Chapter Six
"Yuri!"
What the fúck? Agad akong napabangon dahil sa sigaw na iyon. Tumambad sa akin ang isang babaeng may kulay asul na buhok at ngiting-ngiti habang nakatingin sa akin. Inirapan ko siya.
"What the hell, Ezra!" sigaw ko sa kanya. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang aking kamay.
"Good Morning din, mahal na prinsesa" inirapan ko siya. Anong ginagawa ng babaeng ito ng ganitong kaaga sa pamamahay ko?
"What are you doing here?" tanong ko sa kanya. Ngumisi ito sa akin.
"Ako dapat ang nagtatanong niyan" kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Tatanong niya kung anong ginagawa ko sa apartment ko?
"What?" I asked and she rolled her eyes.
"Anong ginagawa ni Sir Frost dito?" mas lalo lang atang kumunot ang noo ko. Anong ginagawa ni Frost dito?
Agad kong namura ang aking sarili dahil sa naalala. Hinatid niya ako kagabi? Pero nadatnan siya ni Ezra ngayong umaga. Huwag mong sabihing dito siya natulog. Damn. Anong nangyari?
"Ano naka-homerun ba?" naguluhan naman ako sa kanyang tanong. Home run?
"What the hell are you talking about?" tanong ko sa kanya. Tumaas naman ang kilay nito.
"Huwag mong sabihing hanggang third base lang?" taas kilay na tanong nito. Ano bang pinagsasasabi ng babaeng ito? Alam kong malakas ang tama ng kaibigan ko pero mas lalo lang atang lumalala ngayon. Are we talking about baseball?
"Hindi kita maintindihan" walang gana kong sabi sa kanya. Napangiwi naman ito sa sinabi ko.
"Nag-sex kayo?" daretsong tanong nito. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Shit. Nasisiraan na nga ng bait ang babaeng ito.
"Titania Ezra!" may diin kong tawag sa pangalan niya.
"Ilang buwan lang akong nawala hindi na kita makausap ng maayos. Or baka naman hindi ka pa nakakarecover sa ginawa niyong himala ni Sir Frost kagabi? Masyado bang masarap?" hindi na ako nakatiis. Binato ko siya ng unang bagay na mahawakan ko. Pero parang wala lang sa kanya na sinalo iyon.
"Huwag mong sabihing walang nangyari sa inyo? Si Sir Frost pa. Basta lumabas 'yun sa kwarto ng isang babae ibig sabihin naka-homerun na siya" inirapan ko siya sa mga pinagsasasabi niya. Alam kong walang nangyari. Magigising naman siguro ako kung pagsasamantalahan ako ni Frost diba? Saka subukan niya lang baka makalimutan kong tagapagmana siya ng Lockhart Mafia.
"Walang nangyari sa amin kaya huwag kang mag-conclude" sabi ko sa kanya.
"Talaga?" dudang tanong nito.
"Duh. Wag ako, Yuri Ice. Wag ako" mataray na sabi nito.
"Wala nga" iritado kong sabi. Tumaas ang kanyang kilay.
"Hindi mo ako maloloko. Alangan namang nagjack en poy kayo buong magdamag or naglaro ng chain reaction. Duh. Si Laurent Frost Lockhart yun" sabi nito na para bang ang tanga-tanga ko at hindi ko alam iyon.
Tumayo na ako at hindi na lang siya pinansin. Walang mangyayari sa buhay ko kung makikipag-usap ako sa kanya. Pumasok na ako sa banyo at nagsimula ng ayusin ang sarili ko. Si Ezra ang nag-iisa kong kaibigan. Anak siya ni Sir Red. Ilang buwan din siyang nawala dahil sa misyon nila ni Marcus sa Italy.
Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Napabuntong hininga ako noong naalala ang nangyari kagabi. Masyado akong naging mahina kagabi. Nagpadala na naman ako sa mga alaalang iyon.
Paglabas ko sa banyo ay wala na si Ezra. Nagbihis ako ng pambahay. Sabado ngayon at walang pasok. Sa pagkakaalam ko hindi pinapalabas ng bahay si Frost tuwing weekends dahil na rin sa banta sa kanyang buhay. Pero sa tingin ko ay tumatakas lang siya.
BINABASA MO ANG
Protecting The Mafia Boss
ActionI am a reaper and my mission is to protect the mafia boss.