Chapter 18

261 15 1
                                    

Chapter 18 - Secrets

Stella P.O.V

"Mommy?" Nakikita ko si mommy na may kahalikang ibang lalake sa kwarto nila ni daddy.. Napatakip nalang ako ng bunganga ko nang magsimula na silang maghubad.. Agad naman akong lumisan at nagtungo nalang sa kwarto..


"Si mommy? May ibang mahal?" Napakuyom nalang ako ng kamao ko.


"Stella! Nananaginip ka!?" Napamulat ako dahil sa sobrang lakas ng pagkakayugyog sa akin..


"A-aki?" Ang takang tanong ko.


"Oo.. Si Aki to.. Nakalabas na ako ng clinic.." Ang sabi nito..


"K-kamusta ka na?" Agad akong napabangon at hinarap siya.


"Okay naman.. heto naghihilom na rin ang sugat sa balakang ko at ulo.. At saka okay na rin ang mga pasa ko." Aniya.


"Ah-- Sinong naghatid sa'yo dito?"


"Si Tiffany... N-nasa kusina siya nagluluto." Lumaki ang mga mata ko sa sinabi niya?


"ANO?!"


"W-wag kang mag-alala wala naman siyang balak na masama eh.."


Napatayo ako.. "Hindi yun! Ang ibig kong sabihin.. ANO?! NAGDALA KA NG BISITA NA HINDI NAKAKAPAGLINIS NG DORM?!" Ang sigaw ko dito.


"Ano ba? Magkaharap lang tayo oh? Makasigaw naman to!" Aniya at lumabas nalang ako..


Nakita ko si Tiffany na nagluluto sa kusina.. At laking gulat ko nang nag-aapoy ang frying pan.. Namilog ang mga mata ko. "S-sunog!" Aniko at agad kong kinuha ang fire extinguisher sa sulok at tinanggal ang pin.. Lalapit na sana ako sa niluluto nang biglang sumingit si Tiffany..

"Wag! Di yan nasusunog! OA ka naman!" Aniya saka siya nagpunta doon at kinulog kulog ang niluluto niya sa frying pan..


"Ha?? Eh ano?" takang tanong ko.


"Haha.. Nilagyan ko kasi ito ng wine para malasa." Aniya. Kaya napakunot ang noo ko.


"Saan ka naman kumuha ng wine?" takang tanong ko.


"Sa dorm.. Kumuha ako ng maluluto kasi baka wala kayong stock sa dorm niyo which is true na wala nga.. Kasi wala ng laman ang ref niyo.." At ininsulto pa ang dorm namin ha? Ang galing..


"Ang bango naman yan Tiffany.." ang biglang singit ni Aki saka lumapit kay Tiff.. Agad namang pinalo ni Tiffany ang kanang balikat ni Aki..


"Ano ba? Sabi ko call me babe nalang eh.." Aniya at natawa nalang ako.. Kasi hindi lang sa sinabi ni Tiff kundi pati sa biglang pagpula ng mukha ni Aki.. Ang cute talaga nilang dalawa.

Matapos kaming kumain nila Aki at Tiff ay agad kaming naggayak at saka pumunta sa school.. Pero si Tiffany ay umuwi muna sa dorm nila at doon na nagpalit ng damit.

KINGDOM HIGHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon