Chapter 9

299 16 23
                                    

Chapter 9 - Other Side Part 2

Aki P.O.V

"Stella!" Sigaw ko pero di ko magawang makatayo sa sobrang lakas ng pagkakasuntok niya sa sikmura ko.

Hindi ko siya makilala sa mga akto niya ngayon. Pero nakakasiguro akong magdudulot ito ng delubyo sa buhay niya at sa mga buhay ng mga estudyante. 

Nakakamangha pero nakakatakot pagmasdan si Stella na siya mismo ang pumapatay. Ang babaeng kilala ko na hindi kayang pumatay kahit isang lamok ay kayang pumatay ngayon.. Hindi ko na siya lubos na kilala ngayon o hindi ko lang talaga siya lubos na kilala.


Bakit? Bakit ngayon? Ngayon niya pinapamalas ang mga ito? 


Sinubukan ko paring tumayo pero sadyang di ko talaga kaya at sobrang sakit parin ng sikmura ko. Lahat ng mga nakakasalubong ni Stella ay napapatumba niya. Di ko alam pero nakaramdam ako ng kilabot sa kanya. Dapat ba talaga siyang kakilabutan? 


"Stella tama na yan!" Ang rinig kong sigaw napalingon ako at si nakita ko si Britteny. 


"Stella!" Ang sigaw pa nito pero walang tigil si Stella sa pagpaslang.


Halos maubos na niya ang GOD WARRIORS at THORN na gang ng Kingdom High na siyang umaatake sakanya. Kahit na mga eksperto na sa pagpatay ang mga gang na ito ay di parin nila magawang masugatan si Stella.


"Stella!" Napalingon ako sa sumigaw at isang lalakeng nakamask ng pula. Kung hindi ako nagkakamali isa siya sa HELLSING na nangunguna sa gang. Tumatakbo siya mula sa likod ni Stella kaya di siya nakikita.

Anong balak niya?


OH NO!


Pinilit ko na talagang bumangon at nagsimula ng tumakbo para pigilan ang lalake pero sadyang bumabagal ako dahil sa sakit ng sikmura ko. At nakita kong kumuha ng kahoy ang nakamask at pinukpok sa ulo ni Stella kaya natigil siya sa ginagawa niya at natumba. 


"STEEEELLAAA!" Sigaw ko at tinakbo ko na ang sarili kong nakayuko dahil iniinda ko parina ng sakit ng sikmura ko. Pero nang papalapit na ako ay bigla akong natigilan sa sinabi ng nakapulang maskara.


"Dalhin mo na siya sa dorm niyo." Ang sabi nito saka umalis at siya din namang dating ng mga HELLSING members at nagpatuloy sa labanan.


"Stella." Ang sabi ko saka ko hinawakan ang ulo niya at hinarap sa akin. Pero napaluha nalang ako dahil sa nakita kong mga dugo sa ulo nito. Papaano kung mamatay si Stella dahil sa kagagawan ng lalakeng yun! Sino ba siya?


Agad kong binuhat ang kalunos lunos na katawan ni Stella tungo sa dorm. Binuhat ko siyang bridal style at kitang kita ko ang mukha niyang pawisan at ang damit at kamay niyang duguan dahil siguro sa pakikipagpatayan nito.


~*~


Stella P.O.V

"Stella! Stop it!"  di ko alam pero di ko maigalaw ang katawan ko sa mga sandaling ito. Naririnig ko ang ilan na tinatawag ang pangalan ko pero di ko magawang lumingon. Basta namumuo ang galit sa kalooban ko. Ang mga nakadilaw lang talaga ng maskara ang papatayin ko pero dahil sa nakikiramay ang mga naka blue ay isinama ko nalang sila. Tutal mga salbahe din sila.

KINGDOM HIGHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon