Chapter 3 - NEWS
Stella P.O.V
"Hoy! Halimaw! May pasok pa tayo!" Napabalikwas ako sa higaan ko sa narinig ko kay Aki.
"Anong oras na?" Agad kong tanong.
"Aba! Hindi ako orasan no? Tingnan mo kaya ang orasan mo." Ang sabi nito na ikinainis ko lalo. Tinignan ko ang cellphone kong walang signal.
Napatayo ako bigla. "7:30am na!? Bakit late mo ako ginising?" Ang sabi ko dito. Saka ko kinuha ang twalya ko at dumeretsyo sa banyo.
Kasalukuyan akong naliligo nang magsalita si Aki. "Alam mo bang putik putik ang paa mo kanina? Saan ka ba nagpupunta?" Ang sabi nito.
Umiling nalang ako at wala akong balak sagutin siya. Wala akong alam sa pinagsasabi niya.
"Kinawawa mo pa akong linisin ang dorm at ang paa mo." Dagdag pa niya. Pero di ako nagpatinag diko talaga alam ang pinagsasabi niya.
Matapos akong maligo ay agad akong nagbihis.
"Breakfast ka muna." ang sabi ni Aki habang nakapihit sa pintuan ko.
"Wag na malelate na tayo." Ang sabi ko dito.
"Okay sabi mo eh." Ang sabi niya saka lumabas.
"Ano ba Aki! Ang tagal mo ah! Kanina ikaw ang nagpapamadali ngayon ikaw naman ang mabagal maglakad. Nanloloko ka ba?" Ang inis na untag ko dito.
"Ang bilis mo maglakad. Mas malaki pa biyas ko sa'yo pero ang bilis mo talaga maglakad." Aniya. Pinaikutan ko nalang siya ng mata.
As if naman makikita niya.
Pagkarating namin sa building kumunot ang noo ko nang makita ko ang mga nagkukumpulang mga estudyante sa daanan.
"Excuse me po! Excuse me!" Ang sabi ko dito habang pilit na isinisiksik ang katawan ko sa mga tao. Kelangan kong makapasok ng room ng hindi late.
Naku! Kawawa naman.
Sino kayang nakapatay.
Napatay niya si Jean..
Oo nga ang Campus Queen at Campus secretary.
Akala ko magaling siyang makipagpatayan pero bakit siya namatay?
Rinig kong mga bulung bulongan ng mga estudyante. Na-curious naman ako kaya agad akong nag-iba ng direksyon ng nilalakad. Gusto ko rin makita.
"Oy! Halimaw! Saan ka pupunta?" Ang tanong ni Aki na nakasunod lang pala sa akin.
Tinuro ko naman ang pinalilibutan nila.
Pagkarating ko sa harap laking gulat ko nalang nang makita ang babaeng nanampal sa akin kahapon. Biglang kumabog ang dibdib ko dahil sa nakita ko. Siya? Siya ang Campus Queen? At Secretary? Bigla akong kinabahan ng hindi ko alam kung ano ang dahilan.
"Miss. Sino daw ang nakapatay sakanya?" Ang tanong ni Aki sa isang babae.
"Hindi namin alam eh. Basta matapos ang HELL NIGHT nakita nalang ng mga estudyante ang walang buhay na katawan ni Jean." Ang sagot nito.
Nanginig ako nang makita ko ang ikinamatay nito. Isang malaking hiwa sa leeg vertically. Namumula pa ang leeg niya na parang sinakal. Di ko alam pero nakaramdam ako ng awa kahit na masama ang pinakita niya sa akin nang una kaming nagkakilala ay naaawa parin ako sakanya.
"Announcement students." Napatingala ako sa nagsalita. "Please gather inside the gymnassium and we will make announcements and news. Please be guided. Good day." Ang sabi sa speaker.
BINABASA MO ANG
KINGDOM HIGH
Misteri / ThrillerHIGHEST RANK REACHED #49 in #wattpadphilippines The rule is: "Don't Break The Golden Rule." Don't freak out it's just me, Stella.