Chapter 8

295 14 7
                                    

Chapter 8 - My Other Side

Stella P.O.V

Hindi ko parin maiwaglit sa isipan ko ang sinabi sa akin ni Daniel. Na ako ang pumaslang sa mga clown gang. Sobrang nagtataka ako sa mga oras na yon. Pero kilala ko kung sino ang may kayang gumawa nito. Walang iba kundi...


My other side.


Kasalukuyan ang hell night at nandito lang ako sa kwarto ko. Si Aki, ayun lumabas na naman. Curious parin ako sa background ng school na to. Kung bakit puro patayan ang nandirito. Pero may kelangan muna akong kausapin.


Agad akong tumayo sa pagkakahiga ko at pumunta ng CR. Humarap ako kaagad sa salamin..


"Alam kong ikaw ang may gawa non." Ang sabi ko sa repleksyon ko.


Pero walang sumasagot. "Ano ba! Hindi ako tanga! Hindi ako tanga Drisella!" Oo drisella ang pangalan ng pangalawang pagkatao ko. Bigla akong nakarinig ng halakhak kaya nangilabot ako. Nagpatay sindi ang ilaw at napahawak ako sa lababo. Inilibot ko ang paningin ko dahil natatakot ako. 


Pero nang binalik ko ang atensyon ko sa salamin ay nakita ko na itong masama ang tingin sa akin at nakangisi. Sa una'y natakot ako at nangilabot kaya napahakbang ako palikod samantalang ang repleksyon ko ay nanatiling nakatitig sa akin ng masama..


"B-bakit? Bakit mo ginawa yun?" Ang tanong ko sakanya.


Tumawa naman siya ng parang demonyo. Saka ako tinaasan ng kilay. "Hindi ka ba magpapasalamat? At dahil sa akin naligtas ka. Ganyan ka pala magpasalamat kapatid." Aniya.


"Hindi mo ako kapatid." saka ako huminga ng malalim. "At hindi ko kinekelangan ng tulong mo!" Ang pagsisinungaling ko dito. Pero tumawa lang siya.


Nakakairita na siya ha! Tawa ng tawa! Anong nakakatawa? 

"Talaga? Di mo kailangan ang tulong ko? Eh kung hindi na ako lumabas eh di lasog lasog na rin sana ang katawan mo? Tanga ka ba? Alam mo na ngang mahina ka.. Mahina ka Stella... Kung gusto mong lumabas ng hell night. Mas gugustuhin mo pang lumabas ng handa sa akin kesa sa hindi. Gusto mo bang maglaho na ako ng tuluyan? Baka nakakalimutan mo? Ako lang tangi mong kaibigan simula pa noong bata." Ang sabi nito.


Oo totoo ang mga sinabi niya na kaibigan ko siya noong bata. Oo kinekelangan ko parin ng tulong niya(nagsinungaling ako kanina). Pero mali siya.


"Hindi ako mahina Drisella." Ang tangi kong sambit.


"Talaga? Patunayan mo." Ang sabi niya na halatang sarkastiko.


"Napatunayan ko na Drisella. Matagal na bago pa man tayo nakapasok sa eskwelahang ito. Simula pa lang nang nawala si mama." Pagkasabi ko ng mama ay biglang nawala ang ngiti niya sa labi. "At si papa. Naging matatag ako Drisella. Ako.. Ako mismo ang umakto sa lahat. Ang tumanggap ng pananakit nila tita at ni Aki. Ako lahat ang sumalo! Kahit kelan wala kang napatunayan kundi pagpatay lang!" Ang sabi ko dito.


"Nagkakamali ka Stella. Paumanhin kung nasaktan kita.. Paumanhin Stella. Pero hindi mababago ang paningin ko sa'yo." Sabay tumitig siya sa akin. Nagulat ako dahil punong puno ng lungkot ang mga mata nito. "Kapatid." Aniya saka namatay ang ilaw at saka sumindi ulit kaso wala na siya sa salamin.

KINGDOM HIGHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon