Naging magkaibigan nga si Lara at Jane madalas silang sabay kumain. Napagalaman din ni Lara na laging nabubully itong si Jane. Halos lahat yata ng pang-bubully naranasan na niya. Madaling nagkapalagayan ng loob ang dalawa, marami na ring napag-kuwentuhan. Naging masaya nga si Jane dahil ito ang unang beses na nagkaroon siya ng kaibigan. Madalas din kasi itong mag-isa kaya laging napagtitripan. ' Ahm, Jane cr lang ako ha?' Paalam ni Lara sa kaibigan 'Ah sige balik ka agad ah' sagot naman ni Jane. 'Mag-isa na naman ang nerd ng campus' sambit na isa sa mga laging nambubully sa kanya. Hindi nalang siya nagsalita para hindi na siya guluhin ng mga ito pero nagkamali siya. Naramdaman niya ang malamig na tubig sa kanyang ulo pababa sa kanyang katawan. Naikuyom na lamang niya ang kanyang mga palad. Ayaw niya itong patulan tutal sanay naman na siya sa mga ito. May baon naman siyang mga damit dahil alam niya mangyayari na naman ito. 'Shit! Jane ano na namang ginawa nila sa'yo' galit na sigaw ni Lara ng makita ang kaibigang basang-basa. 'Wala ayos lang ako Lara, Salamat' sambit naman ni Jane. 'Anong ayos ha? Teka nga' ' Uy Lara anong gagawin mo?' Hindi na napigilan pa ni Jane si Lara. 'Hoy kayo! Hindi ba talaga kayo titigil ha?! Wala ba kayong alam na gawin kundi mam-bully?!' duro ni Lara sa mga nambully sa kaibigan. 'Wow may nagtatanggol na ngayon sa nerd natin bakit hah? Kaya mo ba kami?' 'Lara tama na ano ka ba hindi mo sila kaya, hindi mo sila kilala' tuluyan ng nailayo ni Jane si Lara sa mga ito. Halika samahan mo muna akong magpalit at ikukuwento ko sayo. Nagtaka naman si Lara kung bakit ganito na lamang ang takot ni Jane sa grupo ni Carl.
'Ganito kasi yun' pagsisismula ni Jane sa kanyang kwento. Nasa coffee shop sila ngayon malapit sa kanilang eskwelahan. 'Alam mo ba kung bakit hinahayaan ko nalang gawin nila sa akin to? Ayoko kasing matulad sa isang estudyanteng napagtripan daw nila lagi rin nila 'yong binubully. Hindi na nakapagtimpi kaya lumaban pero sa bandang huli ito pa ang nabugbog at di nila inaasahang mapapatay nila 'to. Mayaman ang pamilya nila Carl kaya bayad lahat pati na rin itong university kaya nga walang nagtatangkang labanan ang grupo niya e' pagkukuwento ni Jane. 'Ang sama nila dapat sa kanila pinapatay din' bulong ni Lara. 'Ha ? ano sabi mo Lara? tanong naman ni Jane dito ' Ah wala, tara uwi na tayo maggagabi na rin' sambit ni Lara. Umuwi na nga sila pero hindi pa rin mawala sa isip ni Lara ang mga narinig. Dapat silang mag-ingat ng kaibigan niya.
BINABASA MO ANG
Acts Of Vengeance
Misteri / ThrillerNOT SUITABLE FOR YOUNGER READERS. READ AT YOUR OWN RISK.