Lara's POV
Kalalapag lang ng eroplanong sinakyan namin ni Nanay Sally. It's been 2 years. Dalawang taon akong nawala sa lugar na 'to. Dalawang taon na mula nang mawala sa akin ang pamilya ko. Pero hanggang ngayon andito pa rin ang sakit, sariwang-sariwa. Akala ko makakalimutan ko ito sa loob ng dalawang taon. Pero hindi, hindi man lang nabawasan ang sakit na nararamdaman ko, pati na rin ang galit sa mga taong iyon. Sa loob ng dalawang taon ay naging maayos naman ang pamumuhay namin ni Nanay Sally sa Canada. Madalas din kaming binibisita ng mga anak niya doon. Pinagpatuloy ko doon ang pag-aaral ko ng highschool. At ngayon, dito ko sa pilipinas ipagpapatuloy ang pag-aaral ko sa kolehiyo. Laking pasasalamat ko kay Nanay Sally dahil nandyan sa lagi sa tabi ko. Minsan kasi ay bigla-bigla nalang ako iiyak at nandyan siya para patahanin ako. Hindi ko rin minsan maintindihan ang sarili ko.
Pinaayos na ni Nanay Sally ang mga kailangan ko sa kolehiyo, at sa susunod na araw ay maaari na akong pumasok. Sana lang ay may maging kaibigan ako sa bago kong paaralan. Nung nasa canada kasi ako ay wala akong naging kaibigan ayaw nilang lumapit sa akin. Hindi ko alam kung bakit.
Maaga akong nagising, ngayon kasi ang unang araw ko sa kolehiyo. Nakahanda na ang mga pagkain ng bumaba ako. Naabutan ko si Nanay Sally na nagkakape habang nagbabasa ng dyaryo. Humalik ako sa kanya at umupo na para kumain. Lubos akong nagpapasalamat sa kanya dahil nandyan siya para gabayan ako kung wala siya, ay baka matagal na akong wala. Ilang beses ko na rin kasing tinangkang magpakamatay dahil sa sakit na nararamdaman ko, pero lagi siyang nandyan para isugod ako sa ospital. Sinabi niyang ' Paano na lamang ako kung pati ikaw at mawawala Lara? 'wag mong iiwan si Nanay Sally ikaw nalang ang nandyan para maibsan ang pangungulila ko sa aking mga anak' doon ko napagtanto na kailangan namin ang isa't-isa.
Mabilis akong naghanda upang pumasok ihahatid ako ngayon ni Manong Oscar. Nakausap ko na rin siya at nakapagpasalamat dahil sa pagmamalasakit niya sa akin noon. Maaga pa ngunit sobrang kapal na ng mga sasakayang naggigitgitan. Male-late ako nito. 'Manong, pakibilisan po' sabi ko kay manong na ngayon ay halata na rin sa mukha na nauubusan na rin ng pasensya. Ilang minuto pa ay nakarating na nga ako sa paaralan.
Nagsimula na ang klase at dahil transferee ako ay tinawag ako upang magpapakilala sa harap 'Miss David please introduce yourself in class'. So yun tumayo na ko 'Ahmm, Hi I'm Lara David I'm 17 years old I hope we will all be friends thank you' umupo na ko pagkatapos ay may narinig pa ako na 'Ang ganda pre pwede mo ng idagdag yan sa mga collection mo ng babae Hahaha' 'Mukhang maarte Sis ah tignan mo naman kung makatingin' 'Oo nga hindi naman kagandhan'. Ilan lang yon sa mga narinig ko. Ano ba yan ang bago-bago ko dito may mga haters na agad ako Haha. Buti pa itong katabi ko ang tahimik lang ang kapal nga ng salamin niya at may alikabok pa ang haba din ng makapal niyang buhok. Makipagkilala kaya ako? Ay wag nalang siguro baka hindi rin ako magustuhan nito sabi kasi nila ang weird-weird ko raw e wala naman kaya akong ginagawa. Nagturo na yung Prof namin syempre ako naman nakikinig. I took up Engineering, ito rin kasi ang gusto nila Papa at Mama para sa akin. Naalala ko nanaman tuloy sila. I miss them so much. Yung masasayang moment kasama sila miss na miss ko na. Kung hindi lang sana sila pinatay kasama ko pa sila ngayon. Napalingon nalang ako ng bigla nong marinig ko ang pangalan ko 'Miss Lara are you okay?'. Doon ko napansin na tumutulo na pala yung luha ko at nakakuyom na ang mga palad ko. 'Ahm Ma'am Im okay sorry' tugon ko naman. 'Ang weird girl ah bigla na lang umiiyak best actress ang datingan Hahaha' sabi ng babaeng clown sa likod ko 'Anong weird ka dyan sadyang maarte lang yan! Nagpapapansin attention seeker' sabi pa nung katabi niya di ko nalang sila pinansin. 'Hayaan mo nalang sila masasanay ka rin' bulong nitong katabi ko, buti naman nagsalita na siya 'Ah ganoon ba sige' wala akong masabi mas wirdo pa nga ata siya e 'Ako pala si Jane' 'Ah okay nice to meet you' Mukhang magkakaroon ako ng kaibigan sa wakas. Thank you Lord.
BINABASA MO ANG
Acts Of Vengeance
Mystery / ThrillerNOT SUITABLE FOR YOUNGER READERS. READ AT YOUR OWN RISK.