'Wala na sila Hahaha' sambit ni Rea habang tinatanggal ang busal ng kapatid. 'Pa-anong w-ala na s-ila?' utal na sambit ni Lea habang nanginginig ang kanyang mga labi. 'Pagka-alis na pagka-alis niyo, pinasunog ko ang buong mansyon Hahaha himala nalang kung makaligtas pa sila' walang kagatol-gatol na sambit ni Rea na parang hindi niya mga magulang ang tinutukoy sa sinasabi. 'Walang hiya ka Rea! Wala kang utang na loob minahal tayo ng mga magulang natin tapos ito ang igaganti mo sa kanila' sambit ni Lea sa gitna ng kanyang paghagulgol hindi niya akalaing mangyayari ito sa kaniyang mga magulang. 'Minahal?Minahal ba kamo Lea? Buong buhay ko hindi ko naramdaman 'yon wala silang ibang ginawa kundi ikumpara ako sa'yo Lea! Buti pa si Lea ganito! Buti pa si Lea ganyan! Ikaw nalang lahat! Ikaw na ang magaling, ikaw ang matalino, ikaw ang may mararating sa buhay! Hindi nila makita na nandito ako ikaw lang ang nakikita nila masyado kang pasikat! Nakakalimutan nilang may isa pa silang Anak na gusto rin ng atensyon mula sa kanila na gusto rin ng papuri galing sa kanila!' sambit ni Rea sa kakambal kasabay ng sunod-sunod na pag-agos ng luha sa kanyang mga pisngi.
Sa mga ikinilos niya kanina ay hindi mo matatanto na ganito pala ang pinagdaanan nito ginusto niyang makuha ang atensyon ng kanyang mga magulang, ginusto niyang makatanggap din ng mga papuri galing sa kanila pero nabigo siya na sa hindi inaasahang pagkakataon ay naging dahilan upang mapuno ng galit ang kanyang dibdib. Nasasaktan siya tuwing ikinukumpara siya sa kanyang kakambal, hindi nila makita na may sarili rin siyang kakayahan na hindi siya katulad ni Lea, na magkaiba silang dalawa.
Nagulat si Lea sa sinabi ng kapatid hindi niya akalain na ganito ang nararamdaman ni Rea sa tuwing ikukumpara siya rito ng kanilang mga magulang. 'H-indi ko a-lam Rea' naaawang sambit ni Lea sa kapatid. 'Wag kang maawa sakin Lea' sabay pahid sa luha sa kanyang pisngi 'Maawa ka sa mangyayari sa buhay mo, sa buhay ng mga anak mo at sa buhay ng asawa mo!' sabay dapo ng kanyang palad sa mukha ng kapatid.
Kinuha niya ang isa sa mga baril na nakasabit sa pader at itinutok sa mukha ni Lea ' Patawarin mo a-ko Rea, h-indi ko alam na g-anito ang pinagdadaanan mo' iyak na sambit ni Lea sa kapatid. 'Patawarin ha Lea? Pagkatapos niyo akong ipadala sa ospital na iyon? Pagkatapos niyo akong isama sa mga baliw na nandoon? Hindi ako baliw Lea! HINDI! sabay kalabit sa gatilyo ng baril na hawak niya na tumama naman sa kaliwang balikat ng kakambal. Kinuha niya ang kutsilyo sa pader at ginamit upang matanggal ang pagkakatali ni Lea. Walang kalatoy-latoy na napabagsak sa sahig si Lea habang hawak ang nagdurugong balikat. 'Para 'to sa lahat sakit na pinaramdam mo sa akin Lea' sabay tadyak sa tiyan ng kakambal na ikinahiga naman nito sa sahig. Hindi na makapagsalita pa si Lea dahil na rin sa dugong lumalabas sa kanyang bibig. Pumaibabaw naman si Rea sa kakambal 'Para naman 'to sa pag-agaw mo sa akin kay Peter na nag-iisang naging kaibigan ko noon' sabay saksak nito sa mukha ni Lea na hindi alam kung saan ibabaling ang ulo dahil na rin sa sakit, walang awa niya itong hinugot pabalik at isinaksak naman ito sa leeg ng kakambal wala na siyang pakielam kahit mapuno na ng dugo ang kanyang sarili. Napupuno siya ng galit sa dibdib na matagal ng gustong kumawala sa kanya. Nanginginig ang kanyang mga kamay na may hawak na kutsilyo na napupuno na rin ng dugo muli niya itong itinarak. Ngunit ngayon ay mas matindi, buong lakas niya itong isinaksak sa dibdib ni Lea at muling hinugot at muling isinaksak. Paulit-ulit. Madaming beses. Kahit naramdaman niyang hindi na humihinga ang kapatid ay patuloy pa rin siya sa pag saksak dito. Tumayo siya ngunit hindi dito natatapos tinadtad niya pa ng bala ang katawan ng kapatid dahilan upang magkalasog-lasog ito.
Sa kabilang banda ay hindi alam ni Peter ang una niyang mararamdaman kung magagalit ba o matatakot sa susunod na ikikilos ni Rea o maaawa sa sinapit na kanyang anak at asawa. Mas lalong lumakas ang kabog ng kanyang dibdib ng dumako ang paningin sa kanya ni Rea, sabay lapit at tanggal nito sa panyo na nasa bibig niya. 'Hayop ka Rea, wala kang awa bakit mo 'to ginagawa sa amin?' sambit ni Peter na may kaba sa kanyang dibdib. 'E eto ang gusto ko, ang pahirapan kayo! Wala kayong mga kwenta!' sambit ni Rea sabay baril sa kanang binti ni Peter.
