"Stella!" Ang sigaw ng stepmother ko. Na nasa karinderya namin.
"Po?" Ang magalang kong tugon dito.
"Umayos ka at may mapapsukan ka nang paaralan!" ang sabi nito na labis na ikinatuwa ko. Makakapagaral na ako! Gradeschool lang ang napagtapos ko kaya highschool na ako.
Ako nga pala si Stella De Guzman isang orphan. Orphan dahil patay na ang both parents ko. Naiwan naman ako sa stepmom ko. Stepmom ko nga siya pero hindi naman sila legal ni papa. Hindi kasi sila nakasal. May karamdaman ako sa pag-iisip, ang sabi ng psychiatrist ko ay Dual Personality daw ang tawag sa karamdaman kong ito. Lumalabas lamang ito sa tuwing nasasaktan ako o kaya'y paminsan minsan ay kahit hindi kaya't kusa nalang itong nagpapakita. Ang tawag ng stepmom ko sa akin minsan ay halimaw kasi nga sa personalidad kong ito. Pero nakasanayan ko na din ito.
"Talaga po?" Ang di makapaniwalang tanong ko. Tumango ito. Pero ngayon ko lang nakitang ganito kasaya si tita promise! Kasi sobrang higpit niyan sa akin. Walang araw na hindi ako sinasabunutan. O kaya'y binubugbog kaya kung minsan ay pinapakalma ko ang sarili ko para hindi ako magtransform. Sila pa ang mapahamak. Kahit papano malaki din ang utang na loob ko sa kanya. Siya kasi ang nag-alaga sa akin simula pa nang nawala si papa. Kahit na hindi naman matatawag na pag-aalaga ang ginagawa sa akin.
"Doon na kayo mag-aaral ni Aki." nawala naman ang ngiti sa labi ko nang marinig ko ang pangalan ng lalakeng kinamumuhian ko na anak ni Tita(stepmom). Palagi niya akong binubugbog niyan. Kahit magkaedad palang kami.
"Iprepare mo na ang mga gamit mo at pagsabihan mo na din si Aki at para makaenroll na kayo." Napakunot ang noo ko.
"Gamit po?" Ang paglilinaw ko.
"Oo doon na daw kayo magii-stay. May mga dorms doon." ang masayang sambit nito. Ngumiti nalang ako ng mapakla saka ako nagtungo sa kwarto ng lalakeng baliw.
"Hoy! Sabi ng mama mo mag-ayos ka na daw ng mga gamit mo at mageenroll tayo sa isang eskwelahan. Doon na daw tayo magdodorm." Ang sabi ko kasabay ng pagkatok ko sa pinto niya.
Bigla naman itong bumukas at saka tumambad sa akin ang topless na itsura niya. Well sanay na ako diyan kaya di na ako napapapikit.
"Pakisabi kay mama ayoko."
"Hindi ako messenger okay? Ikaw na mismo magsabi basta ako mag-aaral ako." Ang sabi ko saka ako nagpunta sa kwarto ko.
Narinig ko pa ang mga reklamo ni Aki sa mama niya pero natawa nalang ako.
"Sana nga di kana makasama para di na ako maghirap." Ang bulong ko sa sarili ko.
~~~~
Pagkatapos kong magimpake at maligo ay lumabas na ako. Nadatnan ko sa baba ang Aki na nakahawak na rin ng trolly. Napangiwi nalang ako. 'So sasama pala siya' ang sabi ko sa isip isip ko.
"Tara na." Ang malamig niyang untag kaya sinundan ko na siya palabas.
Nasa loob kami ng isang KARWAHE?? Eh ito ang sumundo sa amin eh. Dinala ba naman kami sa kakahuyan? Saan ang school dito?
"Huy! Saan ba tayo dadalhin?" Ang tanong ng katabi ko.
"Aba malay ko?" Ang masungit kong turan.
"Aba masungit ka na ah! Ano kaya kung batukan kita ngayon?" Ang galit nitong sambit saka aakmang babatukan sana ako nang tumigil ang karwahe.
"Andito na po tayo ma'am, sir." Ang magalang na sambit ng matandang kutsero namin. Nakakakilabot naman ang itsura ng matanda. Nakangisi kasi ito sa akin Type ba niya ako?
BINABASA MO ANG
KINGDOM HIGH
Mystery / ThrillerHIGHEST RANK REACHED #49 in #wattpadphilippines The rule is: "Don't Break The Golden Rule." Don't freak out it's just me, Stella.