Chapter 22

10.5K 176 4
                                    

Chapter 22

Monday came--ang pangalawang araw ng panliligaw sa akin ni Von Johan. Kahapon, may trabaho siya eh, so he was only able to woo me through phone.

Una text-text lang kami nun, until he finally got the time to call me. Gabi nga lang na iyon, almost time to sleep, kaya nahiya rin siya. He texted me first, asking if it was okay to call me, and I said yes. Sanay naman akong magpuyat eh.

Unexpectedly, napuyat nga ako. Hindi ko inaasahang mae-enjoy ko ang pakikipag-usap sa kanya. That surprised me 'cause I expected that I'd soon get bored--'cause I thought it was only Archer who could make me stay up very late at night just for a phonecall. Pero kaya rin pala 'yung gawin ni Von Johan.

Napangiti ako habang nagsusuklay sa harapan ng salamin. I was not that happy yet, but I was already feeling good about this--Von Johan courting me. Hindi ko rin yata siya dapat i-underestimate. Mukha kasing kaya niyang pahulugin ang loob ng kahit na sinong babae na ligawan niya--na sana nga mangyari na sa akin.

*

"Good morning, Nay." Niyakap ko nang mahigpit si Nanay Beth na sa kusina ko naabutang nagluluto.

"Aba, ba't nanggigigil ka?" Pagtataka niya.

"Nagugutom na po kasi ako." Dahilan ko naman, which was not really true. I just felt so good that I had to release it through squeezing someone.

Natawa si Nanay Beth, at sinabihan akong mag-stay na sa kainan dahil matatapos na siya sa pagluluto. Sumunod naman ako. Kakapuwesto ko lang sa isang side ng dining table namin nang mapansin ko ang magazine na naka-open sa side na laging pinupuwestuhan ni Nanay Beth.

Kinuha ko 'yung magazine at tinignan kung anong pangalan nito. When I finally did, I stiffened all over. Isa pala itong entertainment magazine and on its cover was Archer--Archer with messy, brown-black hair, and a pair of black eyes that was staring at me.

Nagwala ang puso ko sa pagtitig niya sa akin. I even felt myself blush! Napatingin din ako sa ibang direksyon but heck. Bakit ba ako nagkakaganito eh isang picture lang naman si Archer dito sa magazine?!

I heaved out an exasperated sigh before I looked back at Archer's photo. Pero ganun pa rin ang epekto sa akin nitong kuha niya eh? Nakaramdam ako ng kilig, at pagka-miss.

"I miss you..." Bulong ko habang tini-trace ng hintuturo ko ang mukha niya.

Sa nakalipas na anim na buwan, ngayon ko lang ulit siya nakita. And now, he looked a little different. Bukod sa iba na ang kulay ng buhok niya, mas nagmukha na siyang matapang ngayon--at hot.

Err... E-Eh kasi naman! Itong nilalang na 'to, parang wala lang pinagdaanan. He looked so healthy, so fit, so okay. Samantalang ako, pumayat dahil sa depression.

Siguro, okay na talaga siya ngayon... He's really better off without me...

I felt depressed once again. Pero napalitan agad ang depression na iyon ng matinding curiousity nang mapansin ko ang nakasulat sa main headline.

NEW YEAR, NEW ALBUM! Archer tells ENT-Mag what's behind his new love songs!

Medyo nag-shake ang mga kamay ko roon. Ano nga kaya ang inspirasyon ni Archer dun sa mga love songs ng bagong album niya? Kami pa eh nung magsimula siya sa recording nun. May... May nabanggit kaya siya rito about sa'kin?

Pilit kong ini-steady ang mga kamay ko at nilipat ang pahina nitong magazine sa table of contents. Madali kong hinanap kung saang page ang interview ni Archer. And as soon as I found it, madali ko ring hinanap ang page na iyon.

His Lucky Fiancee (LUCKY Duology Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon