkapasok ko sa pasilyong pinasukan noong lalaki. Walang ni isa mang tao doon. Sigurado akong dito siya pumasok at sigurado akong may sinusundan ako.

"Looking for me, sweetheart" nagtindigan ang mga balahibo ko noong narinig ang boses na iyon. Agad akong lumingon sa likod ko at nakita ko siyang nakatayo ilang metro ang layo sa akin.

Naiyukom ko ang mga kamao ko noong nakita siya. Nakangisi ito habang nakatingin sa akin. Dahil sa liwanag ay kitang-kita ko ang mukha niya. Walang emosyon ang mga itim na mata nito. Ang labi niyang gusto kong paduguin ay mapula. Strong jaws and pointed nose. Kung hindi lang dahil sa ginawa niya sa akin kagabi ay baka maniwala pa akong anghel siya. Damn, ano bang iniisip ko?

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kanya. Nakasuot ito ng uniform pero parang hindi kapani-paniwala na dito siya nag-aaral.

"Nag-aaral" sagot nito na para bang ang tanga ko dahil di ko alam iyon. Nag-aaral ba talaga siya dito o isa siyang espiya? Sa lakas na pinakita niya kagabi ay hindi na ako magtataka kung espiya nga ito.

"You look good at that uniform" sabi nito habang nakatingin sa binti kong nakalitaw dahil sa iksi ng paldang suot ko.

"Gago" nangigigil na sambit ko sa kanya. Dahil sa inis ko ay hindi ko na napigilan ang pagsugod ko sa kanya. Sinuntok ko siya pero walang kahirap-hirap nitong sinalo ang kamay ko at hinawakang mabuti para hindi na ako makasuntok pa. Damn this bastard.

Sinipa ko siya pero nagawa niya iyong sanggahin gamit ang paa niya.

"Sino ka ba?" naiinis kong tanong noong napagtanto kong wala akong laban sa kanya. Ngumisi siya sa akin.

"You don't really know me, huh?" mapaglarong tanong nito at inilapit ang kanyang mukha sa mukha ko. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Obviously, kaya nga tinatanong ko" pabalang na sagot ko. Mas lalong lumawak ang ngisi niya.

"Not now, sweetheart" mas nairita lang ako sa sinabi niya kaya sinubukan kong magpumiglas pero wala ring saysay.

"Bakit ba hindi ka na lang magpakilala? Ano bang mahirap sa pagsasabi ng pangalan" naiinis kong sambit sa kanya habang siya ay mukhang tuwang-tuwa sa mga pinagsasasabi ko. Isang pagkakataon lang talaga ang ibigay nila sa akin ibabaon ko talaga siya sa lupa.

"If you will know name, hindi na masaya" inirapan ko siya. Anong tingin niya sa pangalan niya? Suprise? Saka ano bang nakakatuwa sa kalokohang ito?

Bigla namang nagseryoso ang mukha nito kaya tumaas ang kilay ko.

"Nakakapagtaka na hindi mo ako kilala" kumunot ang noo ko.

"Sino ka ba?" seryosong tanong ko sa kanya.

"Sino nga ba ako?" balik tanong niya. Seryoso paikot-ikot lang ang usapan namin. And for pete sakes pangalan niya lang ang pinag-uusapan namin pero para kaming nagdedebate sa isang bagay na walang sagot. Gaano ba kaimportante ang pangalan niya?

Bumalik ang ngisi sa labi niya.

"You will know soon, sweetheart but for now..." linapit niya ang mukha niya sa akin.

"Goodbye for now" mahina niya akong sinipa pero sapat na para matumba ako. Pagkatumba ko ay mabilis siyang tumakbo palayo.

Noong matauhan ako ay agad akong tumayo at saka siya hinabol. Namumuro na sa akin ang lalaking iyon. Talagang lagot siya sa akin kapag nagkaroon ako ng pagkakataon.

Paglabas ko ng pasilyo, tulad ng nangyari kagabi, wala na siya. Fuck, fuck him kung sino man siya.

Protecting The Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon