Chapter 1

468 23 1
                                    

Chapter 1 - Chills

Stella P.O.V


"Class dismissed." Nagbalik nalang ako sa ulirat ko nang marinig ko ang dismissal ng teacher sa amin. So buong oras ng subject ay tulala ako?


Di parin kasi ako makapaniwalang nasa school of terror kami. Sobrang nakakawala ng ganang mag-aral kasi puro kaba ang nararamdaman ko. Sino ba kasing baliw ang papatay? Umiling iling nalang ako.


"Uy! Okay ka lang?" Ang biglang tanong sa akin ni Aki na katabi ko. Sobrang malas ko dahil magkaklase pa kami. Tumango nalang ako bilang tugon.


"Di kaba natatakot?" Ang tanong nito. Lumingon ako sakanya at kitang kita ko sa mga mata niya na takot na siya. Kanina kasi may pinarusahan ang isa pa naming teacher pinagpapalo niya ng stick hanggang sa dumugo ang kamay nito. Nakakatakot sila.


"Takot. Ikaw hindi ba?" ang tanong ko dito saka ko sinimulang ayusing ang gamit ko.


"H-hindi ah! Nagsabing takot ako." Ang sabi niya. Umiling iling nalang ako. Hanggang kelan ka magtatapangtapangan Aki kung ngayon palang halatang takot ka na.


"Tara sa canteen." Ang yaya ko dito. Agad namang tumayo at saka kami umalis.


"Uy! Kanina pa ako kwento ng kwento nakikinig ka ba?" Ang nagpabalik sa ulirat kong ingay ni Aki. Kahit kelan talaga napakadaldal ng lalakeng to. Daig pa ako...


"So-sorry." ang tanging sagot ko saka ako sumubo ng cake.


"Tsss. Never mind..." Aniya. 


Kanina ko pa napapansin na kanina pa tingin ng tingin sa amin ang mga estudyante. May muta ba ako sa mata? Anong problema nila? 


"Wala kabang napapansin?" Ang tanong ko kay Aki.


"Uy! Uy! Uy! Wag mo nga akong takutin ng ganyan." Aniya sabay higop niya sa coffee float niya.


"Kanina pa kasi nakatingin ang mga estudyante sa atin." Ang kinakabahang untag ko dito.


"Wag ka ngang praning! Sanayin mo na sarili mo. Dahil sa baguhan tayo talagang pagtitinginan tayo." Aniya sabay subo din ng cake.


"Ewan ko ba? Parang may masamang mangyayar--"


BLAAAAG!


Napatayo ako sa sobrang gulat nang may nagtapon ng malaking bato sa mesa namin. 


"TANG-INA! SINO MAY GAWA TO?" ang galit na sigaw ni Aki. Pilit kong pinapakalma ko ang sarili ko dahil parang may masamang mangyayare na hindi ko magugustuhan. Feel ko lalabas ang other side ko.


Biglang may lumapit na grupo sa amin. Binagsak ng nakapulang buhok ang dalawa niya kamay sa table namin na ikinapikit ko at hinawakan ko ang dibdib ko.

KINGDOM HIGHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon