Chapter 35 - The thing I'm most scared of
Third Person's P.O.V
Kinagabihan ay nagsimulang magsilabasan ang mga gustong pumatay...
Samantalang sila Tiffany, Aki, Daniel at Arnel ay nanatili sa dorm ni Stella.. Kelangan nilang bantayan siya dahil di nila alam kung kelan na naman ito lalabas at magsisimula ng di kanais nais na gawain..
Nagluluto si Aki ng makakaing kanin habang si Daniel naman sa ulam.. Nanatili si Tiffany at Arnel sa sala habang inaayos nila ang mga armas nila..
Habang nag-aayos si Arnel ay di niya maiwasang mapatingin kay Tiffany, dahil nagmistulang estatwa ang kanyang mga mata na nakatitig lang sa macheteng kanyang pinupunsan..
"Tiffany.. Okay ka lang?" Tanong ni Arnel kay Tiffany na nagpabalik ng kanyang ulirat.
"Huh? Uh-- oo naman.. Ikaw? Tanong na pabalik ni Tiffany kay Arnel..
"Okay na okay.. Tiffany, kahit wala na si Brittney alalahanin mo lang na nandito pa kaming mga kaibigan mo huh?" Ang payo ni Arnel na agad namang tinanguan ni Tiffany..
Napalingon si Aki kay Tiffany at napabuntong hininga siya.. "Do you think she'll be alright?" Tanong niya kay Daniel..
Napatingin sakanya si Daniel at sinundan nito ang tingin kay Tiffany pero binalik din niya ito kay Aki.. "Why do you ask?" He asked.
"She's been like that for hours!" Ang sabi ni Aki saka siya napahawak sa sentido niya.
Agad namang kinuha ni Daniel ang kanyang prinipritong tilapia sa palayok at nilagay ito sa pinggan.. "She'll be alright.. As long as you're there for her." Ang sabi ni Daniel..
Agad namang napalingon si Aki sakanya.. Pero binalik din ni Aki ang tingin kay Tiffany.. Napabuntong hininga naman si Daniel saka niya nilagay uli ang isa pang isda sa palayok upang i-prito..
Habang busy ang apat sa labas ay nanatili namang nakatulala si Drisella sa bukas na bintana.. Nakapikit siya at pinapakinggan ang ingay ng paligid na kanyang tinatamasa.. Ang mga sigaw ng mga estudyanteng pinapatay at ng mga estudyanteng pumapatay..
Napadilat siya ng mata nang makirinig siya ng nabaling tangkay at agad siyang lumayo sa bintana.. Laking gulat niya nang makakita siya ng isang lalake sa bintana.. "Stella.. It's me.. Hover.." Ang sabi nito..
Agad namang napangiti si Drisella dahil namumukhaan niya ang binata.. Ang binatang pumatay sa kanyang sariling kapatid.. "Oh? Hover.. Kamusta na?" Drisella asked.
"Oks na oks naman.. Bakit dika lumabas at mag-enjoy tayo sa Hell Night?" Ang pagyaya niya kay Drisella..
Napangiti ng mas malawak si Drisella dahil sa narinig.. Lingid sa kaalaman ni Hover ang babaeng kaharap niya ngayon ay iba sa nakilala niyang babae noon.
"Sorry.. Di ako pwede kasi may mga bantay ako sa labas eh.." Pagrarason nito.
BINABASA MO ANG
KINGDOM HIGH
Mystery / ThrillerHIGHEST RANK REACHED #49 in #wattpadphilippines The rule is: "Don't Break The Golden Rule." Don't freak out it's just me, Stella.