Chapter 17

11.5K 178 2
                                    

Chapter 17

So Von Johan really did let me stay at his place, kahit ba mukhang nag-aalangan pa rin siya sa ginawa niyang pagpayag sa pabor ko. He wasn't saying anything about it, nor showing a hint sa mga kilos niya. Pero sa ekspresyon ng mukha niya, nararamdaman ko ang pag-aalangan niya.

I guess, he was afraid of Dad finding this out. Siyempre, kahit may father-and-son-like relationship sila, puwedeng iba pa rin ang maging reaksyon ng tatay ko tungkol dito dahil ako ang tunay na anak. Tapos babae pa ako.

"Oh, akala ko bumalik ka sa pagtulog." Nagulat si Von Johan nang makita niya ako sa sala at nakaupo sa single sofa.

Dito na ako pumuwesto mula nung matapos ako sa pagkain. Gustuhin ko rin naman kasing matulog, hindi ko naman feel gawin. A lot of things was bugging me, and one of those was no other than Archer. Hawak-hawak ko nga ngayon ang cellphone ko, umaasa na tatawag or magtetext siya sa'kin to finally clear things and to have me back. Pero... wala eh...

Actually, it was already driving me nuts. Nung tinanong ko si Archer kung minahal niya ba ako as Vanessa tapos hindi siya nakasagot, inisip ko nang hindi talaga niya ako minahal. 'Cause if he did, dapat madali siyang umoo diba? Pero hindi niya 'yun nagawa. Kahit nga pagsisinungaling na lang na pag-oo, hindi niya nagawa. Hindi siya makipagsinungaling dahil ganoon na lang niya kamahal si Jessica kahit ba patay na ito. And eversince he let go of my hand and when he just watched me walk away, naniwala na akong wala na kami--na malabo na ang lahat sa amin.

Pero ito ako ngayon, umaasa pa rin sa kanya.

Isa itong kahibangan. Kaya parang gusto ko nang saktan ang sarili ko eh, para lang matauhan ako't magising sa kahibangan na 'to.

"Hey, Vanessa."

Napakurap ako sa pagtawag na iyon ni Von Johan. Mula sa pagtitig ko sa kawalan ay napatingin ako sa kanya. Nakaupo na pala siya sa mahabang sofa sa tapat ko, with both elbows resting on his knees. Ang mukha niya, hindi maipinta. Para siyang naiinis na nag-aalala.

"You can talk to me, you know." Mahinahon naman niyang sabi. "Mahihirapan ka niyan kung sasarilinin mo lang ang lahat ng problema mo."

Napangiti ako. Ganito nga pala kapag may kaibigan ka. 'Yung kapag nararamdaman nilang may problema ka, ie-encourage ka nilang mag-open up. In return, they'd try their best to help you. Well, Miguela was always like that to me.

"Wala ka bang klase ngayon?" I asked him instead.

"Wala. It's Tuesday today so dapat nasa trabaho ako ngayon."

"Trabaho? You mean, kay Dad?" He nodded. "Oh eh bakit nandito ka?"

Halos natawa siya, then shrugged, and turned his attention sa pag-open ng laptop niyang nasa coffee table. Natauhan din ako agad. Malamang lang pala na ako ang dahilan kaya hindi siya pumasok sa trabaho niya!

Naalala ko tuloy 'yung times na tinakas at tinago ako ni Archer...

Oh, no. Not him again.

"Vanessa."

Again, napakurap ako sa pagtawag na iyon ni Von Johan. Gaya kanina, natulala na naman ako sa kawalan eh--at nakita ko na naman ang naiinis na nag-alala niyang itsura. Seeing him like that made me feel guilty so pilit akong ngumiti para ipakita na ayos lang ako.

"Uy, pansin ko ah, Vanessa na lang ang tawag mo sa'kin." I told him.

Medyo nanlaki ang mga mata niya sa gulat. Bumuka rin ang bibig niya as if to say, Hindi nga? But instead, the words he uttered were, "Oh shit." Napasabunot pa siya sa buhok niya na para bang nafu-frustrate siya dahil may nagawa siyang malaking pagkakamali. "Sorry about that, Miss Vanessa. I was just--"

His Lucky Fiancee (LUCKY Duology Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon