Nanginginig ang buong katawan ni Jane dahil sa narinig. Hindi niya alam kung anong gagawin niya. Palabas na siya ng cr ng mga babae ng hindi sinasadyang marinig niya ang pag-uusap ng grupo ni Carl. 'Ano pre, tuloy ba ang plano?' ' Oo naman tuloy na tuloy sa ganda ba naman ni Lara diba?' 'Pero kailangan nating mag-ingat'. Gulat na gulat siya ng marinig ang pangalan ng kaibigan tantya niya pa ay nasa 3 hanggang 5 katao ang naguusap-usap. Nagmadali siyang maglakad at sa pagmamadali niya ay nahulog niya ang isa sa kanyang mga librong dala dali-dali niya itong pinulot. Nang makita ang kaibigan agad niya itong nilapitan 'O Jane bakit ang tagal mo ayos ka lang ba?' tanong ni Lara sa kanya. Muli niyang naalala ang sinabi ng isa sa mga kasamahan ni Carl 'Mamayang uwian sa bakanteng lote dun natin siya abangan tutal mag-isa lang naman niyang umuuwi. 'A-h sa t-ingin ko nga h-indi e p-wede mo ba akong samahan umuwi?' sagot ni Jane sa kaibigan habang pinipilit itago ang kabang nararamdaman. Ito nalang ang paraan para mailayo ni Jane si Lara sa nagbabadyang kapahamakan.
Nang maihatid na ni Lara si Jane sa kanila ay agad din itong nagpaalam hindi na siya papasok sa afternoon class nila 'Sige Lara salamat pala, lagi kang mag-ingat' paalam naman ni Jane kay Lara. 'Wala yun ano ka ba, sige una na ko' sambit naman ni Lara.Kinabukasan -----
'Hoy! Nerd halika nga rito, alam mo pakielamera ka rin e no? sabay hatak sa kanya ni Carl. 'Ano ba bitawan mo nga ako' pagpupumiglas naman ni Jane. 'Narinig mo yung tungkol sa plano namin diba? sambit pa nito. 'Ha? Anong plano wala akong alam sa sinasabi niyo' pagsisinungaling ni Jane. 'Anong hindi ha? Nakita ka naming dumaan 'don sa cr ng mga boys nahulog pa nga yang libro mo!' usal pa nito 'Panira talaga yan pre! Halika sumama ka sa amin!' sabay kaladkad pa sa kanya ng isa pang lalaki.
Lara's POV
Uwian na ang tagal ni Jane sabi niya may kukunin lang daw siya pero hanggang ngayon di pa rin bumabalik. Kaya nagpasya na akong mauna. Ngunit natigilan ako ng makita ko si Jane kasama ang grupo ni Carl lalapitan ko na sana sila ngunit napaatras ako at napatago ng makita kong naglabas ng patalim si Carl sabay kaladkad sa kaibigan ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sinundan ko sila ng sinundan hanggang makarating sila sa bakanteng lote. Hihingi na sana ako ng tulong pero natigilan ako ng saksakin ni Carl sa tagiliran si Jane. Napatakip nalang ako sa bibig ko at pilit pinigilan ang pag-iyak. 'Kung hindi ka nalang sana nangielam hindi mangyayari sayo yan nerd' sambit ni Carl sabay bitaw kay Jane na bigla namang bumagsak sa lupa. 'Kung hindi ka lang sana nag-ingay tungkol sa gagawin namin kay Lara kahapon edi sana hindi ka nadamay pa' sambit pa ng isa sa mga lalaki sabay tadyak pa nito sa wala ng buhay kong kaibigan. Mas lalo akong napaiyak sa narinig ko. Patawarin mo ako Jane. Dahil sa pagligtas mo sa akin ikaw pa ang nalagay sa kapahamakan. Patawad. Akala ko hanggang doon na lang ang gagawin nila sa kaibigan ko ngunit nagkamali ako. Binaboy nila ito. Paulit-ulit. Lima sila. Mga wala silang awa. Hindi pa sila nakuntento sa pagpatay sa kaibigan ko. Awang-awa ako sa sinapit ng katawan ni Jane. Biglang napatingin sa gawi ko ang isa sa mga lalaking kasama ni Carl 'Pre, si Lara !' rinig kong sigaw nito. Natataranta akong tumakbo. 'Ano pang ginagawa niyo, habulin niyo na'. Nangyari na 'to ganitong-ganito mismo. Sobrang sakit. Sa pangalawang pagkakataon ay nawalan na naman ako ng mahal sa buhay. Sa pagtakbo ko siya ring pagtulo ng mga luha ko. Pinara ko agad ang taksing nakita ko at agad nagpahatid sa amin.
Nang makarating ako agad akong nagtungo sa aking kwarto. Hindi ko na pinigilan ang pagbuhos ng aking mga luha. Sobrang sakit. Parang paulit-ulit na sinasaksak ang dibdib ko. Sa pangalawang pagkakataon nasaksihan ko na naman ang ganoong bagay. Sobrang sakit. Dahil sa akin napahamak ang nag-iisa kong kaibigan. Patawarin mo ako Jane. Napasigaw ako sa sobrang sakit at napaluhod. Sobrang sakit. Hindi ko alam kung ano ba ang nagawa kong kasalanan bakit lahat nalang ng malalapit sa akin kinukuha Mo. Kinukuha Mo sa ganoong paraan. Duro ko sa nasa itaas. 'Walang hiya sila! Magbabayad sila sa mga ginawa nila sakin. Mga wala silang awa.' Ang sakit na nararamdaman ko ay unti-unti napapalitan ng galit. Galit sa mga taong gumawa nito sa kaibigan ko. Pinunasan ko ang mga luhang walang tigil sa pag-agos, at tumayo. Huwag kang mag-alala Jane. Ipaghihiganti kita. Papatayin ko sila isa-isa.
BINABASA MO ANG
Acts Of Vengeance
Mystery / ThrillerNOT SUITABLE FOR YOUNGER READERS. READ AT YOUR OWN RISK.