Chapter 03

15.9K 217 5
                                    

Chapter 03

"Ikaw?"/"Miss Vanessa?" Sabay naming salita.

No way. What the heck is this weird guy doing here?

"So naalala mo pa ko?" Napangiti na ulit siya.

"Of course. Last week lang naman kita nakilala 'no at hindi naman short term ang memory ko." Mataray kong sagot sabay balik ng tingin ko sa harap. "Von Johan San Miguel. The rude and weird employee at my dad's company."

"Rude and weird?" Halos matawa siya. "What a way to remember me."

"Why? Is there any other way to remember you?" Pagtataray ko pa rin without turning my look at him.

"Yeah? Like... gwapo ako."

Napatingin na ko ulit sa kanya but with a frown. Dun ko lang napansin na oo nga, gwapo siya, with a clean haircut and a bit mature look. Pero kaysa iappreciate ang kagwapuhan niya, mas nainis pa ko. Weird and rude na nga siya, vain pa.

"Hey hey, 'wag mo ko tignan nang ganyan. I was just kidding, okay?"

I just rolled my eyes at him. Sa white board na lang ako tumingin kung saan nagsusulat ng ng something about Biology 'yung lesbian prof namin.

Nanahimik na rin 'yung katabi ko-- or at least I thought so.

"Tss. First day na first day, may lesson agad?"

May lahi yata itong baliw. Nagsasalita mag-isa eh.

"Hindi man lang ba niya tayo bibigyan ng time para kilalanin ang classmates natin? Lalo na ko. I'm just new here."

Ang daldal naman nito. Tsk.

"I wonder why we still need to take this subject. Diba pinag-aralan naman na natin ang Biology nung high school tayo?"

Napapikit ako para pakalmahin ang sarali ko. Nakakapuno na eh. Isa na lang, babarahin ko na 'to.

Pero...

Hindi na siya muling nagsalita. Aba? Buti naman.

Huminga ako nang malalim at saka dumilat, only to notice him staring and smiling at me. Tinignan ko siya with another frown, but he just smiled more.

"Can you please stop staring and smiling at me like that?" Reklamo ko. "Aside kasi sa nakakainis, nakakakilabot na rin. It's starting to freak me out."

"Ah," Tumingin siya sa harap at naghilot ng ulo. "Sorry, sorry. It wasn't my intention to freak you out. Nakaka-ano lang kasi..."

"Nakaka-overwhelm? 'Yan na rin ang sinabi mo dati."

"No, not that." Halos matawa na naman siya. Tinakpan na lang niya ang bibig niya with one hand at sinet ang tingin sa harap.

"Kung hindi ka na na-ooverwhelm, then what? Pinagtitripan mo ba ko ah?"

"Hey, that was not it." Napatingin na siya sa'kin.

"Eh ano nga?" Mahina lang ang boses ko pero halata na sa tono ko na malapit na kong sumabog sa inis.

"I just find you attractive. 'Yun lang."

That shut me up for a moment.

"O.. Okay," Nakasimangot pa rin akong tumingin sa harap. Hindi ko akalaing maiilang pa rin akong makatanggap ng ganung compliment mula sa ibang lalaki. Wala naman kasing lalaking nagcocompliment sa'kin nang ganun, except sina Archer at Dad. "Just find me attractive, not get yourself attracted to me. I'm already taken, just so you know."

His Lucky Fiancee (LUCKY Duology Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon