Lara's POV
'Lara hindi, hindi ako masaya sa ginawa mo'
Si Jane. Nakatayo siya ngayon sa harap 'ko. Hindi ako makapaniwala.
'Hindi ako masaya sa ginawa mo Lara, mali ang ginawa mo. Hindi tama na ilagay mo ang batas sa iyong mga kamay para makuha ang hustisya para sa pagkamatay ko.' sambit pa niya na may malungkot na boses.
'Hindi! hindi ka totoo!' sigaw ko sabay pikit at inaakalang sa pagdilat 'ko ay mawawala na siya sa harap ko.
'Masyado mong pinuno ng galit ang puso mo' pagpapatuloy pa niya.
Hindi na ako makausal pa ng salita dahil sa nakikita at naririnig 'ko.
'Pinuno mo ng galit ang puso mo at wala ka man lang ginawa para pigilan ang paglamon sa'yo nito ng tuluyan. Hindi na kita kilala Lara. Hindi yan ang Lara na nakilala ko. Lara with acts of vengeance in her arms. Lara's eyes with fire because of anger. Hindi ikaw yan Lara.' sunod-sunod niyang sambit. Habang umiiyak.
Hindi ko na rin napigilan ang mga luha ko sa pagpatak habang nakatingin sa kanya. Kitang-kita ko. Nasasaktan siya. Hindi dahil sa sinapit niya.
'Nasasaktan ako Lara. Nasasaktan ako sa paghihiganting ginawa mo. Kailan man ay hindi magiging tama ang isang mali kung gagamitan mo pa ito ng isa pang kamalian.'
Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya. Hindi ako makapaniwalang nandito siya sa harapan ko ngayon at sinasabi ang mga ito.
'Akala mo ba magiging masaya ako? Hindi Lara. Nasasaktan ako. Nasasaktan ako dahil hindi ka man lang marunong magbigay ng kapatawaran. Magiging malaya at magiging magaan ang iyong kalooban kung hinayaan mo lang sanang buksan ang puso mo para magpatawad'.
Halos hindi na ako makahinga dahil sa pag-iyak. Bawat salita na binibigkas niya. Parang patalim na paulit-ulit bumabaon sa dibdib ko. Ang sakit. Ang bigat sa kalooban. Wala akong maiusal na salita.
'Alam 'kong hindi naging maganda ang nakaraan mo. Alam 'kong hindi madali para sa iyo na kalimutan na lang iyon ng basta-basta. Pero kagaya ng sinabi ko. Bigyan mo ng puwang ang puso mo para magpatawad' muli niyang sambit habang dahan-dahang naglalaho sa paningin ko.
Wala akong nagawa kundi umiyak.
Pagpapatawad.
Tama siya. Masyado akong nagpadala sa galit ko. Wala akong ibang inisip kundi ang paghihiganti.
Nakalimutan 'ko ang salitang Pagpapatawad.
Kung noon pa lang ay natanggap 'ko na ang pagkamatay ng pamilya ko. Hindi siguro ako aabot sa puntong ito na makakapatay din ako mga tao.
Kung agad ko sanang natanggap ang pagkamatay ni Jane.
Kung hinayaan ko lang sanang buksan ang puso ko para magpatawad.
Hindi sana ako aabot sa ganito.
Hindi na maibabalik ang panahon.
'Ma, Pa, Kuya at Jane hintayin niyo ako kung nasaan man kayo ngayon. Paparating na ako. Hindi ko na kaya pang dalhin ang bigat sa dibdib ko.'
Paninindigan 'ko na ang sinimulan ko.
Hindi ko kayang patawarin ang sarili ko.
BINABASA MO ANG
Acts Of Vengeance
Misteri / ThrillerNOT SUITABLE FOR YOUNGER READERS. READ AT YOUR OWN RISK.