Hindi na niya ininda ang tama ng baril sa kanya ang inaalala niya ngayon ay si Lara masyado pang bata ito para makita ang mga ganitong bagay at hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili kung pati ito ay madamay sa kahayupan ni Rea. Kailangan niyang mag-isip pero halos wala ng tumatakbo sa isip niya ngayon. Kaya't pumikit siya at nag-usal ng maikling dasal 'Panginoon, kayo na po ang bahala sa amin 'wag niyo pong hayaang pati si Lara ay maranasan ang ganito ako nalang ang kunin niyo hayaan niyong makatakas ang anak ko' napamulat na lamang siya ng maramdaman pa ang isa pang bala na tumama sa isa pa niyang binti. 'Hahaha ano masakit ba? Masakit bang makita na wala na silang buhay? O nakalimutan ko may isa pa pala' sambit ni Rea sabay lapit naman nito sa pamangkin. 'Huwag siya Rea parang awa mo na napakabata pa niya wag mo siyang saktan maawa ka' pagmamakaawang sambit ni Peter kay Rea. 'Wala ka ng magagawa pa' sambit naman ni Rea habang pinupulot ang isa sa mga kutsilyo kanina. 'Ako nalang Rea, wag ang anak ko' sambit ulit ni Peter kasabay ng pagpatak ng kanyang mga luha. Kahit anong piglas niya ay hindi siya pinapakinggan nito wala na siyang nagawa ng unti-unting hiwain ni Rea ang kanang braso ni Lara na ngayon ay walang tigil sa pag hiyaw dahil sa sakit. 'Panginoon, tulungan niyo po kami' sambit uli ni Peter.
Nang walag ano-ano'y umalingawngaw sa lugar na iyon ang sirena ng mga pulis. Napaangat siya ng ulo mula sa kanyang pagkakayuko 'Salamat, salamat' muling usal niya. 'Boss may mga parak!' natatarantang sambit ng isa sa mga tauhan ni Rea. 'Ihanda ang sasakyan pakawalan si Peter at si Lara hindi pa kami tapos walang matitirang buhay dito' matigas na sambit nito na agad namang sinunod ng kanyang mga tauhan habang ito nama'y abala sa pagkuha ng mga dika libreng mga baril. Palapit na sana si Lara sa kanyang ama ng paulanan ng bala ni Rea si Peter na ngayon ay nakahiga na sa sahig ibabaling na sana ni Rea ang kanyang baril sa pamangkin ng matamaan siya ng bala sa balikat galing sa baril ng isa sa mga pulis.Wala na siyang panahon pa at dali-dali ng tumakbo kasama ang kanyang mga tauhan.
'Papa!' hiyaw ni Lara habang papalapit sa Ama. Tuloy-tuloy ang pag-agos ng kanyang mga luha hindi dahil sa sugat na kanyang natamo kundi dahil sa kinahinatnan ng kanyang pamilya. 'Pa, lumaban ka' sambit ni Lara sa gitna ng kanyang pag-iyak sabay yakap sa Ama. 'A-nak, A-nak m-akinig ka' hirap na usal nito. Tinitigan niya ang mga mata ng Ama, nakikita niyang ito'y hirap na hirap na. Hindi pa rin tumitigil ang putukan kahit hirap na hirap ay nasambit ni Peter ang mga salitang 'Anak tumakbo kana ! Huwag mong hayaang pati ikaw ay mapatay nila maging malakas ka maging matapang ka Anak para sa akin at para sa Mama at Kuya mo Ma-hal na mahal k-ita A-nak'
'Hindi Pa hindi ko kayo iiwan' sambit ni Lara habang walang tigil sa pag-iyak. 'A-nak makinig ka sa a-kin, tumakbo ka na' sambit uli nito at kahit walang lakas ay bahagya pa siya nitong naitulak. Wala siyang magawa at kahit labag sa kanyang kalooban ay tumayo siya 'Pa mahal na mahal ko po kayo' sabay buhos ng kanyang mga luha. Sobrang sakit na sa bawat hakbang ng kanyang paa palalayo ay pabigat ng pabigat ang kanyang kalooban. 'Kailangan kong maging malakas' sambit niya sa kanyang sarili. Tumakbo siya ng tumakbo habang hawak ang kanyang kanang braso hindi siya napansin ng mga pulis dahil abala ang mga ito sa pagtugis sa kanyang Tita Rea at mga tauhan nito at dahil na rin sa kadiliman sa lugar na iyon.
Napansin niyang papunta sa kanilang bahay ang daan na tinatakbuhan niya ngayon. Sa kabilang banda naman ay iniutos ni Rea na sundan pa rin si Lara hindi ito pwedeng mabuhay madami itong nalalaman. Walang maaaring matira sa pamilya David.
BINABASA MO ANG
Acts Of Vengeance
Misterio / SuspensoNOT SUITABLE FOR YOUNGER READERS. READ AT YOUR OWN RISK.