Kabanata 12 - Ika-Apat Na Biktima

3 0 0
                                    

Lara's POV

Bumaling ako sa dalawa pang taong nasa likod ko. Halata ang takot sa kanilang pagmumukha. Hindi rin sila makatangin ng diretso. 'Ngayon palang tanggapin niyo na kung anong mangyayari sa inyo' sambit ko sabay lapit sa pagitan nila. 'Nakita niyo naman diba? Ano masakit ba? Masakit bang makita sa mismong harapan niyo na unti-unti ko silang kinitilan ng buhay?' sunod-sunod kong tanong.

'Ngayon alam niyo na siguro. Alam niyo na kung ano ang naramdaman ko nung araw na iyon. 'Nung araw na pinatay niyo ang kaibigan ko'.

Masakit para sa aking isipin na nawala si Jane dahil sa akin. Niligtas niya ako na hindi iniisip ang sarili niyang kalagayan. Naiiwas niya ako sa kapahamakan 'nung araw ding iyon. Ako sana. Ako sana ang namatay. Ako sana ang nagahasa. Hinayaan niya na lang sana ako.

Ipinatong ko ang kaliwa 'kong paa sa binti ni Darryl. 'Pero hindi ako papayag na hindi niyo maranasan ang naranasan ng mga kaibigan niyo' sabay baling ko ng tingin kay France. 'Walang matitirang buhay dito' ngisi ko sabay talikod sa kanila.

'Ginaganahan ako masyado' sabay kuha ko sa mahabang tubo na nahagip ng mata 'ko. 'Para maiba maman nakakasawa dahil puro patalim ang ginagamit 'ko' baling ko sa kanila habang pinapalo ng bahagya ang tubo sa aking palad. Halata ang gulat sa kanilang mga mukha.

'Ano sino sa inyong dalawa ang mauuna? sambit ko habang dahan-dahang lumalakad sa likod nila. Walang sumasagot. Nakakabingi ang katahimikan. Halos rinig ko ang bigat ng kanilang paghinga. 'Ano!?' sigaw ko sabay palo sa upuan ni France ng tubong hawak ko. Natawa naman ako sa naging reaksiyon niya, napaigtad pa siya ng kaunti. 'Ano takot kayo? tanong ko sabay harap sa dalawa. Para silang na pipi.

'Ngayon alam niyo na kung ano yung takot na naramdaman ni Jane noon, kung ano yung takot na naramdaman niya sa inyong lima' madiing sambit ko.

Hinatak ko ang kinauupuan ni Darryl sabay hampas ng tubo sa kanyang leeg, naipalig naman niya ito sa kaliwa at napapikit sa sakit 'M-aawa ka L-ara' sambit niya habang nauutal pa. 'Wala akong panahon para dyan!' sambit ko pa sabay palo pa ulit sa kanyang leeg. Hinding-hindi ako dapat makaramdam ng awa ngayon. Tinatapos ko lang kung ano ang nasimulan ko na. Nagdurugo na ang kanang parte ng kanyang leeg at nakalaylay na ang kanyang ulo sa kanan.

Hindi ko na patatagalin pa gusto ko ng magpahinga. Sakto, matalim pa yata ang dulo ng nakuha 'kong tubo nakita ko kasing nagkasugat ang kanyang leeg. Itinapat ko sa kanyang tenga ang dulo ng tubo. Dahil nga sadyang matalim ito, dahan-dahan 'ko itong sinubukang ipasok sa loob ng kanyang tenga, ikinatuwa ko naman ng bumaon iyon maliit lang din kasi ang tubo pero may kahabaan. Halos manlaki ang singkit na mata ni Darryl dahil sa sakit. Buong lakas 'ko pa itong ipinasok. Hindi na siya makausal pa ng salita. Halos tumalsik na sa mga kamay ko ang dugong sumisirit mula sa kanyang tenga. Pero wala akong pakielam dito, ibinaon ko pa ito ng ibinaon na halos malapit ng mangalahati ang parte ng tubong hawak ko. Nakanganga na siya ngayon at ramdam 'kong malapit na siyang malagutan ng hininga. Buong lakas ko pang itinulak ang tubo upang tumagos ito sa kaliwa niyang tenga ng matapos ay sayang-saya ko pa siyang tinignan. Napabaling naman ako kay France at kita 'kong mas doble ang takot niya ngayon kesa kanina. Nginisian ko na lamang siya at kinuha ang baril at agad ipinutok sa humihinga pang si Darryl, sumapul naman ang bala sa kanyang kanang mata at naisipan 'ko na ring gawin iyo sa kaliwa. Namatay siyang lumuluha ng dugo.

Acts Of VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon