Chapter 23

229 15 9
                                    

Chapter 23 - Chaos

Brittney P.O.V


"Tiffany.. Come on.. Umuwi ka muna ako muna ang magbabantay kay Stella." Ang sabi ko sa kapatid kong nakatulog sa upuan at nakapatong ang ulo't kamay sa higaan ni Stella.


Nagising naman siya at tumingin sa akin.


"Ate.." Aniya. Hinaplos ko naman ang ulo niya.


"Come on. Wag mong pabayaan ang sarili mo." Tumango naman siya at saka umalis pero nagsalita pa siya.


"Guard her well Ate." Aniya tumango nalang ako saka siya umalis.


Pinagmasdan ko ang mukha ni Stella. Medyo maitim parin ang labi nito na may pagkaputla at nangitim din ang palibot ng kanyang mga mata. Naaawa ako sakanya dahil sa sinapit niya. Kabago bago palamang niya sa eskwelahang ito ganito na ang dinanas niya. Hindi ko maiwasang maluha. Nag-iwas nalang ako ng tingin. Saka ako bumuntong hininga.


"I'm sorry Stella.." Ang tanging bulalas ko saka ko hinawakan ang oxygen tube niya.

~*~

Aki P.O.V


Nandito ako ngayon sa classroom dahil balik sa dating gawi ang mga estudyante. Matapos ang foundation day ay ganito na agad. Hindi ba nakaka-annoy? Napalumbaba nalang ako sa arm chair ko habang nakatingin ako sa labas ng bintana. Nakita ko naman ang mga ibong lumilipad sa langit.


"Kelan kaya kami magiging malaya?" Ang tanong ko sa sarili ko.


Nakakainggit ang mga ibon sa langit. Parang sila ang superior kesa sa amin ah? Nakakainis lang? Parang kami ang mga prey at sila ang predators. Bwisit naman kasi oh?


"Mr. Santillan are you still with me?" Napapitlag nalang ako sa kinauupuan ko nang tawagin ang atensyon ko ng aming guro.


"M-ma'am? Y-yes ma'am!" Ang sabi ko. Kahit hindi!


"Okay if in that case, can you repeat all what I have been telling the whole class about?" Ang tanong niya.


"Uh-- Ma'am.. Eh-- If I'm still with you ma'am?"


Biglang natawa ang buong klase at saka natawa naman si ma'am pero parang pigil. Natawa narin ako out of embarrassment. Ugh! Nakakahiya!


"See? Mr. Santillan?.. It seems like your head is out of the world we are now." Aniya between laughs.


"Hehehe. Sorry ma'am." At uupo na sana ako nang biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni ma'am Fabias.


"Get out." Ang walang emosyon niyang turan.


Napayuko nalang ako saka ko kinuha ang bag ko palabas.


Tanga tanga mo kasi Aki.

KINGDOM HIGHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon