Lara's POV
Napagisip-isip ko na mas maganda yata kung sabay-sabay ko nalang silang papatayin. Mas madali 'yon para sa akin at mas masakit naman para sa kanila. Nagutos na ako ng mga tao. May sapat naman akong pera para bayaran ang mga iyon.
Ngayong gabi rin ay pupunta ako kung nasaan ang apat. Binabantayan sila ngayon ng mga taong binayaran ko. Ihahanda ko na ang mga kailangan ko. Mga baril at kutsilyo. Hindi na ako makapaghintay na makaganti sa inyo mga hayop kayo.
Kinuha ko ang cellphone ko at sakto namang nag-ring iyon 'Hello boss? Nasaan na po kayo? Baka may makatunog sa atin dito, ititext ko nalang sa inyo ang address' sambit ng ng nasa kabilang linya. 'Sige, papunta na ako' sambit ko sabay baba sa telepono.Kailangan kong mag-ingat ngayon. Hindi ito alam ni Nanay Sally. Wala siyang kaalam-alam sa mga pinaggagawa ko. Hindi niya pwedeng malaman. Kinuha ko ang susi ng driver ko at maingat na itinakas ang sasakyan. Wala ng maaring makapigil sa akin.
Mabilis akong nakarating sa lugar kung nasaan sila. Sinalubong ako ng mga taong binayaran ko. Iniutos ko na magbantay nalang sila rito sa labas at ako na ang bahala sa loob. Mga nasa limang tao lang sila.
Pagpasok ko sa loob mga nakatakip ang mata nila at nakabusal ang mga bibig. Pare-pareho silang nakaupo sa upuan habang ang mga kamay at paa ay nakatali naman dito. Isa-isa kong tinanggal ang kanilang mga takip sa mata at gulat na gulat naman sila sa nakita nila.
Nanlaki ang kanilang mga mata ng makita nila ako sa harapan nila. 'Ano nakakagulat ba?' sambit ko sabay ngisi sa mga ito. Sinunod kong tanggalin ang mga busal nila sa bibig. 'Lara anong gagawin mo sa amin? Bakit kami nandito?' halatang may kaba sa pananalita ni Darryl. Lahat sila ay parang ganoon din ang gustong sabihin dahil sa mga tingin nila.
Unti-unti kong inilabas ang mga dala ko. Mga patalim. Mga dikalibreng mga baril. 'Huwag niyo ng itanong pa dahil alam kong alam niyo kung bakit' sambit ko at isa-isa silang tinitigan. 'Maawa ka Lara lahat gagawin namin wag mo lang kaming itulad kay Carl alam naming ikaw lang ang may motibo para patayin siya' pagmamakaawa naman ni Erik. 'Maawa!? Naririnig mo ba yang sinasabi mo ha!? Bakit? Naawa ba kayong lahat kay Jane 'nong pinatay niyo siya? 'Nong binaboy niyo siya ha!? sambit ko, wala akong mapaglagyan ng galit sa mga taong nasa harapan ko ngayon. 'Hindi namin sinasadya Lara parang awa mo na' sambit naman ni France na nangingig pa ang mga tuhod. 'Hahaha nagpapatawa ka ba France? E kung tanggalan kita ngayon ng isang mata at sabihin ko sa iyong hindi ko rin sinasadya matutuwa ka ba ha!?' sambit ko na ikinagulat pa nila. 'Kung mas masama kayo mas masama ako!' sabay kalabit sa gatilyo ng baril na hawak ko at tumama naman sa binti ni France. Napahiyaw siya sa sobrang sakit.
'Hindi niyo alam kung ano yung saya na naramdaman ko noong naging kaibigan ko si Jane, tapos mawawala lang siya ng ganon-ganon nalang? Kukunin niyo sa akin ng biglaan?' sambit ko habang pilit na pinipigil ang pagtulo ng luha ko. Hindi nila maaaring makitang mahina ako. 'Bigyan mo kami ng pangalawang pagkakataon Lara, 'wag mong gawin sa amin 'to pwede namin itong pagbayaran sa kulungan' biglang nagsalita si Geo. 'Pangalawang pagkakataon? Walang 'ganon sa mundo Geo! Lalo na sa mga katulad niyong mga hayop!' sambit ko pero nagulat ako sa isinagot niya. 'Kung hayop kami hayop ka rin Lara! Wala ka ring pinagkaiba sa amin kung ganoon, papatayin mo rin kami!' matapang na sagot pa nito. Biglang naginit ang ulo ko ng marinig ko ang sinabi niya. Mas lalong nadagdagan ang galit na dinadala ko sa aking dibdib.
Hinila ko ang upuan niya papalayo sa mga kasama niya. 'Pinaiinit mo ang ulo 'kong hayop ka! Dahil dyan ikaw ang mauuna!' sambit ko na ikinabigla naman niya. Kinuha ko ang isa sa mga kutsilyo na dala ko. 'Anong gagawin mo ha?!' sambit niya ng makita ang hawak 'kong patalim. 'O akala ko ba matapang ka? Bakit biglang nawala? Takot kang mamatay ha!?' hindi na siya nakapagsalita ng padaanin ko sa bibig niya ang dulo ng kutsilyong hawak ko. Halatang kinakabahan siya dahil naramdaman 'kong bumibilis ang paghinga niya.
'Sige hindi na kita patatagalin pa' sambit ko habang pilit na binubuka ang bibig niya. Nang maibuka ko ay agad 'kong ipinasok ang patalim na ngayon ay nasa loob na ng bibig niya. 'Para hindi ka malungkot kung saan ka man pupunta lalagyan kita ng malaking ngiti sa iyong mga labi Hahaha' sambit ko habang dahan-dahang hinihiwa patagilid ang pagitan ng kanyang mga labi ganoon din ang ginawa ko sa kabila. 'O ayan bagay na bagay sayo, ang saya mo ng tignan, pero hindi pa dyan natatapos syempre' sambit ko habang kinukuha pa ang dalawa pang patalim. 'Masyado kang madaldal kaya ayan tuloy hahaha' sabay tarak ng patalim 'kong hawak sa kanang parte ng kanyang leeg at sumirit naman ang dugo mula rito. Madiin ko pa itong ibinaon hanggang sa hawakan na lang ng patalim ang nakikita. Masyado akong nasisiyahan. Hindi pa ako nakuntento at tinarak ko pa ang isa pang patalim sa nakabukas niyang bibig na sa tingin ko ay konti na lang ay aabot na sa kanyang lalamunan. Hindi na niya ito kinaya at nalagutan na ng hininga na mas lalo ko namang ikinatuwa.
BINABASA MO ANG
Acts Of Vengeance
Misteri / ThrillerNOT SUITABLE FOR YOUNGER READERS. READ AT YOUR OWN RISK.