Chapter Seven

279 19 7
                                    

Chapter Seven

Dahan-dahang bumukas ang malaking gate ng Lockhart Mansion. Ito ang unang beses na makakatapak ako sa Mansion ng mga Boss. Kahit kasi miyembro ka ng Lockhart Mafia hinding-hindi ka makakapasok agad kung walang pahintulot ng Mafia Boss. Lahat kasi ng mangangahas na pumasok sa Mansion ng walang pahintulot ay hindi na makakalabas ng buhay.

Isang malaking fountain na pinalilibutan ng iba't-ibang makukulay na bulaklak ang bumungad sa akin. Sa likod nito ay ang isang european style mansion. Iisipin mong nasa isa kang palasyo sa europa kapag nilibot mo ang tingin sa buong paligid. Sino ba ang mag-aakalang mga natutulog na halimaw ang nakatira sa lugar na ito?

Nakasimangot si Frost sa tapat ng pinto. Nakasuot ito ng puting t-shirt at itim na khaki short. Sa gilid nito ay mayroong tatlong box doon. Pinarada ko ang sasakyan sa tapat niya saka lumabas agad.

"Ang tagal mo" walang ganang sabi nito. Inirapan mo siya.

"Saan ka ba pupunta?" hindi siya sumagot. Binuhat niya yung tatlong box ng sabay-sabay saka pumunta sa likod ng kotse ko.

"Buksan mo ang compratment" kumunot ang noo ko.

"Bakit?" tanong ko. Saka anong laman ng tatlong box na yan?

"Buksan mo na lang. Nangangawit na ako" utos nito. I rolled my eyes bago binuksan ang compartment ng kotse ko. Nilagay niya doon ang tatlong box saka sinarado.

"Tara na" sabi nito at naglakad papunta sa pinto ng passenger seat saka ito binuksan. Wala sa sariling pumasok ako sa may driver seat. I-istart ko na sana ang kotse ko noong may napagtatanto ako.

"Yung kotse mo?" huwag mong sabihing gagawin niya pa akong driver?

"Tinatamad akong magdrive" sagot nito. Inirapan ko siya.

"Trabaho ko ang bantayan ka at hindi ipag-drive" iritadong sabi ko sa kanya.

"Huwag ka ng magreklamo diyan" tumingin ito sa kanyang relo.

"Ma-l-late na tayo" sabi nito. Padabog kong binuhay ang makina ng kotse ko at pinaharurot palabas ng mansyon.

Tinuro niya ang direksyon papunta sa destinasyon niya. Kumunot ang noo ko noong huminto kami sa isang orphanage.

"Anong ginagawa natin dito?" nalilitong tanong ko.

"Charity Work" sagot nito bago bumaba ng sasakyan ko. Wala sa sariling bumaba rin ako. Pumasok siya sa loob kaya sumunod din ako sa kanya.

"Kuya Laurent" sabay kaming napatingin ni Frost sa tumawag sa kanya. Isang batang maliit na sa tingin ko ay nasa apat o limang taong gulang na. Naglabasan din ang ilang bata at mga madre. Okay? Can someone please enlighten me?

Pinagkaguluhan ng mga bata si Frost habang ako ay nakatayo sa may gilid niya. Binuhat niya yung batang sumigaw kanina.

"Kanina ka pa nila hinihintay. Hindi mo ba kasama ang Inay mo at iyong mga kapatid?" tanong noong babaeng sa tingin ko ay nasa 50 ang edad.

"Hindi po. Mayroon pong inaasikaso si Mommy at yung mga kapatid ko ay busy sa school" hindi makapaniwalang tinignan ko si Frost. Ang galang kasi boses nito.

"May kasama ka pala" napatingin ulit ako doon sa matandang babae. Nakangiti ito sa akin. Napatingin din si Frost sa akin at pati na rin ang mga bata.

"Kasintahan mo ba, Frost?" pinigilan ko ang sarili kong iripan siya. Mukha ba akong papatol diyan.

"Hindi po. Ako po si Ice" pagpapakilala ko sa sarili ko.

"Ganoon ba? Akala ko girlfriend ka ni Frost. Ako nga pala si Sister Calla" pagpapakilala nito. Nagulat naman kami noong biglang umiyak yung batang buhat ni Frost.

Protecting The Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon