Lara's POV
Isa na lang. Isa na lang at matatapos na ang paghihiganti ko Jane. Hindi ko na 'to patatagalin pa. Alam 'kong matatahimik kana dahil wala na ang mga taong bumaboy sa pagkatao mo.
'L-ara parang awa mo na, wala ka bang natitirang awa' sambit ni France na patulo na ang luha. Siguro siya ang pinakakawawa sa kanilang lahat. Dahil nasaksihan niya kung paano ko pinatay ang mga kaibigan niya. Nasaksihan niya kung paano sila unti-unting nalagutan ng hininga. Pero hindi ko hahayaang may matira. Hindi siya makakaligtas sa akin.
'Tanggapin mo na lang, isipin mo na ganyan din ang kalalagyan mo' sambit ko habang kinukuha ang iba pang patalim sa loob ng bag na dala 'ko. Kumuha ako ng mga tatlo. Nakita 'ko ang sariwang sugat niya sa binti na dulot ng pagbaril ko sa kanya kanina. Lumuhod ako ng bahagya para makita iyon ng malapitan. 'Anong gagawin no ha?' nanginginig niyang tanong. Siya ang pinakamahina sa lahat. Halata pa lang noong una.
'Masyado yata itong mababaw ha?' tanong ko sa kanya. Naging mababaw lang ang sugat na natamo niya dahil sa pagbaril ko dahil na rin siguro medyo malayo ako ng barilin ko ito. 'Palalalimin ko nalang' sambit ko sabay handa sa isang patalim. Napasigaw nalang siya sa sakit ng itarak ko ang kutsilyo sa kanyang sugat 'A-gggghhhh L-ara' sambit niya dahil sa sakit.
Mas lalo akong ginanahan sa narinig ko. Dahil dito mas lalo ko pang ibinaon ang patalim at saka inikot ng ilang beses. Sumirit ang napakaraming dugo. Walang tigil. Tumayo ako ng hindi hinuhugot ang kutsilyo sa kanyang binti. Bumaling ako sa kanya at kita kong nasasaktan siya sa ginawa ko.
Hinawakan ko ang mukha niya upang tumigil ito sa pagbaling ng kanyang ulo. 'Una pa lang yan' sambit ko sabay dapo ng likod ng kamay ko sa kanyang pisngi. Hindi siya makagalaw sa pagkakaupo niya dahil na rin sa higpit ng pagkakatali sa kanyang kamay at paa.
Wala na akong ibang makitang pwedeng ipangpatay sa kanya. Para sana kapanapanabik. Katulad noong kay Darryl. Wala akong ibang hawak kundi baril at patalim. Itinapat ko ng malapitan sa kanyang binti ang hawak 'kong baril at saka iyon ipinutok. Napapasigaw siya sa sakit. Parang magandang musika sa aking pandinig ang bawat hangos niya.
Wala na akong maisipang gawin para pahirapan pa siya. Kaya ginawa ko nalang ulit ang ginawa ko sa kanya kanina. Buong pwersa 'kong itinarak ang patalim kung saan ko rin ipinutok ang baril. Nilaro-laro 'ko pa ito. Mas lalo ko pang pinalaki ang butas na dulot ng bala ng baril. Hindi niya alam kung saan niya ibabaling ang kanyang ulo dahil sa sakit.
Halos mapuno na ng dugo ang kanyang maong na pantalon. Gusto 'ko ng umuwi at magpahinga. Ipinasok ko sa bibig niya ang bunganga ng baril na hawak ko tsaka iyon ipinutok. Maraming beses. Dahilan upang mawasak ang ibaba ng kanyang mukha.
Ang ganda sa paningin puro pula. Puro dugo. Sa wakas tapos na. Tapos na ang paghihiganti ko. Jane eto na, wala na sila. Wala ang mga taong pumatay sa'yo.
Napagpasyahan 'kong lisanin na agad ang lugar na iyon. Ibinigay ko na ang perang hinihingi ng mga binayaran 'ko. Ibinilin 'kong linisin ang bawat kalat. Walang matitira, ni isang patak ng dugo. Masyadong malayo ang lugar na ito. Pero kailangan makapanigurado ako. Mahirap na.
BINABASA MO ANG
Acts Of Vengeance
Misterio / SuspensoNOT SUITABLE FOR YOUNGER READERS. READ AT YOUR OWN RISK.