Chapter 43

174 9 0
                                    

Author's Note: Guys! Vote muna bago basa! :D Salamat! May munti akong mensahe sa pinaka ibaba ng chapter na ito hope you all read it.

-o0o-


Chapter 43 - SHE's back


Aki P.O.V

"Tiffany are you okay?" Tanong ko nang bigla siyang madapa.


"I'm okay. I'm fine!" sigaw niya saka siya tumayo at nag-unahan pa kami sa labasan ng laboratory and in just 2 mins we're already out.


Nang tinignan ko uli ang nilabasan namin ay nagsisimula na itong gumuho. Pero di ko alam pero may parang hinihintay akong makita na lumabas doon. Na parang gustong gusto kong makita.


"Aki." Napalingon ako kay Tiffany.



"Si Stella?" Ang tanong niya.



Bumalik ang kabog sa aking dibdib at agad kong ginala ang aking paningin sa mga taong nasa paligid namin. Nalungkot ang aking kalooban nang hindi ko matagpuan si Stella. Napailing akong tumingin kay Tiffany.



"Let's find her." Ang suhestyon niya na agad kong tinanguan.



Third Person's P.O.V


Walang tigil siyang tumatakbo kahit hingal na hingal na. Tinatahak ang gate ng eskuwelahan kasama ang kanyang mga guwardiya. Pero natigilan nalang sila nang may humarang na nakapulang maskara sa dinadaanan nila.


Nasindak ang mga guwadiya ni Head Mistress nang makita ang presensya ng lalakeng naka pulang maskara sa harapan nila at nang bahagya itong nag-angat ng tingin ay napahakbang palikod ang kanyang mga guwardiay. Nasisindak man si Head Mistress ay hindi niya ito pinakita sa kaharap niya.



"Scott, hanggang saan ba ang abot ng makakaya mo?" Ang natatawang sabi ni Deanna.



"Hanggang mamatay ka at bumalik ka na sa pinanggalingan mo." Ang sabi ni Scott sakanya.



Natawa naman ng bahagya si Deanna sa inasal ni Scott. "Kung gayon. Lalagutan na kita ng hininga. Tapusin niyo na yan." Ang utos niya sa mga kasama niyang guwardiya na mahigit isang batalyon ang dami.


Agad silang sumugod kay Scott at wala ng nagawa si Scott kundi ang lumaban. Nagkaroon naman si Deanna ng pagkakataon para makatakas kaya agad na siyang umalis doon kasama ang apat na guwardiya.



Sa kabilang dako, unti unti ng natutugis ang mga kalaban na nasa field kung saan nagsimula ang lahat. Ang mga horde na di kalauna'y iilan nalang ang mga buhay at mismong mga sundalo na ang mga tumutugis dito. Marami raming mga estudyante ang sugatan at pagod dahil sa karumaldumal na pangyayare. Di naman maipagkakaila ang mga bilang ng mga estudyanteng namatay dahil sa walang kalaban laban na lumaban parin para sa kanilang kaligtasan. Punong puno ng pagtangis ang mga estudyante sa field. Mga kaibigan, kapatid, kamag-anak ang mga napaslang. Kanina pa nagrepsonde ang mga medics pero kinukulang na sila sa kanilang mga gamot para sa nasugatan. Nagdusa, nasaktan, naglaban, namatay. Mga kondisyon ng mga taong naririto at pilit na ninanamnam ang hirap/pagkapanalo nila sa kalaban.

KINGDOM HIGHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon