Chapter Eleven
"Aray"
Pagkamulat pa lang ng mata ko ay iyan na ang aking sinasabi. Nagising ako dahil sa pagkirot ng aking mga sugat sa balikat at binti. Ilang araw ko kayang iindahin ang mga sugat na ito?
"You okay?" napalingon ako sa gilid ng kama ko. Nakaupo si Frost sa upuan sa gilid ng aking kama habang may hawak na isang tasang sa tingin ko ay kape. Buti nandito pa ang lalaking ito?
"Kasalanan mo talaga kung bakit ako nandito" walang ganang sabi ko sa kanya. Buti pa siya ay pakape-kape na lang habang ako ay hindi ko alam ang gagawin para lang maalis ang sakit na nararamdaman.
He rolled his eyes.
"Sino bang tanga ang tumayo kagabi at naglakad?" sarkastikong tanong nito. I rolled my eyes.
"Kung hindi naman dahil sa'yo hindi ako tatayo. Trabaho ko ang protektahan ka at kung may mangyaring masama sa'yo ay ako ang malilintikan?" inis na sabi ko sa kanya.
"Sa tingin mo kaya mo akong protektahan sa kalagayan mong 'yan?" galit na sabi nito. Talagang pagkagising na pagkagising ko kailangan mag-away kami?
"Nakita mo ba ang itsura mo kahapon? Halos gumapang ka na lang dahil hindi ka makatayo" dagdag pa nito.
"Trabaho ko ang protektahan ka kahit anumang kalagayan ko" halos pasigaw na sabi ko. Hindi ako makasigaw ng todo dahil kumikirot ang sugat ko. Pabagsak niyang inilapag ang tasang may lamang kape sa mesang malapit sa kanya.
"Fúck that" inis na sigaw nito at ginulo ang kanyang buhok. Nababaliw na yata ang lalaking ito.
Hindi ko na naintindihan ang mga pinagsasabi niya sa akin kagabi dahil hinila na ako ng antok. Muli kong naalala ang nangyari kagabi. Damn, hindi nga pala siya pwedeng manatili ngayon dito.
"Sa tingin ko ay kailangan mo ng bumalik sa mansyon niyo" mahinanong sabi ko. Umangat ang tingin nito sa akin at tinignan ako ng may pagtataka sa kanyang mata.
"Alam ng mga kalaban natin na nandito ka sa ospital. Hindi ligtas ang lugar na ito para sa'yo. Kapag nagkagulo dito ay hindi kita magagawang protektahan dahil sa kondisyon ko" tumaas ang kanyang kilay sa mga sinabi ko.
"Akala ko ba trabaho mong protektahan ako kahit ano mang kalagayan mo?" nakangising sabi nito. Inirapan ko siya. Ang hirap talagang kausap ng lalaking ito. Ang tigas ng ulo.
"Trabaho ko 'yun at trabaho ko ring ilagay ka sa mas ligtas na lugar. At sa ngayon ay mas ligtas kung uuwi ka sa mansyon niyo" iritadong pagpapaliwanag ko sa kanya.Hindi namin alam kung kailan aatake ang mga kalaban at mas lalong hindi namin alam kung sino sila. Sumandal ito sa upuan at humalukipkip saka tumingin sa labas ng bintana dito sa aking kwarto.
"Kung hindi mo trabahong protektahan ako paalisin mo pa rin ba ako?" seryosong tanong nito na ikinakunot ng aking noo. Bakit napunta diyan ang usapan namin.
"Hindi ko alam. Kasi kung hindi ko trabahong protektahan ka hindi kita kilala" pagpapakatotoo ko. Kilala ko siya sa pangalan pero hindi sa mukha. Masama niya akong tinignan.
"Reaper ka ba talaga namin?" nakasimangot na tanong nito. I rolled my eyes.
Pareho kaming napatingin noong biglang bumukas ang pinto at iniluwa noon ang isang babae na sa tingin ko ay mas bata ng kaonti kaysa sa akin. Sino naman ito? Imposibleng nurse ito dahil hindi naman ito naka-uniporme.
Tinignan ako nito bago napatingin kay Frost. Humalakipkip ito at ngumisi saka ibinalik ang tingin sa akin.
"I told you, Mom. Nandito si Kuya" sigaw nito sa kung sinumang taong nasa labas. Kumunot ang noo ko. Napatingin naman ako kay Frost na ngayon ay salubong na ang kilay habang nakatingin sa babae.
BINABASA MO ANG
Protecting The Mafia Boss
ActionI am a reaper and my mission is to protect the mafia boss.