Chapter 12 - Foundation Day
Stella P.O.V
Maaga palang gising na ako. Hindi ako makatulog sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Dahil siguro sa nangyare kahapon. Hindi parin kasi ako makaget over dun eh.
o dahil kasama ko ngayon si President?
Napalingon ako sa higaan ni President. Sobrang himbing ng tulog niya. Sobrang inosente ng pagmumukha niya. Napakaamo. Hindi mo aakalaing, nakakatakot siya dahil sa itsura niya ngayon. Pero... gulong gulo parin ako sa mga aksyon niya na pinapakita sa akin.
Muli akong tumalikod sakanya. Ayaw ko muna siyang titigan. Kahit ngayon lang. Please? P-pero di ko kaya. Sobrang tahimik. Nakakrindi. Napabuntong hininga ako.
"Ngayon lang naman Stella... Tulog naman siya eh hindi naman niya mapapansin." Ang sabi ko sa sarili ko. At saka ako dahan dahang humaharap kay president.
Pero paglingon ko... Nagulat ako nang wala na siya sa higaan niya. Tinanggal ko ang kumot ko at saka ako umupo sa tabi ng higaan ko at saka ko isinuot ang slippers ko. Sumilip ako sa higaan niya at nilibot ko ang paningin ko dito ay wala na nga talaga siya.
"Saan na ba nagpunta yun?" Ang tanong ko. Humarap ako sa higaan ko at laking gulat ko nalang nang makita ko siya sa harapan ko.
"P-pres-sident?" Ang nauutal kong turan kasi nga nasindak ako sa biglaan niyang pagsulpot sa likod ko.
Nakita kong nakatingin lang siya ng diretsyo at hindi sa akin. Parang kinurot ng puso ko ang nakita ko. Gusto ko siyang yakapin. Gusto ko siyang sigawan, pagalitan pero di ko magawa kasi takot ako.
Takot akong masaktan ko siya.
Napapaluha ako at napayuko ako. Nasasaktan na naman ako.
Pero nanginig ako nang naramdaman ko ang paghaplos niya sa braso ko. Napadilat ako at tumingala. Laking gulat ko nalang nang makita ko siyang nakatingin na sa akin at naluluha na rin.
"I was thinking of a best way to send you off Stella..." Aniya napakunot ako ng noo. "Best way to send you off without hurting you." Ang sabi niya. Napakagat ako sa lower lip ko dahil napapaiyak na naman ako. "But f*ck this Stella.. Kahit anong gawin ko I'm still hurting you." Nakita ko ang pagpatak ng luha mula sa mga mata niya. "And at the same time nasasaktan din ako." sabi niya at sunod sunod na ang pagpatak ng mga luha niya.
Napayuko ako at napaiyak na rin ako. "Tang-*n* mo President.. Hindi mo alam kung paano ako nagdusa at nasaktan sa tuwing dinedead ma mo ako.. Pahulog na ako sa'yo but iniwan mo lang ako sa ere and let me fall without anyone who will catch me. Napakasama mo!" Sabay suntok ko sa dibdib niya. Hinawakan naman niya ang braso ko.
"And you don't know how much I have suffer to make a such decision. Masakit para sa akin ang layuan ka. Cause you're to irresistible. Nasasaktan ako sa tuwing nakikita kitang nasasaktan sa pinaggagawa ko. And mas lalo pa akong nasasaktan sa tuwing nakikita kitang may kasamang iba." Ang sabi niya.
BINABASA MO ANG
KINGDOM HIGH
Mystery / ThrillerHIGHEST RANK REACHED #49 in #wattpadphilippines The rule is: "Don't Break The Golden Rule." Don't freak out it's just me, Stella.