Chapter 44

219 10 0
                                    

Author's Note: 

Okay! This is a long yet so important UD for this story. More mysteries, more thrill, more tears, more sobs. Guys! Sorry in advance haha. Basta para malaman niyo kung bakit, VOTE before READING. I love you guys! Till the end sinupportahan ninyo ito! May forever na po! Hahaha! Sobra akong nasiyahan sa support ninyo(although di kayo masyado nagVOVOTE! :D ). Sobra din akong natotouch sa mga trashtalks ninyo haha! Sa tuwing may mga mangyayareng masama sa bida, haha. Pero dito sa story na to, napapansin ninyo may mga tauhan na nawawala? HIHI! That's another mystery! So READ GUYS! LAVYA!


Chapter 44 - The reason why I loved you

Deanna P.O.V

"Bantayan niyo dito. Wag niyo hahayaang may makapasok dito. Hintayin niyong matapos nilang buksan ang pinto." ang sabi ko sa dalawa kong guwardiya.


Agad naman silang tumango at tumayo na sa pintuan na pinasukan namin kanina. Inumpisahan naman ng buksan ng dalawa ko pang guwardiya ang pinto na sobrang tagal ng hindi nabubuksan.


Ang pintuang matagal ko ng hindi pinapasok dahil sa mga ala-alang ayaw kong balikbalikan pa. Pinagmamasdan ko silang sirain ang isang padlock na kinakalawang na pero sobrang tatag parin nito. Matagal ng wala ang susi nito dahil sa hindi inaasahang pangyayare.



-----------------------------------------

FLASHBACK 30 YEARS AGO

-----------------------------------------


"Dad?" Tanong ko nang makita kong umiiyak si daddy na hawak ang susi. Di ko alam kung anong susi iyon pero paulit ulit ko ng nakikita na hawak niya.


"Anak. Kahit anong mangyare mahal na mahal ka ni daddy ha?" Sabay haplos niya sa ulo ko.



Hindi ko alam pero nakaramdam na ako ng takot sa mga binibitawang salita ni daddy. Napahawak ako ng mahigpit kay Teddy na yakap yakap ko.



"Anak. Wag na wag mong gagayahin si daddy ha? Magpakabait ka." Ang sabi niya sabay sukbit niya ng ilang strands ng buhok ko sa tenga ko.


"Magkikita din tayo anak. Promise mo kay daddy na strong ka lagi ha?" Ang sabi niya na tinanguan ko.


"Dad. Where are you going?" I asked. Gusto ko ng malaman kung saan siya pupunta.


"Anak. Magkikita rin tayo doon." ang huling sabi ni dad bago niya binuksan ang pinto na nasa harapan namin.


"Boy. Ilock mo ang pinto matapos akong makapasok. At wag mong papabayaan ang anak ko ha?" Ang sabi ni dad kay Boyong na katiwala ni daddy na nasa tabi ko.


"Opo doc." Ang naluluhang sabi niya.


KINGDOM HIGHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon